Chapter 15: I love you

37 3 3
                                    

Erick’s POV

“Kuya! Kuya! Kuya!” nagtatatalon na sabi ni Ericka. Tss badtrip ako ngayon kasi wrong timing yung pag amin ko sa kanya at sa mga Kuya niya. Urgh, buhay!

“Kuya! Oyyy.” hinahatak pa niya yung kamay ko.

“Bakit?” tamad kong sagot.

“Gala tayo, later. Sa SM North. Hihi. Please wala naman si Mommy at Daddy kasi dumiretso sila ng Singapore for there business trip. Again!” mahabang paliwanag ng kapatid ko. Yeah, I know. Palagi namang wala sila Mommy dito sa bahay eh. Nasanay na ako.

“So?” pagsusungit ko.

“GALAAAA!” bigla niyang sigaw sa tenga ko. Geez! Basag na eardrums ko.

“Ericka, your cute today. But your Kuya is too tried dahil nag exercise ako kanina. Kaya magpapahinga lang ako ah. Maybe tomorrow nalang. Okay?” tapos nakita ko siyang nag-pout. Geez! Naglakad nalang ako para makahiga na sa sofa.

“Kuya, but---” pagpuputol ko sa kanya.

“No buts, Ericka. Tomorrow, okay? Mark my thoughts!” pumikit nalang ako para tumahimik na siya. Narinig ko na himihikbi siya. Hays. Mamaya na nga lang hapon igagala ko siya. Hys but this time matutulog muna ako.

Yana’s POV

“Kuya, bakit mo sinabi yon?” kanina ko pa siya sinusundan dahil ayaw niya akong kausapin pa simula kanina. “Kuyaaaaa!” dagdag ko pa pero dedma lang.

“Kuya, bakit ba kasi sinabi mo yon? Mabait naman siya eh. And also he is the one and only my crush since grade 7. Siya yung sinasabi ko sayo dati pa.” tapos ini-imagine si Erick. Whaaaaa!

“At bakit ah? Gusto mo ng magboyfriend? Hala, sige magboyfriend ka ng magkaanak ka kaagad!” tapos parang pinagtatabuyan niya ako.

“So, ganon ang tingin mo sa akin? Na pok-pok ako, ha?” tapos dinuduro duro ko yung sarili ko. “GANON BA, KUYA AZI? NA KAGAYA AKO NG MALALANDING BABAE DIYAN SA TABI TABI. NA KONTENG LANDI LANG TAPOS MAGPAPABUNTIS NA KAAGAD?” parang papatak na luha ko. Masakit lang eh. Kasi parang yun yung pinapalabas ni Kuya. Hindi makatingin saken si Kuya Azi.

“Ano bang nangyayari dito?” nagtatakang tanong ni Kuya Paul.

“Kuya Paul, kausapin mo ng maayos yang si Kuya Azi. Sabihin mo na hindi ako katulad ng babae na iniisip niya!!” tapos biglang walk-out. Myghad! Ganon na pala ang tingin saken ni Kuya Azi. Huwaw!! Nakakabilib lang?

Dumiretso ako ng kwarto dahil gusto kong mapag-isa. Nag Facebook ako para makapag labas ng sama ng loob.

Alyanna Catherine Gonzales
"Ganon na pala yung tingin niya saken. Huwaw lang! Nakakatuwa. Sarili mo pang kadugo yon ah." -_-
Just now
Like 4 • Comment 1 • Share

Habang busy ako sa kaka-facebook bigla nalang may nag pop-up na messenger sa screen ng phone ko.

Deo Roxas:
    What happen? About your post?

Si Deo lang pala. Hays sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari? Hays ewan.

Around 1pm naka-facebook padin ako. Nakita ko na in-angry ni Kuya Azi yung post ko. The hell I care! Siya ang nag umpisa. Nakita ko din yung comment ni Kuya Paul sa post ko.

Paul Gonzales
Wag niyo ng pag awayan yan. Dahil lang sa isang lalaki pag aawayan niyo yan?
Like • React • Reply

Nah, hindi si Erick ang pinag aawayan namin. Dahil sa pag-iisip saken ni Kuya ng negative. Tsss.

Sana Mapansin Mo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon