Chapter 4

38 4 0
                                    

Mahirap man siya pero hindi nangangahulugan na  magpapaapi na siya dahil mas nakakaangat sila sa estado ng buhay. 

Mahaba pa ang oras niya kaya natulog muna siya para magkaroon siya ng sapat na lakas para sa night shift.

Habang natutulog ay nakakarinig siya ng mga ungol. Nung una hindi niya pinansin baka hilik lang ng kanyang ina ngunit palakas ng palakas na animoy nahihirapan itong huminga kaya napabaligwas ito ng bangon.  Nagdahan dahan itong naglakad at pumunta sa bakanteng kwarto na katabi lang ng silid ng nanay niya.

Sumilip siya sa maliit na butas. Napabuntong hininga siya ng makita ang ina na may  kaindayog sa kama.

Nag uwi nanaman siya ng  lalaki, hindi na siya nahiya. 

Pumunta siyang kusina. Pagbalik niya may dala na siyang kawali. Tumapat siya sa pinto ng silid ng ina. 

Lumikha ng ingay ang kawaling inihulog niya. Lumabas ng silid ang kanyang ina ng naka bra at pante lang. Muntik na siyang madapa sa kawaleng naapakan niya.

Bakit may kawale dito? Takang tanong niya.

Anong nangyayari diyan mahal ko? Lumabas ang naka tuwalya lang na lalaki.

Nasa may pintuan lang si Evita na nakasandal sa may hamba ng pinto.

Evita bakit nandun itong kawale? Tanong niya habang hawak hawak ang ulingang kawale.

Lumipad ag nahulog diyan sa tapat ng pinto. Ang ingay niyo daw kasi nakaka istorbo ng natutulog. Sabi niya
Habang nakatingin sa labas.

Tinatanong kita huwag kang pilosopo.  Pagalit na nitong sabi ng ina

Ang daming motel nagkalat diyan, may mga pa promo pang 3hrs just for cheap price bakit di na lang kayo dun. Respetuhin niyo ang bahay. Rrspetuhin niyo naman ako ng lalaki mo! Pagka sambit niya ng mga iyon ay naglakad na siya papasok sa silid.

Inilagay na niya ang kanyang mga uniporme sa bag at ilang gamit tyaka lumabas.

Nakita niya sa sala ang ina at ang lalaki na nakaupo at naglalambingan.

Natigil ang dalawa sa ginagawa ng makita siha.

Hindi na kayo nahiya. Umiling ito tyaka lumabas ng bahay.

Huwag mo siyang  pansinin, ganyan talaga yan. Sabi ng ina

Alas tres pa lang kaya sayang ang oras, nag punta siya sa kaibigan na si Dolores.

Hi best!! Sabay yakap dito.

Oh bakit napasugod ang best friend ko dito?

Si inay kasi may ginagawang milagro sila ng lalaki niya naistorbo tuloy ang pagtulog ko, pwede ba ako makitulog muna dito?

Istorbo ka rin eh, mana ka sa nanay mo.

Aba, hindi ko namana ang kalandian ng nanay ko no.

Oo na, pumasok na na at para makabalik na rin ako sa pagtulog.

Si Dolores Guzman ang nag iisa niyang kaibigan. Mula bata pa lang ay magkakilala na sila. Tampulan din ito ng tukso dahil sa malaking balat nito sa mukha na kulay itim pa.

Ipinagtatanggol nila ang isa't isa sa mga kaedad nilang bata noon sa panunukso ng mga ito hanggang naging matalik na magkaibigan ang dalawa. High school lang ang natapos ni Dolores dahil maagang namatay ang kanyang ina sa sakit na Dyabetes at ang ama naman ay nag ibang bahay. Nag apply ito sa mga malls pero hindi siya pinalad kaya naisipan niyang mamasukan sa mga restaurant bilang waitress at pinalad naman siya sa Cinco Vitos' Restaurant. Night shift din siya bilang waitress.

Flames of Love [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon