A/N: ang content ng kwento ay pawang mga imahenasyon lamang. Huwag isabuhay ang mga scenes na inyong mababasa specially the 👉(Bed scenes)
Evita pumunta ka sa tindahan ni aling Esing at humiram ka ng limang kilong bigas at wala na tayo isasaing. Sigaw ng nanay niyang nasa banyo at naliligo.
Opo nay. Agad siyang nagtungo sa tindahan ni aling Esing.
Bawat lalaking maraanan niya ay napapalingon dahil sa alindog ng dalaga. Nakasuot lang ito ng manipis na bistidang puti. Bakat ang kanyang pang ilalim na suot at ang pag alog ng kanyang malulusog na dibdib na namana niya sa kanyang ina.
Uutang nanaman kayo, ang haba haba na ng listahan ninyo dito Evita. Aba, magbayad naman kayo para mabawas bawasan ang listahan niyo dito.
Aling Esing, nagbabayad naman po kami sadyang gipit lang si lang kami ngayong buwan.
Aba, pagsabihan mo yang nanay mo na galingan sa pag giling para malaki laki ang ibabayad sa serbisyo niya. Ani ng lalaki na nakatambay sa gilid ng tindahan. Nagtawanan pa sila ng mga kasamahan nito.
Kung gusto niya babayaran namin siya basta matikman lang namin ang nanay mo. Dagdag pa nung isa na nagpalakas ng tawanan nila.
Ikaw na lang kaya mukha kasing laspag na ang nanay mo eh. Nagtawanan sila ulit.
Mga huklubang amoy lupa, kahit mamatay ako sa gutom kaysa naman dapuan ako ng sakit sa kabubuhan niyong mga salot sa lipunan, walang ibang alam kung hindi magtambay at uminom.
Ano kamo, kami salot?
Eh bakit totoo naman ah mga salot kayo walang kwentang tao.
Aba, ang talim din ng tabas ng dila ng babaeng to ah. Tumayo ang lalaki na hindi na makatayo ng matuwid sa sobrang kalasingan.
Iniabot ni aling Esing ang nakasupot na bigas. Dali dali inabot iyon at tumakbo.
Evita, isarado mong maigi ang mga pinto bintana. Siguraduhin mong nakalock lahat bago matulog ha.
Tumango lang ito sa bilin ng ina.
Tuwing gabi umaalis ang kanyang ina para sa kanyang trabaho. Alam ng buong bayan ang trabaho ng kanyang ina. Hindi rin niya masisisi ang nanay niya sa kanyang trabaho dahil hindi siya nakapagtapos ng high school man lang at walang may gustong kumuha sa kanya dahil wala man lang siyang kahit high school deploma . Maagang nabuntis ang nanay niya dahil sa tukso. Ang akala niya noon ay mahal siya ng lalaki ngunit isa lang palang malaking kasinungalingan ang mga pinakita ng tatay niya sa kanyang ina para lang makuha siya at iyon ay dahil sa pustahan.
Maganda ang nanay niya nung kabataan niya. Marami ang nagkakagusto dito dahil sa kanyang angkin kagandahan at kakinisan ng balat. Balingkinitan din ito at laging sumasama sa pageant. Umuuwi siya na dala ang tropiyo at perang napapanalunan. Hindi sang-ayon ang mga magulang niya sa mga pagsali sali nito sa mga contest dahil mapapabayaan niya ang kanyang pag-aaral lalo na at siya ay nasa Top 5 at ginagabi siya ng uwi o kaya ay kinabukasan ng madaling araw.
Ni minsan ay hindi man lang siya nakarinig ng pagpuri ng kanyang ama't ina tuwing nag-uuwi siya ng tropiyo bagkus ay puro sermon ang kanyang naririnig
Nasanay siya sa ganoong scene ng buhay niya. Umiiyak lang ito sa kanyang silid. Yun lang ang tanging magagawa niya.
Hanggang nakilala niya si Luther na inakala niya ay mahal siya nito ngunit isa lang palang pagkukunwari ang lahat. Huli na ng malaman niya ang totoo dahil nagdadalang tao na siya noon at ayaw akuin ng kanyang ama ang responsibilidad. Siniraan pa niya ito na isa siyang parausan sa eskwelahan kaya hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang dinadala. Dahil sa kahihiyan ay lumipat sila ng tirahan at hindi na siya nakabalik sa pag-aaral.
Labis na dinamdam ng kanyang ama ang sinapit ng anak na siyang dahilan ng pagkakaksakit nito at namatay. Sumunod ang kanyang ina sa labis na kalungkutan sa nangyari sa asawa.
Mag-isa niyang pinalaki si Evita at ang tanging trabaho niya ay ang magbinta ng aliw sa pinapasukang Bar. Kung sayaw sayaw lang ang kanyang gagawin sa entablado ay mamamatay siya at ang kanyang anak sa gutom kaya sa ayaw man niya ay sinabak na rin niya ang pagpapa table nung una hanggang take out at maging bayarang babae ng mga taxi driver.
Kapag sumasakay sila ng taxi ay nagtataka si Evita dahil bigla na lang silang bumababa ng hindi man lang nagbabayad. Noon ay laking pagtataka niya ang hindi pagbabayad ni Paulina sa mga taxi na sinasakyan niya hanggang lumaki ito at nasagot na ng pagtataka niya noon. Nung una ay hindi siya makapaniwala sa natuklasan sa ina dahil sa kating dila ng mga kapitbahay na laging laman ng tsismisan ang nanay niya at hindi rin siya ligtas sa tsismisang iyon dahil laging dawit ang pangalan niya. Nasasaktan siya sa mga pinagsasabi ng mga tao sa nanay niya na keso mag-ingat daw sila baka gapangin ang kanilang mga asawa sa gabi ni Paulina o ang kanilang mga lalaking anak. Naku, yang si Evita matutulad din yan sa nanay niyang pokpok.
Tampulan din ng tukso si Evita sa eskwelahan. Bakit pa raw siya nag-aaral kung magiging pokpok din lang siya katulad ng nanay niya. Lahat ng iyan ay tinitiis niya para lang makatapos ng pag-aaral.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay nakarinig siya ng mga yabag. Bumangon ito at dahan dahan na binuksan ang pinto. May mga maliliit na boses siyang naririnig na nanggagaling sa silid ng kanyang ina.
Pumasok siya sa kabilang silid na katabi lang ng silid ng nanay niya. Doon ay may butas na makikita ang loob ng silid ng nanay niya. Itinapat niya ang kanyang mga mata. Napatakip siya ng bibig ng makita ang eksena sa higaan ng nanay niya. May nakadagan sa kanyang lalaking walang saplot at ganun din ang nanay niya. Nanuyot ang lalamunan niya na gusto niyang masuka sa nakita.
14 years old siya noon nung nakita niya ang kaganapang iyon sa silid ng kanyang ina. Doon lang niya napatunayan na tama nga ang sinasabi ng mga tao tungkol sa nanay niya.
Nagbago ang pakikitungo niya sa kanyang ina pagkatapos niyon. Naging mailap na ito at halos nasa silid lang siya kapag nasa bahay si Paulina
Itinuon niya sa mga libro ang kunting oras niya ng gabing iyon bago siya natulog.
Si Evita Mirasol Funtana ay isang Dean Lister mula first year college up to now na nasa 4th year na . Matataas ang mga grado nito sa kursong Interior Designer. Mahilig itong mag drawing ng design ng bahay mula pagkabata. Nahiligan niya ito dahil paborito niya ang kanyang mga Krayola na may iba't iba ang kulay. Ito ang lagi niyang hawak tuwing nasa bahay siya. Hindi ito mahilig lumabas ng bahay at makipaglaro sa mga bata sa kapitbahay. Naging sandalan niya ang mga krayola at papel tuwing nalulungkot siya. Ito lang ang nagpapagaan ng kanyang kalooban tuwing may mabigat itong dinaramdam.
Hanggang nakilala niya ang nag-iisa niyang kaibigan na si Dolores ay lumipat ng tirahan dahil narimata ang kanilang bahay. Hindi pa rin napuputol ang kanilang ugnayan sa dahil nagsusulatan sila paminsan minsan. Hanggang mabitaan niya ang nangyari sa kaibiga. Bumalik ito sa kanilang lugar ngunit hindi na sa dating tirahan. Nangungupahan na lang ito sa kabilang bayan.
Dahil hindi kayang matustusan ang lahat ng gastusin sa kanyang pag-aaral kahit scholar man siya ay kinailangan niyang maghanap ng part time para may extra income ito para sa mga hindi inaasahang proyekto sa school.
Estudyante siya sa umaga at Nasa coffee shop siya ngayon bilang waitress sa hapon
Magaling siyang mag imbento ng mga pagkain at ilan sa menu ng caffee ay galing sa kanyang idea at pumatok naman ito sa mga customers ng nasabing coffee shop.
4k ang sahod niya buwan buwan at pinagkakasya niya iyon kasama ng allowance na natatanggap niya mula sa scholarship ni Mayor na 2k. Malaking kabawasan na iyon sa gastusin nila sa pang araw araw. Nakakapag ipon pa siya para sa pagpapaayos ng kanilang mga pintuan at bintana na sinira na ng katandaan nito.
BINABASA MO ANG
Flames of Love [on going]
RomanceShe's the girl that every man's eye will captiviting with her beauty that can't resist And envying by those girls. behind the beauty is her Family history that never been felt the word happiness, love and a complete Family.