*alarm clock rings*
I was trying hard to open my eyes. Gustong-gusto ko pa matulog. But, nah. Today will be a different day.
'Cause it's 'effin MONDAY!
I suddenly hit my alarm clock to shut it up at sinubukang bumangon kahit mukhang ayaw ko. Student's struggle is real. Like, you'll wake up early in the morning and sit in the class for straight eight to nine hours and go home at sagutan yung mga assignments mo. It's a never-ending school activity.
At yun ang muli kong gagawin ngayong araw.
I really don't know what kind of student I am before. Am I lazy? Am I the nerdy school girl? Am I the no one? Am I known in school?
I don't have an idea. Siguro, average student lang ako.
The day before yesterday, which is Saturday, was tiring. Nakasama kase ako sa pagsosolve ng isang murder case. After hanging out with the team that afternoon, inihatid naman kami sa condominium unit na inihanda nina Mom at Dad na malapit lang sa SSA. We rested that day too.
Yesterday, dumating naman ang kasambahay nina Aunt Carol noon sa US na si Manang Sally. She will be supervising us in the condo. Sya rin yung magmimistulang magulang namin. May ka-edaran na rin sya. Maybe she's around 50 years old. Mabait sya at talagang parang nanay dahil inaasikaso nya talaga kami ni Jared.
Habang inaayos ko ang kama ko, may kumatok naman sa pinto. Pinagbuksan ko naman sya at bumungad sakin ang nakangiting si Manang Sally.
"Good morning, Lara. Balak ko sanang bigyan ka ng breakfast in bed, kaso mukhang wala ka na sa bed." She said sabay tawa ng konti. May bitbit sya tray na may mga pagkain, cereals, tubig, tsaka saging.
"Nag-abala pa kayo Nanay Sally. Ako na po dito, ihahatid ko na lang 'to mamaya. Salamat." I said sabay kuha ng pagkain kay Nanay Sally. Ngumiti naman sya sakin tsaka umalis.
Kumain naman ako ng agahan tsaka nagtoothbrush. Naligo na din ako tsaka nagbihis para pumasok sa SSA. Tinanong ko na kagabi si Jared kung may uniform ba 'ko sa SSA ngunit sabi nya wag na lang akong mag-uniform. Iisa lang kase ang uniform ng SSA at isinusuot lang daw ito kapag may school events like intramurals o di kaya foundation day.
Naisipan kong magsuot ng simple lang. Nagsuot ako ng grey t-shirt tsaka blue jeans. Eto din kase yung una kong nakita sa cabinet ko. Nagmamadali din kase ako dahil baka maiwan ako ni Jared.
Lumabas naman ako ng kwarto dala-dala ang tray na wala nang laman. Dinala ko ito sa lababo tsaka ko hinanap si Jared.
I looked for him in his room but not even a shadow of him showed up.
"Nay Sally, si Jared po?" Tanong ko kay Nanay Sally na nagwawalis sa bandang sala.
"Ay, nauna nang pumasok. Di ka daw muna ginising dahil masyadong mahimbing yung tulog mo. Tsaka may gagawin pa daw sya eh. Dapat daw maaga syang nasa school ngayong araw." She answered.
Grabe. Di man lang ako ginising. Kahit gano pa man kahimbing yung tulog ko, kung gigisingin ako dahil may pasok, talagang babangon ako. Bastos din kase minsan 'tong pinsan ko eh.
"Lara, teka lang at ihahatid na kita sa SSA." Wika ni Nanay Sally na itinatabi ang walis at naglakad papunta sakin.
"Hindi, okay lang Nay. Meron naman atang sasakyan jan sa labas." I said, declining her offer.
Napakamot naman ng ulo si Nanay Sally. "Eh, sabi ng mama mo, tutukan kita."
"Kaya ko naman po. Promise, mag-iingat ako." I said, with my palms raised as a promise. "Wag ka lang magsumbong kay Mom."
BINABASA MO ANG
Lost In The Stars: Anamnesis
Mystery / ThrillerWhat if everything was deleted? What if everything was erased? What if everything, including the happiest memories in your life became a forgotten history? And now, here are the people who would help you bring back those deleted memories. The world...