Chapter 2: Exchange Student

45 7 6
                                    

*tok tok tok*

Ugh.. Inaantok pa ako eh. Sino bang pashnea yon?

*tok tok tok*

tss ang kulit ah. sabing inaantok pa ako eh! paano ba naman nagpuyat ako para sa quiz namin ngayon sa Physics, ugh!

*tok tok tok*

"Princess, bangon na. Baka malate ka, baby." si mami pala. princess tawag nila saken kasi ako lang nag iisang babae sameng tatlong magkakapatid.

"Uhmm.. Sige, my. Maligo lang ako."

"Okay, baby." ang sweet ni mami haha.

20mins akong naligo. Pagkatapos non bumaba na agad ako para makapag breakfast na at ng hindi ako malate. Baka madagdagan na naman kaso ko huhu di pa naman alam nila mami. Mayayari ako kay kuya nito nadaigan pa sila mami kung magsaway saken eh huhu.

"Goodmorning, Mami. Goodmorning, Papa" nasa mesa na sila at hinihintay akong umupo.

"Goodmorning, Princess. Tara kain na, ang Kuya Azi mo ang nagluto niyan." ay wow, umuwi na pala si kuya azi. Pero asan siya?

"Nasan si Kuya?" nandito daw siya eh.

"Nasa kwarto niya, pero bababa na yon. Ihahatid ka niya sa school mo." haha naks naman!

Nag-nod lang ako. Maya maya natapos narin kami sa pagkain at kasabay nito yung paglabas ni Kuya Azi sa kwarto niya. Hmmm.. I smell something, huh? Namumugto yung mata niya eh.

"Tara na, Princess." Ay ganon nalang? Wala man lang 'Hi, princess. I miss you.. chuchu' tsss. -_- pasalamat ka, kuya. Namiss kita.

Sinundan ko lang siyang lumabas ng bahay. Ini-start na niya yung makina ng sasakyan niya. Tss may problema 'to for sure. Di naman ganto siya kuya eh. Masayahin kaya 'to! Makausap nga. Hys

"Uhmm.. K-kuya?" lumingon siya saken tapos tumingin ulet sa daan. hys.

"Uy, Kuya." huminga siya ng malalim. Ito ang ayoko kay Kuya eh, napaka tahimik. Kakakita lang naman tas ito ibubungad niya saken. Huhu.

"Bakit, Princess?" tss pilit yung ngiti niya pag ako nainis sasapakin ko to sa mukha. Hahaha pero jk lang sayang yung pogi niyang mukha.

"Uhm.. May problema ba tayo, kuya? Nag aalala na ako sayo eh. Kakakita lang natin tas ganyan pangbungad mo saken. Nagtatampo na ako ah." Pa-tampo effect. Hahaha

"Sorry na, Princess. Wala lang 'to okay? Don't worry, huh?" hys bahala siya. Diko siya pipilitin. Namiss ko lang kasi talaga siya eh.

"Okay, sabi mo yan eh. Pero kapag may problema ka kuya sabihin mo naman saken." Pa-awa effect naman HAHAHA.

"Okay. Nandito na tayo. Take care, okay. I'll fetch you later. I love you." kiniss niya ako sa noo. Ayan yung namiss ko kay Kuya. Sa pagiging sweet niya saken. Swerte ko nga kasi nagkaroon ako ng kuya na katulad niya eh. Napakaswerte din ng magiging girlfriend nito. hihi

Habang naglalakad ako sa corridor bigla nalang may nagtext saken. Sino kaya ito?

Unknown:
Hi, Yana :)

Di ko nalang 'to pinansin. Eh nag 'Hi' lang naman saken eh. Panigurado wala naman tong sasabihin saking importante.

Pagdating ko sa room wala pa yung teacher namin. Mabuti na yon. Natrauma na talaga ako kahapon.

"Uy, anong bago?" si Vanessa, haha ang ganda naman niya. Blooming ang lola niyo.

"Walang naman, bakit?" wala naman talaga eh hahaha.

"Okay, ready ka na sa quiz natin?" hahamunin siguro ako nito.

"Oo naman, nagpuyat ako para lang sa quiz na yan." Dumating narin yung Science Teacher namin. Favorite ko 'to eh. Hahaha. I love SCIENCE kaya.

"Goodmorning, Class" bati ni Ms. Francisco

"Goodmorning, Ms. Francisco"

Nagturo si Ms. Francisco. Sempre nakinig parin ako kahit na nag advance reading ako. Mahirap na! Hahaha.

"Okay, get 1 whole sheet of paper." nag react ang mga kaklase ko maliban samen ni Vanessa. Totoo ngang nag review ang babae na 'to. Hahaha bagong buhay lang, te?

Nag-quiz na kami. At sa wakas ako ang pinakamataas, pangalawa si Vanessa. Haha. Di niya talaga ako matatalo. Aba, dean's lister ata 'to. Yeah!

"Oh, before I forgot, I want you to know that we are having a exchange student starting next week." Panimula ulet ni Ms. Francisco. Wow, exchange student sa ibang school kaya? Sanaaa. Hahaha.

"Sino po?" tanong ni Josh. isa sa mga kaklase ko.

"Si Ms. Gonzales." swerte naman nun, but wait? sino daw?

"Bes, ikaw daw. Ayiiie. Hahaha." tukso saken ni Vanessa. Anong meron? Bakit kinikilig yon? Tsss.

"Saang school po, Ms. Francisco?" tanong ko.

"Hindi school, Ms. Gonzales. Sa section V." yay! ang akala ko sa ibang school pero bakit sa section V? Mga timawa nga tao don eh. Hahaha judgemental ang lola niyo. Sorry naman.

"Ayoko po." diretso kong sagot, eh sa ayoko talaga eh.

"No buts, Ms. Gonzales. You need to be exchange student because ikaw lang ang makakatulong saming mga teacher na magturo sa section V." paliwanag niya. Hys. Bawal akong tumanggi. Pinagkakatiwalaan ako ng mga teacher namin dito. Huhu

"Okay po." no choice eh.

Mahirap makipagsabayan sila. Mga bully yun eh tapos puro mga basagulero. Like hello? Puro sila lalaki tapos ako lang mag isang babae. Ohmy! Goodluck sayo, Alyanna Catherine Gonzales.

Umuwe nalang ako agad. Tinext ko nalang agad si Kuya Azi na wag na akong sunduin.

Kuya Azi:
Okay, Princess. See yah later. I love you. :*

Yie. Kung hindi ko lang siguro kapatid si Kuya Azi, malamang sa malamang nainlove na ako dito pero hindi eh. Sayang naman hahaha echos!

"Uyy diba yan si Yana Gonzales? Yung exchange student sa atin. Ang ganda nga talaga niya. Hindi nagkakamali sila Ms. Francisco." wt? panigurado mga section V yun. eh ako lang naman ang exchange student sa amin eh. Huhu. Iyak!

Hanggang sa bahay yun pa din iniisip ko. Kung hindi kaya ako pumasok sa monday tapos magsakit sakitan ako. Pero hindi pwede eh. Huhu. Habang nag eemote ako bigla nalang may nagtext saken hys panira ng moment 'to ah.

Unknown:
See yah sa monday. Excited na akong makasama ka sa iisang room. :) Goodnight, Yana.

Sana Mapansin Mo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon