IT IS SIMPLY HARD TO EXIST IN TODAY'S WORLD. Marami akong nakikitang kapintasan sa salamin. Kulot na buhok, makapal na kilay, pangong ilong, mga tigyawat. Maitim na kutis.
I don't fit the beauty standards. Wala rin ako ng yaman ng mundo. Pero kahit na gan'un, despite how plain I am—I am thriving. Lumalaban ako kagaya ng karamihan. Dahil ako naman din ay ipinaglaban ng Diyos. Tayong lahat.
Alam kong marami sa 'tin ang malungkot, nahihirapan, at nagkakasala. Pero tumatawa, lumalaban at nagpapatawad pa rin. For I know my life, like yours, is a blessing. Masasabi kong overlooked blessing na nga, dahil minsan paulit-ulit na lang ang buhay na nakakalimot na rin akong magpasalamat na buhay pa nga pala ako.
Minsan nga lang buhay akong naiinggit, nagse-self pity, at nakakaramdam ng poot.
Recently, I was all that, when I encountered this person in a book.
"Maladaptive daydreaming na naman." Tinitigan ko si Santisima, ang nag-iisa kong kapatid.
"Patapos na."
"Basta ate, tara na. May tryout kami ngayon."
Ang tinutukoy n'ya ay ang kan'yang athletics scholarship. She has it, while I have the academic. Hindi lang 'yon meron ang kapatid ko. She has nice curves, a pointy nose, fair skin, expressive eyes, and long straight black hair. Everything that she is and will be, I am not and will never be.
Kay Papa s'ya nagmana; ako naman kay mama. And here you would think, life's unfair and you're probably right. Pero kung hindi mo kayang tanggapin ang katotohanan, siguradong magiging miserable ka.
I have learned the rules of this world and so, I tried to play by the rules. Kung hindi ka maganda, dapat may talento ka. Kung hindi ka mayaman, dapat masipag ka at may alam. Kung hindi na umaayon sa 'yo ang mundo, magdasal ka.
So I always do that, pero may ibang plano ang Diyos. Never have I imagined to be involved in a tale of love except from those books I read. Sino ba naman kasing magkukursunada sa akin?
Pero dahil sa isang libro, sa pahina dalawampu (20), hindi lang yata ako naging extra, mukhang bumida pa ang lola mo.
Of all people, ako pa talaga ang nakabasa sa reklamo n'ya dahil kesyo walang consistency ang characters and plot ng librong hindi naman s'ya inutusang basahin.
Hindi ko inakalang ang sagot ko sa isinulat n'ya ang magsisimula ng lahat. And I would have never imagined that vandalizing a book would create a story that is uniquely 'ours'.
Sa bawat araw na nagsusulat ako sa libro, feeling ko, for the longest time, ako na sa wakas ang bida. I know it started with him, liking other girls. Pero wala eh, hinila kami patungo sa isa't isa. Feeling main character, yarn?
"Ba't parang ang saya-saya mo?" Santi eyed me with disgust. Ito talagang kaptid ko; Sa isip ko, Wala man ako ng lahat ng meron s'ya. Meron na rin ako ng wala s'ya. Kilig.
Umiling-iling lamang ako with a lopsided smile. Then, I remembered the last message I wrote in that book.
Did I mean it? Of course. What does it really mean? That, I am unsure of. Magkakajowa na ba ako? Talaga, Lord?
Kung p'wede ko lang sabihin kay Santisima na mukhang may nagkakagusto na sa akin. Pero alam kong hindi rin s'ya maiinggit. The bummer that she is at sa katawan n'yang walang kilig!
BINABASA MO ANG
𝕱𝕮 802 𝖀4 2002: 𝘖𝘶𝘵𝘴𝘪𝘥𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘢𝘨𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘢 𝘔𝘪𝘴𝘤𝘦𝘭𝘭𝘢𝘯𝘺
RomanceIt all started when she read a vandalized writing in one of her favorite books inside a university library. Glenda Adoracion Santiago never thought that replying to a stranger in a miscellany will create a very defined romance story that will test h...