3 | Under the City Lights

1.2K 103 33
                                    

      THE SOUND OF A SHATTERING GLASS ECHOED. Tinitigan ko itong nagkapira-piraso sa sahig. Makikita ang ang repleksyon ko sa malaking piraso ng bubog—nag-aalala.

"Dahan-dahan naman sa mga gamit dito sa bahay!"

"Pa, hindi naman sadya ni Ate."

"Pinapaalalahanan ko lang 'Nak."

Mahina ang 'sorry' na nasambit ko sabay pulot sa mga bubog na nagkalat. Malalim ang buntonghininga na pinakawalan nang makalabas ako upang itapon ang aking nabasag. Ngayon lang nakauwi si Papa galing sa pagkakarpentero sa kalapit na syudad. Madalas sa mga kliyente n'ya nasa kalapit na bayan kaya kailangan pa n'yang lumayo para makapaghanap-buhay.

"Kamusta ang school, Santi?"

"May tournament kami sa susunod na buwan."

"Kailangan mapanood ko 'yan."

"Ayos lang, Pa. Baka may trabaho ka."

"Sus! Di 'ko mami-miss ang laro mo."

I continue to eat quietly. Sa tuwing nasa bahay s'ya, ganito palagi ang eksena. Hindi ko na rin masyadong iniisip. Mahal na mahal lang talaga ni Papa si Santi. At ako naman, mahal na mahal ang pamilyang ito.

"Kamusta ang trabaho, Pa?" I ask.

"Ayos. lang," tipid n'yang sagot. "Santi, sino nga pa lang makakalaban n'yo?"

They resume the conversation. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi mo maipagkakaila na sila ay mag-ama. My dad is a good-looking man. Maputi sya, matangkad at matangos ang ilong.

Nang bumaling ang tingin ko sa salamin sa pader na nakaharap sa 'kin, parang hindi nila ako kaano-ano. Siguro ganito lang ang pakiramdam ko dahil wala si Mama. Isang linggo na rin s'yang nasa probinsya nila.

"Hindi ka na raw pumapasok sa trabaho mo?" sa 'kin ni Papa ibinato ang tanong.

"Ahh, nahirapan kasi ako d'on Pa."

"Lahat ng trabaho mahirap. Hindi ka dapat mamili. Lalong mas mahirap ang trabaho dahil mahirap tayo."

Tumango ako, "Pero maghahanap po ako ng bago."

"Maghahanap na rin din ako, Pa."

"Mahihirapan ka sa training," sabi ko.

"Tama ang ate mo. Hindi madaling pagsabayin ang pag-aatleta, pagtratrabaho at pag-aaral."

Tumingin sa 'kin ang kapatid ko at nginitian ko lang s'ya. Kinaya ko naman at kakayanin ko ngayon. Ako rin ang panganay kaya naiintindihan ko.

  ***

Base sa relo, nakaturo na ang kamay ng orasan sa bilang na anim, pero nasa ilalim pa rin ako ng liwanag ng siyudad. Naisipan kong maghanap ng part-time job bilang malapit lang naman sa sentro ng lungsod kami nakatira.

Inimbitahan ko na ang sarili sa bawat fast-food restaurant na madaanan, umaasang may hiring. Pinuntahan ko ang malalaking kompanya, kung walang bakante, hindi naman sakto sa bakante kong oras.

Sa dami ng pinuntahan ko—lumiko, huminto, umusad—narating din ng mga paa ko ang kalye ng Rodriguez. Kasama ang abalang mamamayan ng siyudad, nakatayo ako sa tabi ng kalsada, hinihintay pahintulutan ng traffic light na tumawid.

Nagkulay-berde. Sinabayan ko ang iba na maglakad sa malapad na pedestrian lane. Gusto ko lang makarating sa kabilang dulo gaya ng gusto ng lahat. Nakita ko ang karamihan na naglakad sa kasalungat na direksyon, papunta sa kung s'an ako naghintay na makatawid. Sa halos dalawampung tao sa pedestrian na 'yon, may isa akong nakilala na nagpahinto sa pagkilos ko. Tinitigan ko nang maigi kung p'ano s'ya maglakad katabi ang isang babaeng namukhaan ko rin.

𝕱𝕮 802 𝖀4 2002: 𝘖𝘶𝘵𝘴𝘪𝘥𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘢𝘨𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘢 𝘔𝘪𝘴𝘤𝘦𝘭𝘭𝘢𝘯𝘺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon