6 - Jasmine's problem

6 0 0
                                    


CHRISTIAN VILLANUEVA


Mae Rosales? Mae as in si Mae na karibal ni Ella? For real?

Tinext ko si Ella.

To: Ella

Ella. Ano yung full name ni Mae?

From: Ella

Mae.......  Wait lang. Mae Rosales. Bakit po?

Mae Rosales. Mae Rosales. Mae Rosales.

Rosales ba si Mama? Oo eh. Puta!

Ako si Christian R. Villanueva.

-------------------------------

Nandito na kami sa labas ng bahay nila Mae. Birthday niya ngayon. Naka supreme shirt at maong lang ako. Sabay lagay ng headset sa tenga ko.

Madaming tao. Pumasok na kami at pinapakilala na kami ni mama sa kanila.

"Kuya. Ok ka lang?" tanong ni Red. Ang youngest sa amin.

"Wow ate ikaw ba yan?" sabi nung babae kay mama.

"Mag bless kayo bilis mama ni Mae yan." sabi ni mama.

Nag bless ang tatlo kong kapatid. Ako? Napa buntong hininga nalang ako. Tsaka ng bless.

"Yan ba mga anak mo?" tanong niya pa.

"Ay oo ito si Christian ang oldest, si Daisy naman ang second, si Mika naman ang third, At si Red ang youngest." sabi ni mama.

"Wow ang gwagwapo ang gaganda naman nila. Sige mare maupo muna kayo." sabi niya.

Maya maya lang ay nagsalita na yung host.

"Magandang hapon mga kapamilya. Tayo ay mag saya sa birthday ng prinsesa sa buhay nila Macy Rosales."

Pumunta sa harapan ang mama ni Mae.

"Magandang hapon po sa inyong lahat. Salamat po sa pagpunta sa birthday ng anak ko." sabi niya.

"Bababa na si Mae Rosales." sabi ng host.

Tinignan namin si Mae na buma baba na sa hagdanan na may kasamang lalake. Siya na yun. Si Ryan.

Minamasdan ko si Mae habang buma baba sa hagdanan. Siya ay maputi, tama lang yung height niya, at cute. Yun lang.

Special number na at umakyat ng stage si Ryan na may kasamang mga lalake.

Nagsimula ng tumugtog yung music. At nagsimula narin silang sumayaw. May pa taas taas pa siya ng shirt. Kala mo kung sinong may abs eh. Flat lang pala yung tiyan HAHA! Quit it dude hindi bagay sayo sumayaw. Mag gym ka nalang muna. Kahiyaan level 100. Haha!

-----------------------

Natapos na yung birthday at hinihintay namin si Mae na lumapit sa amin para mag pa salamat.

Hanggang sa maka lapit siya sa akin.

"Salamat sa pagpunta." sabi niya.

Instead makipag shake hands tinignan ko lang ng seryoso si Ryan na nasa likod niya. Siniko naman ako ni Daisy. Kaya napatingin ako kay Mae.

"Christian Villanueva. H-happy Birthday Mae." sabi ko sabay shake hands.

Napakamot nalang ako ng ulo. Ano kaba Christian bakit ba napaka affected mo sa Ryan na yan. Simula kasi nung inopen ni Ella yung kay Ryan. Gustong gusto ko na siyang sapakin. Lalo na nasa harapan ko siya.

Two HeartsWhere stories live. Discover now