Chapter 10: Away?

21 4 1
                                    

"Bessy, gala tayo later after class." sabi ni Vanessa. Ano ba yan bigla bigla nalang siya sumusulpot na parang kabute. Ayts.

"Huh, eh hindi ako pwede eh." nakoo, hindi talaga ako pwede kasi..

"Bakit, may lakad ka?" ngumuso siya. Baliw lang?

"Wala naman. Basta hindi ako pwede eh." paano ko ba sasabihin sa kanyang hindi ako pwede ngayon. Huhu.

*Flashback*

"Bakit ikaw yung susundo sakin ah?" pagbubunganga ko sa kanya pagkasakay ko sa sasakyan niya. Aba, infairness ganda ng sasakyan niya.

Bago kasi ako sapilitang makasakay sa sasakyan niya eh ilang beses na akong magtangkang tumakas at magdecide na magcommute nalang. Eh kasi naman ayokong siyang makasabay baka kasi ma-issue ako. Iwas ako don no. Tapos kapag kasama ko siya naghuhumalandra sa saya yung mga halimaw sa tiyan ko. Shet!

"Gusto mo ba talagang isumbong kita sa Kuya mo ah! Madali pa naman akong kausap." pananakot niya pa sa akin. Malimaw talaga itong lalaki na ito, nakikisabay naman itong mga halimaw sa tiyan ko. Huhu yawquna!

Tumahimik nalang ako at tumingin sa daan. Ayoko ngang masumbong kay Kuya Azi, may kasalanan na ako doon eh. Ayoko ng madagdagan pa. Huhu.

Hindi ko napansin na nasa school na pala kami, eh tulala ako eh. Pasensya naman. Napansin ko nalang nung kinalabit na niya ako. Hys ano ka ba naman, Yana! Mahiya ka nga kahit katiting lang.

Tinanggal ko na yung seatbelt at diretso ng lumabas sa sasakyan niya. Duh? Ayokong may makakita pa sa aming dalawa na sabay kaming pumasok. Urgh! Naalala ko tuloy yung first kiss namin. huhu

"Hoy, babae!" napatigil ako sa paglalakad. Malamang ako lang ang kausap non. Pero hindi ko siya nilingon. Ano siya, hello? Jk. Hahaha.

"Sabi ng Kuya mo ako na din daw ang maghahatid sayo pag uwi. Pinahabilin ka niya sa akin." sabi niya.

Sana Mapansin Mo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon