Chapter 10: Red Box

30 1 0
                                    

". . .dalawang daan lang bawat detalye. Game?" Wika ni Love na ikinagulat naming lahat.

"Teka, ano 'to? Pinaglalaruan mo ba kami?" Kim started to raise her voice.

"Hindi. Kakasabi ko lang diba? Naroon ako nung naaksidenta si Lara. Sasabihin ko lahat ng detalye." Wika nya sa mala-tomboy nyang pananalita.

"Miss, we can't trust you." Peter told Love.

"Nakasakay si Lara sa isang itim na sasakyan nang may dumaang truck." Love started giving the details.

Napatingin naman kaming lima sa isa't-isa. Di kaya alam nya talaga ang nangyari at naroon talaga sya nang mangyari ang aksidente?

"Yun lang?" Kim asked her.

"200 na yun." Love said, lending her hands to us.

"That's 200?!! Ano yun?! It doesn't worth 200! Not even the half of it!" Roxy raised her voice angrily.

"Pwede mo namang ipambayad yang bracelet mo." Love said, referring to the gem-like bracelet worn by Roxy.

"Teka, sino ka ba talaga?" Gilly asked her.

"Love Morgado. Galing akong Europa. Hindi Europa, kundi Europa, yung section. Naroon ako nang nangyari ang aksidente." She stopped explaining and thought something. "Hanggang diyan lang, yung ibang detalye, may bayad na. 200. Dali."

Suddenly, someone threw a card at Love that it hit her head.

"Tell us everything. You can have my card. Passcode's 37922673." It was Jared.

Pinulot naman ni Love ang card at napangiti. "Ibaaaa. San nyo gustong mag-usap?"

--------------------------
-----------


Napadpad kami sa library para mag-usap. Sana totoo ang sinasabi ni Love na naroon sya nung maaksidente ako. At kung ano pa man ang mga sasabihin nya, I hope it'll be the truth.

Nalaman ko lang din na kaklase pala ni Rain si Love sa section Europa. Halos walang nakakakilala sa kanya kase transferee sya mula sa Iloilo. Hindi din daw sya minsan pumapasok dahil nagtatrabaho din sya. Masipag din pala 'tong Love na 'to maghanap ng trabaho.

Pati nga detalye ng pagkaaksidente ko, gusto pang pagkakitaan.

Ngayon, si Jared, Peter, Kim, Roxy, Gilly, Love at ako lang ang nasa iisang table sa may pinakadulo ng library. Sinadya naming maupo sa pinakamalayo mula sa librarian dahil baka mahuli kaming nag-uusap lang habang nandito sa library.

Tumayo naman si Peter. "Kukuha lang ako ng mga libro. Props lang para kunwari nagbabasa tayo." And we all nodded as we agreed. Pumunta naman agad si Peter sa book aisles at nagsimulang maghanap ng libro.

"Teka, Jared. Nasan ka ba kanina?" I asked him.

"Why?" He looked at me but with his heads down.

"Iniwan mo 'ko sa pagpasok sa school. Buti na lang at may nagmagandang loob kanina."

"And you trusted someone again." His voice began to sound like he's angry.

"Teka nga lang." I started to raise my voice too. "You said sabay tayong papasok, I TRUSTED you. Tapos ano? Wala! Pano kung may nangyari sa'kin kanina?"

"Stop acting like you're my girl friend! Yes, I promised those things, including acting as your older brother while we're here. But are you more important than my personal problems? I still have to take care of my life cause I still wanna live!"

Now everyone's looking at us because of Jared's loudness.

"Okay, guys. Just stop it. Hindi tayo nagpunta dito para mag-away o ano. Okay?" Roxy on her conyo tone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In The Stars: AnamnesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon