Chapter 3: First Kiss

33 6 3
                                    

Nagising nalang ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Shet! May hang over ata ako ah. huhu. Shems! Napapuyat ako ng wala sa oras dahil don sa nagtext saken kagabi. Sino ba yon? Stalker ko? Aba, dalawang beses na siya nagtext saken eh. Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa monday. Lord help me pleaseee..

"Oh anak, buti gising ka na. Tinanghali ka ata ah. Nagpuyat ka ba? Laki ng eye bags mo eh. Nako, ikaw talaga. Kung hindi mo kayang magpuyat dapat di mo na ginawa. Sayang beauty mo oh. Mas sayang kasi hindi mo nakita ang Kuya Paul mo." kung alam mo lang mami kung bakit sobra akong puyat kagabi.

*Flashback*

From: 09123456789
See yah sa monday. Excited na akong makasama ka sa iisang room. :) Goodnight, Yana.

Kinalabutan ako. Aba, ikaw kaya may magtext sayo na hindi mo kakilala. Like hello? Wala akong pinagbibigyan ng number ko maliban nalang kila Vanessa, mga Kuya tas sila Mami.

To: 09123456789
Sino po sila?

Bull's eye! At isa pa, hindi ako manghuhula no? Kaloka talaga! Napaka misteryoso naman ng tao na ito.

Unknown:
Secret Admirer mo :) Taga section V

Tss for sure nang t-trip lang yun. Pero hanu daw sabi? Secret Admirer? Aba, kailan pa ako nagkaroon ng Secret Admirer? Whhhaaaa!

*End of Flashback*

Kaya nung gabi na iyon nahirapan na akong makatulong. Uminom na ako ng gatas, wala parin. Nung mag 5am na dun na ako dinalaw ni Kamatayan este ni Antok. Kaya eto ako ngayon tinanghali ng gising. Huhu feeling ko tuloy mukha akong zombie kasi napansin din ni Mami yung eye bags ko. Shems!

"Nandito si Kuya Paul kanina?" nabuhay lahat ng nananalatay sa sistema ko dahil sa narinig kong pangalan ng isa ko pang kuya. Eh kasi nasa US siya para doon mag-aral ng Business Management sa college. Pero bakit hindi ko ata alam na uuwe siya. Tapos bakit sinabi ni mami na sayang daw at hindi ko nakita si Kuya Paul? Umalis ulet siya? Hys.

"Oo, Princess. Pero sumama ang Kuya mo kay papa mo para ipakilala sa mga business partners nila." ah kaya pala. Ang akala ko umalis ulet siya papuntang amerika. Nababaliw na nga talaga ako. God! Dapat pala maaga akong nagising para sana naabutan ko si Kuya Paul huhu.

"Sige na, mamamalengke pa kami ni Manang. Bantayan mo yung bahay ah." Nag nod lang ako. Tapos kiniss ko si mami sa cheek. Hahaha ang sweet naming mag-nanay diba?

Habang hinihintay ko sila Mami at Manang bigla nalang bumukas ng pagkalakas lakas ng pinto. Sa sobrang kaba ko na baka sindikato ang nakapasok sa bahay, hinawakan ko agad yung baseball bat ni Kuya Paul. Para naman may panangga ako kung sakaling kutsilyo hawak niya. Mahal ko pa buhay ko!

"Sino yan ah?" tapang tapangan kong tanong.

"Yana.. Asan ka *ubo ubo* ughh, shet!" bigla ko nalang binagsak yung baseball bat sa sahig ng makita ko si Kuya Azi na namimilipit sa sakit.

"Halaa, Kuya! Anong nangyari sayo?" nag aalala kong tanong. Binuhat ko siya paupo sa sofa namin at pumunta ako ng kitchen para kunin yung First Aid Kit.

"Ouch! Dahan dahan naman oh." siya na nga itong ginagamot, siya patong galit. Lalo ko itong diinan eh. Hahaha pero jk lang.

"Basagulero ka kasi. Kaya ayan nangyari sayo. Ikaw talaga, hindi mo pinangangalagaan ng mukha mo. Ano bang nangyari sayo at nagkaganyan ka ah?" bigla nalang siyang napatahimik at maluha luha nung titigan ko. Ay, anyare?

"Nagbreak na kami ng girlfriend ko. Sumama na siya don sa lalaki niya." anong connect don sa mga pasa niya sa mukha? at tsaka ang haliparot naman nung girlfriend niya este Ex-girlfriend na pala. tsss.

"Aba, sinong may karapatang saktan yang puso mo kuya ah? at yang bumugbog sayo, sino? Papatayin ko sila." pero sempre jk lang yun ni hindi ko nga kilala kung sino yung tinutukoy niya eh. hahaha.

"Easy, Princess. Gamutin mo nalang ako. Wag ka ngang high blood diyan." Wala rin akong nagawa kaya ginamot ko siya. Malamang ayaw din pag usapan ni Kuya Azi yun. Maybe next time makakausap ko din siya about don.

Tahimik si Kuya Azi at ang lungkot lungkot ng mukha. Ugh! Di ako sanay na ganyan siya eh. Urgh! May araw din sakin yung babaeng haliparot na yon tapis yung bumugbog kay Kuya Azi. Papatulong ako kay Kuya Paul. Krahaha!

Sinabi saken ni Kuya Azi na ihatid ko nalang muna siya sa condo niya para makapagpahinga. Hys hindi na naman siya matutulog sa bahay? Huhu namiss ko na bonding namin eh. Pero hindi siya pwedeng magstay sa bahay kasi mag pasa pa siya sa mukha at mga sugat. Baka mag alala lang si Mami.

Sinunod ko yung bilin ni Kuya Azi na wag sabihin kay Mami kung anong nangyari. Gaya ng palagi namin ginagawa ni Kuya kapag may masama siyang nagagawa pagtakpan ko muna si Kuya hanggat kaya. Hahaha well ganon naman magkapatid eh. Walang laglagan.

Bumaba na ako sa building ng condo ni Kuya. Bago ako pumasok sa sasakyan ni Kuya Azi para makauwe na dahil naiwan ko yung bahay ng walang katao tao may napansin ako isang lalaki na nakaupo at nakayuko. Nilapitan ko ito haha feeling close ang lola niyo eh

"Uhmm.. Hello po? Okay lang po ba kayo?" tanong ko hehe.

Hindi ito sumagot, parang tulog oa ata ito eh. Humihinga naman. Kaloka ah.

"Kuya, uhm.. Okay lang po ba kayo?" tanong ko ulet. Gumalaw lang yung mga kamay niya. Huminga ng mabilis. Ay, napaka astig naman ng likod nito. Hahaha pinagpapantasyahan ko si Kuya. Erase erase!

"Kuya.." nilapitan ko pa ito lalo at hinawakan sa likod niya. Bigla nalang itong tumayo. Nung una hindi ko pa maaninag yung mukha niya. Matangkad siya at maputi, kutis mayaman bessy! Parang si Erick. But wait.. Nung naaninag ko na yung mukha niya. Wadafak! Speaking of..

"Erick?" Napaatras ako kasi napalingon siya saken. Namumula ang mga mata niya at may basa sa kanyang mga mukha. Hala, anong nangyari? Bakit siya umiiyak?

"Yana.." napaatras ako nung marining ko yung pangalan ko mula sa kanyang bibig.

"Ah-uh.." napalunok nalang ako sa kaba, ewan ko ba. May mga demonyo sa tiyan ko na parang nagdidiwang kasi nakakita ng magandang nilalang.

"Yana.." palapit siya ng palapit. oh my! anong gagawin nito?

Napahinto nalang ako sa pag atras nung napansin ko na nasa likod ko na yung kotse ni Kuya. Oh no! Natrap na ako dito. Help me!!

Bigla nalang niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Holy shit! Ano itong ginagawa niya? Hahalikan ba niya ako? Pero... siya na ba ang magiging first kiss ko? Whhhaaa!

Napapikit nalang ako sa sobrang kaba. Naramdaman ko nalang yung malambot niyang labi sa labi ko. Oh shit! Nakuha na niya, wala man lang akong nagawa. Huhu. Pagkadilat ko nawala na sa harapan ko ang mala anghel na nilalang. Yun pala tumatakbo na? Huwaw! Yung first kiss ko, si ERICK XYRONE SANTOS!

Sana Mapansin Mo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon