Chapter 8: Selos?

29 6 14
                                    

Erick's POV

"Yana" tawag ko sa kanya. Iniwan niya ako mag isa sa bench eh. Hindi man lang ako pinansin nung babae na iyon.

Nakita kong nilapit niya yung batang lalaking umiiyak. Ang gwapings naman nung bata na iyon. Lumapit ako don sa batang pinapatahan ni Yana.

"Mommy.. Mommy.." napatigil ako. ano daw sabi nitong bata? Kaya ba nandito sa park si Yana dahil sa anak niya? What the?

"Anak mo?" tanong ko. Aba, kailangan kong malaman.

"Bobo ka ba o tanga?" nagalit ko ba siya? Lagot ka, Eri. Iniisip ko kung ano ako sa dalawa. Baliw ako! Baliw kay ano... -_-

"Bobo!" tapos binatukan ako. Ouch! Pasalamat siya babae siya. Nilapitan niya ulet yung bata. Ang swerte mong bata ka, kusang lumalapit sayo yang babae na yan. Nako! Lol

Pinaupo niya yung bata sa lap niya. Para talaga silang mag ina kung ibang tao lang ako baka maisip ko talaga na mag ina sila. Hindi malabong mangyari. Hahaha jk lang.

"Ano gusto mo?" tanong ni Yana doon sa batang lalaki. Tinuro lang nung bata yung Sorbetero malapit don sa bahay.

"Ice Cream?" dinig kong sabi ni Yana. Tapos tumayo siya at binigay saken yung bata. Aba, anong gagawin ko sa batang ito?

"Bantayan mo muna yang bata. Kapag siya nawala malilintikan ka saken." pagbabanta niya bago siya pumunta sa Sorbetero. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko din ba ng Ice Cream o hindi. Tss. That woman!

"Hi baby." bati ko don sa bata nung makaalis na si Yana. The boy was smiling at me. Yung pisngi niya ang taba. Shit! Parang si Yana lang. Hahahaha. Mag ina talaga jk.

"Where's your mother?" nagkibit balikat lang yung bata. What the? Iniwan lang siya basta basta mag isa sa park. Hindi ba niya alam na delikado sa lugar na ito lalo na't park ito. Tss. Pabayang ina!

"What's your name?" I asked again that boy. Hindi man lang nagsasalita eh.

"Brylle Tolentino po." wow, pati pangalan ang cute. For sure habulin ito paglumaki na siya. Hahaha gwapings eh. Bakit ba ang tagal nitong si Yana tss.

Habang hinihintay ko si Yana pinaglalaruan nung bata yung kamay ko. Haha cute.

"Brylle!" napalingon ako don sa tumatawag sa bata.

"Nandiyan ka lang pala. Ikaw talaga." nilapitan niya yung bata. Magkamukha sila. Maganda yung babae at sa tingin ko kasing edad lang namin ni Yana.

"Uhmm.. Ano mo yung bata?" tanong ko kay Ateng maganda. Hahaha. Nagulat pa siya. Ngayon lang nakakita ng gwapo hahaha.

"Ah-eh.. Kapatid ko." Kinakabahan pa siya. Haha what the?

"Uh so ikaw pala yung kasama ni Brylle. Dapat hindi mo siya iniiwan lalo na sa park. Baka kung ano mangyaring masama sa bata." paliwanag ko.

"Hehe, pasensya na. I'm Angela Tolentino." inabot niya yung kamay niya para makipag shake hands saken. Aba, nanching tong babae na ito ah. Hmm.. Hahaha

Nag usap kami tungkol kay Brylle. Bago lang pala sila dito sa street at nag aral dati si Angela sa ibang bansa. Kapatid sa labas si Brylle kaya halatang may lahi kaya ganon nalang ka cute. Tawa ako ng tawa sa kwento niya tungkol kay Brylle kaya hindi ko napansin yung pagdating ni Yana.

"Baby, ayan na yung Ice Cream mo oh." nag smile siya sa bata. Gandang babae din pala ito eh. Bakit ba kasi ang tagal ligawan ni Deo ito. Hahaha.

Tumingin siya kay Angela ng masama tapos sa akin. Para akong kakainin ng buhay nito. Nakakatakot! Ano na namang bang problema nitong babae na ito?

Sana Mapansin Mo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon