Chapter 18: Secretly Disclosed

19 1 0
                                    

YANA'S POV

"Kuya Paul naman eh. Inaantok pa ako." sabi ko kay Kuya Paul habang hinihila ang paa ko pababa ng kama.

"Ginusto mong magpuyat eh. Yan tuloy, sabog ang princess ko. Kaya bumangon ka na diyan." hila ulit ni Kuya sa paa ko.

Paano ba naman kasi, napuyat ako dahil sa kakaisip sa sinabi ni Erick. Kainis naman kasi iyon eh. Pakiligin daw ba ako, kaya ayon hindi ako dinalaw kagabi ni Antok. Puyat tuloy ang bida niyo. Ayts.

"Eh, inaantok ka sabi ako eh." sabay hila ko sa sarili ko paakyat sa kamay.

"Geez, Yana. Bumangon ka na or else sasabihin ko kay Erick na siya ang magpapaligo sayo. Ano?!" pananakot saken ni Kuya Paul. Tsk, as if naman na magagawa niya yon. Hahaha.

"Talaga ba? Eh kasi naman eh, inaantok pa ako. 5mins, okay? 5mins." tapos naramdaman ko nalang na binitaw na ni Kuya yung paa ko. Hahaha.

After 5mins..

"Hoy, gising na mahal na prinsesa. Tapos na 5mins mo." ang ingay ni Kuya. Putak ng putak eh.

"Ano ba?! Inaantok pa ako. Gosh!" tapos naramdaman ko naman ngayon na hinila na ni Kuya Paul yung paa ko. Sa ngayon dalawa na hawak niya. Shocks!

"Babangon ka o babangon?" may pamimilian ba ako don? tsk.

"O" tipid kong sagot. Hahaha balakajan.

"Papapuntahin ko dito si Erick." sabi ni Kuya bago umalis ulit ng kwarto ko.

"Go! Hahaha kung kaya." tapos sabay sarado ng pinto.

Bumalik ulit ako sa pagkakatulog ko dahil inaantok pa talaga ako.

*kring.. kring..*

Napadilat ako dahil sa sobrang ingay ng phone ko. Hindi ko na pala ito na silent kagabe. Hays.

"Hello?" tamad kong sagot.

[Ayaw mo daw bumangon sabi ng Kuya Paul mo] si Erick? Shocks! Paanong? Whaaaa. Yare talaga saken si Kuya Paul.

"Ah, Erick? Kagigising mo lang?" nabuhayan ako sa boses niya. Ang husky ng pananalita niya eh. Bakit ba?! Hahahaha.

[Oo, at tinawagan ako ng Kuya mo para gisingin ka.] tapos narinig kong bumangon na siya.

"Ow! I'm sorry, binulabog ka pa ni Kuya." tapos bumangon na rin ako para makaligo na.

[It's okay. Kung hindi nga ginawa ng Kuya mo yung pagtawag saken malamang baka late ako ngayon.] tapos narinig ko naman ngayon yung pagbukas ng pinto. Hindi ko alam kung anong pinto yun. Hakhak.

"Hehe ganon ba." tapos naglakad na ako papuntang CR.

[Ahm, Yana. Mamaya nalang kita tawagan ah. Baka hindi na pala kita masundo ngayon ah. Babawi ako mamaya. I love you.] tapos pinatayan na ako ng tawag. Ay, bastos hindi man lang ako pinagsalita. Hays bahala na.

10mins lang ang byahe ko dahil hindi traffic ngayon. So may 15mins pa ako.

"Goodmorning, Yana." bati saken ni Hero.

"Goodmorning din, Hero." tapos kinuha niya saken yung mga books na dala dala ko. Ay ang sweet! Hakhak.

"Nagpunta ka daw sa bahay nila Erick kahapon?" tapos bigla akong napalingon sa kaniya pero siya diretso lang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Huh?" tapos sabay hinto sa paglalakad.

"Pumunta ka ba?" paano niya nalaman? Paanong? Whhhaaaa!

Wala akong maisip na palusog dahil baka madulas ako sa sarili kong patibong. Homaygad!

"Dinalaw ko si Ericka yung kapatid ni Erick tapos siya para masigurdo ko na okay na yung mga pasa niya." tapos nakita ko siyang nagpout. Anyare?

"Eh bakit kami hindi mo dinalaw?" Hala lagot! Oo nga pala pati sila nabugbog din. Wth!

"Dadalawin ko naman dapat kayo eh kaso natagalan ako sa bahay nila Erick." tapos tumango siya. Hooo! Buti naman at naniwala siya. Naglakad ulit kami dahil 9mins nalang magk-klase na.

"Uhm, Yana?"

"Yes?" sabi ko kay Hero.

"May gusto ka ba kay Deo?" napatingil ulit ako sa paglalakad. Anong klaseng tanong yan?

"Ano? Wait ah! Whhaaa! Wala wala akong gusto kay Deo. Bakit mo natanong yan?" sabi ko ng natataranta. Huwat?! Totoo naman kasi eh.

"Calm down! Okay?" tapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. Huminga siya ng sobrang lalim. "Eh kay Erick may gusto ka ba?" dire-diretso niyang sabi. Homaygad! Matagal na nagprocess sa utak ko yung sinabi niya.

Napapikit nalang ako sa mga mata ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

"May gusto ka ba kay Erick, Yana?" tapos doon na gumana utak ko. Sasabihin ko ba sa kanya? Kasi ayokong kumalat ang issue dahil ayokong pinaguusapan ng lahat.

"Hindi, Hero." tapos hindi ako makatingin sa kanya.

"Sigurado ka?" tapos nilapitan niya ako para hulihin ang paningin ko. Tumango nalang ako bilang pagsang ayon.

"Sure ka?" tapos hinawakan niya yung baba ko para maglevel yung paningin namin. Napakurap na naman ako sa mata. Huhu ayoko ng ganito. Yung nasa hot seat ako.

Huminga ako ng malalim para makapag isip.

"Dalian mo, Yana. Dahil 6mins nalang malelate na tayo."

Huminga ulit ako ng sobrang lalim bago magsalita. Sinasabi na eh hindi kaya ng konsensya ko na magsinungaling lalo na't kaibigan ko si Hero.

"Oo, Hero. May gusto ako sa kanya at ganon din siya saken." sabay yuko ko. Please! Sana hindi siya magalit.

"Sinasabi na eh. Alam kong may gusto kayo sa isa't isa dahil nakikita ko sa mga tingin niyo pag nakikita ko kayong dalawa." tuloy tuloy na sabi ni Hero.

"Sorry, Hero." tapos umatras ako ng kaonte.

"Huh? Bakit ka nags-sorry?"

"Dahil sinasaktan ko si Deo ng palihim." tapos mangiyak ngiyak kong sabi.

"Geez! Wag kang umiiyak. Hindi mo kasalanang mainlove, Yana. For sure maiintindihan yun ni Deo pagdating ng araw pero sa ngayon umaasa siya sayo na magkagusto ka din sa kanya." tapos sabay talikod at lakad.

"Hero!" tawag ko sa kanya bago siya makalayo. Lumingon naman siya pero this time nakapamulsa na siya.

"Please! Wag mo munang sabihin kila Traisir at lalo na kay Deo. Ayokong may magkagulo. Wag rin sanang maikalat ito sa buong campus. Please!" yun nalang ang huli kong sinabi bago siya umalis.

[A/N]
Merry Christmas! Sorry at ngayon lang nakapag updated. Ito na yung pambawi ko sa inyo. Ito narin ang regalo ko hihi all the love.

Sana Mapansin Mo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon