Chapter 1

47 5 0
                                    

Chapter 1

Evita magsaing ka na ng maaga dahil maaga akong aalis mamaya.

Nagtungo na siya sa kusina. Lupa ang sahig ng kanilang kusina. At kahoy ang kanilang lababo. Ang tubig ay kinukuha pa nila sa kanilang gripo na nasa gilid lang ng lababo. Doon na rin sila naglalaba ng damit.

Habang nagsasaing ay may narinig siyang mga boses sa salas. Simentado ang salas nila ngunit hindi ito plastado kaya masakit sa paa ang pagkalubaklubak niyon kapag nakapaa paa ka.

Sinilip niya ang kinaroroonan ng kanyang ina at nakita niya ang mga babaeng maiiksi ang damit at mapupula ang mga labi.

Matagal ng pinagkakainteresan ni mamu yang anak mo. Malaki ang kikitain niya sa mga customer sa ganda at alindog ni Evita. Malandi niyang sabi

Hindi yan matutulad sa'kin, mataas ang pangarap niyan at isa pa gagraduate na yan kaya hindi niya gugustuhin maging tulad ko.

Napaarko ang kilay niya sa narinig.

Ng matapos na maluto ang sinaing ay pumasok na siya.

Uy Evita, gusto mo bang sumama sa club? Aniya ng isa sa mga katrabaho ng kanyang ina na mapulang pula ang pisngi sa make up.

Hindi ako papasok sa maruming lugar na iyon. At tyaka siya pumasok sa kanyang silid.

Napasinghap ang babae sa narinig.

Ang yabang ng anak mo ah.

Sandali lang at kakausapin ko siya.

Tumayo siya at nagtungo sa silid ni Evita.

Evita, bakit mo naman binastos ang katrabaho ko ng ganun?

Ano po bang mali sa sinabi ko?

Tinanong ka ng maayos kaya sana hindi ganun ang sagot mo.

Eh ano gusto niyo isagot ko? Sige sasama ako para makita ko ang kababoyan ninyong ginagawa roon at kung sino sinong lalaki ang kumakandong sa inyo.

Tumigil ka, walang utang na loob. Isang malaking sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.

Pinapangako ko, hinding hindi ako tutulad sa inyo. Galit niyang sabi

At mabilis itong lumabas. Nadaanan niya ang mga katrabaho ng kanyamg ina. Lumingon ito sa kanila bago ito tuluyang umalis.

Naglalakad siya habang sinisipa ang latang nakakalat sa daan. Pagsipa niya ng malakas sa lata ay may narinig siyang boses.

"aray" napaangat ang mata niya ng makitang may nataan siya ng latang sinipa niya.

Nagkatitigan sila ng natamaan niyang lalaki. Sa di malaman ang gagawin ay mabilis itong tumakbo.

Huminto siya ng makalayo na sa kinaroroonan ng lalaki. Sapo sapo nito ang kanyang dibdib sa bilis ng tibok ng puso niya.

Ang engot mo naman kasi, bakit ka nanipa ng lata tapos may natamaan ka pa.

Inantay niyang makaalis ang ina bago siya umuwi ng bahay. 

Lagi na lang itong mag-isa kumakain sa gabi kaya nawawalan ito ng gana kumain. Kung minsan ay tinutulugan  na lang niya ang gutom.

Buwan ng Wika at si Evita ang naimbitahang mag design ng stage.  Dagdag kita iyon sa kanya kahit maliit lang at gusto niya ang mag design.

Ibinigay lang ang instruction at nagsimula na siya sa pag gupit gupit ng mga materyales na gagamitin. Nag letter cutting din siya para sa Theme ng programa.  Natapos niya iyon ng isang araw lang. Magaling talaga siyang mag design kaya suki siya ng lahat ng department tuwing may okasyon.

Evita, matagal na kitang nililigawan sagutin mo na ako. Ani Ivan na kilala bilang babaero.

Nagrereklamo ka samantalang hindi naman kita pinayagan manligaw at tyaka hindi kita sasagutin dahil wala akong feelings sayo no.

Sa gwapo at macho kung ito hindi ka nagkakagusto? Ipinakita pa niya ang kanyang muscle sa braso.

Kahit saksakan ka pa ng kagwapuhan hindi kita type. At sa hangin mo baka liparin ako.

Tunalikod ito at iniwan si Ivan. Marami ang pumuporma sa kanya ngunit wala ni isa  siyang pinapayagang manligaw.

Pwede ba tantanan ninyo ako dahil ang katulad niyo ang gusto lang ay makatikim ng laman. Pwes marami nagkakakgusto sa inyo bakit hindi na lang kayo pumili sa kanila! Giit niya sa apat na lalaki.

Naging man hater siya simula ng malaman niya ang ginawa ng kanyang ama sa nanay niya.

Grabe ka naman makapagsalita sa kanila. Aniya ng babaeng estudyante rin

Oo nga akala mo naman kagandahan. Dagdag pa ng kasama nitong babae

Halata na may gusto ang mga ito sa mga lalaking pinagsalitaan niya kanina.

Eh ano naman ang pakialam niyo ha?

Sila lang naman ang mga heartrob ng school na ito

Wala akong paki

Yabang mo!

Buti alam mo. Panunuya niya sa babae

Suminghap ang babae at naningkit ang mata.

Umiling iling siya sa ekspresyon ng mukha ng mga babae sa kanyang sinabi.

Maraming babaeng estudyante ang galit dito dahil sa mga inaasta niya sa mga heartrob ng campus. Halos machopchop lady siya sa mga tingin nila sa kanya. Nagkikibit balikat na lang ito sa mga tingin na iyon at mas pinagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ngayon at nasa last year na siya.





Flames of Love [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon