Chapter 7: Blood and Beauty

37 2 0
                                    

Kasalukuyan kami ngayong bumabiyahe patungo sa kung saan naganap ang nangyari kay Mitch. Napagdesisyonan ng grupo na puntahan si Peter sa bahay nila.

Buong akala ko si Peter yung nagdadrive ng sasakyan.

While on the road, the group discussed about Mitch's case.

"Bakit naman siya papatayin?" Kim asked everyone.

"Probably because someone hated her for planning to set-up her winning moment on the fashion show." Jared answered.

"Baka other candidates." Hula ni Andrew.

Sina Gilly at Rain naman, nakatutok sa laptop. Kachat nila ngayon si Peter na naghihintay sa amin sa bahay nila.

Peter was the one who texted Roxy about Mitch's death. Pupuntahan namin sya sa bahay nila ngayon para dun muna namin iwanan ang mga bagahe namin tsaka kami pupunta sa pinangyarihan ng krimen.

"Wala pa daw mga pulis sa crime scene at wala pa din daw nakakaalam except kay Chloe Lopez." Gilly updated us with Peter's reports.

"I don't know what to feel guys." Heto na naman ang maarteng boses ni Roxy. "A part of me feels good about it that she's gone. Baka karma nya. But a part of me feels sorry for her. I feel sad."

"Baka baliw ka na." Rain coldly commented.

Napangiti at tumawa naman ang iba pang kasamahan namin sa sasakyan.

"So we have possible suspect. We'll stick on the candidate first. Especially, Chloe Lopez. Gilly, mark her as a suspect for now." Jared pointed out. "Kim, interview Chloe as we get into the crime scene."

Kim nodded as an answer.

First time kong ma-meet ang The Team at sa kauna-unahang pagkakataon, makikita ko kung paano sila magtrabaho. Jared said that they're a secret school organization, so kailangan din ba pasikreto din nilang imbestigahan ang kasong 'to?

As for now, si Kim at Jared ang nakikita kong pinaka-active sa kanila. Especially Kim dahil matalino sya at very authoritative. She acts like the leader. Si Jared naman, he acts like a CEO. Maghihintay lang sya ng mga suggestions ng mga members nya and then he'll agree to it. Or sometimes he would also suggest and distribute tasks to his members. The rest of The Team, well, si Roxy nakikita ko puro pag-iinarte. Gilly, masyadong tutok sa encoding kaya medyo hindi ko napapansin na active sya. Rain? Pinakatahimik sa lahat. Tama nga si Jared. Mukhang takot sya makipag-interact but good thing is, he can still manage to throw a joke on Roxy. Luis? Nasa shotgun seat sya kaya hindi nya kami naririnig ngayon dahil sarado. And Andrew? He's acting hella awkward all the time. Mukhang takot siyang mabasa ko ang mga galaw nya.

I don't about Peter. Jared said I've been with him before together with Andrew. Sana hindi maging awkward ang pagkikita namin mamaya katulad ng nangyayari samin ngayon ni Andrew.

The Team are still discussing about the case until we've reach our stop. Narinig ko namang bumaba si Luis mula sa shotgun seat at pinagbuksan ako ng pinto.

"Bonjour Madame. Alvia's residence everyone." Luis said, impersonating a tour guide.

Nanuna akong bumaba dahil ako ang pinakamalapit sa pinto. Funny thing is, customized itong limo na 'to kaya iisa na lang ang pintuang maaring labasan. The car door on the left side was closed dahil linagyan ng upuan para mas maraming pwedeng umupo.

Sumunod naman sina Jared at iba pang members sa paglabas.

Una ko agad napansin ang itim na gate na nasa harapan ko ngayon.

Ba't hindi nila ipinasok ang sasakyan tutal bahay naman 'to nila Peter.

Ibinaba nina Luis at ng driver na ngayon ko lang nakita ang mga bagahe namin. Sila na din ang nagdala.

Lost In The Stars: AnamnesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon