4 | First Love, Loves You

1.2K 100 31
                                    

       HINDI ANG SAGOT. Hindi dahil sumagot ako sa kan'yang tanong, kung hindi dahil nauunawan n'ya na hindi oras ang kalaban namin.

"I will have to ask that again some other time," he rectifies, smiling. "Nadala lang."

Oo ang sagot. Kung hindi n'ya binawi at hindi ko pinag-isipan. Pero tama ang panahon, napakarami pa naming dapat alamin sa isa't isa. At sa lahat dapat ng desisyon, ikinukonsulta kay Lord.

"Pero oo ang sagot," hindi ko napigilang sabihin.

He looks at me, bewildered. Umiwas ako ng tingin.

"Oo naman ang sagot kung hanggang sa dulo nandito ka pa rin. Ibig sabihin n'on, He allows all of this to happen. Hindi naman ang sagot, kung hanggang dito na lang. His will be done, 'di ba?"

Zef nods. "I will stay."

Masaya ako. "I'll pray you will.

Na kahit n'ong gabing 'yon at sa sumunod, paulit-ulit kong ipinagdasal. Kalakip din ng dasal ko na kung hindi s'ya para sa akin, hindi ko ipipilit.

Mahirap 'yon. Marami sa atin ang ayaw bumitaw sa mga tao at bagay na gustong ilayo sa atin ng Panginoon.

Pero marami rin ang kagaya ko, na handang ipagdasal nang paulit-ulit na sana s'ya na nga. Dahil alam natin na kapag hindi, masusubok ang ating tiwala sa Kan'ya.

"Ang sabi nga sa favorite and often-qouted verse: For I know the plans I have for you,' declares the Lord, 'plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future'," Pastor Felix says.

"Pero bakit gan'on? Clearly the Lord is telling you this is not my plan for you, Anak. Pero ang sabi mo, 'Sige na, Lord, akin na lang 'to.' 'Hindi nga s'ya ang para sa'yo.' 'Hindi Lord meant-to-be 'to.' So, imbes magtiwala ka sa plano ng Panginoon para sa 'yo, sa sarili mong emosyon at plano ka naniwala. So, ano'ng nangyari? Wasak!"

Relate na relate ang lahat sa preaching. Every Sunday I attend this church, isang campus ministry na nagtanim at nagdilig sa pananampalataya ko sa Diyos. Mas lalo kong nakilala si Hesus dahil sa mga turo nila. I am thankful that God has made me grow in this ministry because people here are warm and kindhearted.

"It takes faith to know that you are in the perfect will of God. Kung hindi nasusubok ang tiwala mo sa Kan'ya, then you have to reevaluate yourself."

"Narinig mo 'yong preaching kanina? Reevaluate yourself, Ador."

Self-control is one of the fruits of the Spirit. Nilingon ko si Nix, churchmate namin ni Santi. "H'wag kang mag-alala, matagal ka ng baldado kung sakali."

"Grabe, violence is not of God."

"Testing my patience is not of God."

"Ate, may gusto 'yan sa 'yo." Nilagpasan kami ni Santi at naunang sumakay pababa sa escalator. Nasa mall kasi ang ministry kaya after ng church, gala na agad kami.

"Hoy, ako? No offense, Ador. Pero hindi kita type."

I scof. "Mabuti naman. I deserve better."

Tumawa lang s'ya. Sabay kaming kakaing tatlo. Nix is not really a very close friend, but a brother in faith and a great company, kung hindi lang s'ya palaging nang-iinis. Sa ibang university s'ya nag-aaral at madalas, kasama naming kumakain ang mga kaklase n'ya at ibang ka-churchmates, kaso hindi sila nagsimba ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝕱𝕮 802 𝖀4 2002: 𝘖𝘶𝘵𝘴𝘪𝘥𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘢𝘨𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘢 𝘔𝘪𝘴𝘤𝘦𝘭𝘭𝘢𝘯𝘺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon