4 - Comfort

4 0 0
                                    


ELLA RAMIREZ

Nakabalik na kami galing bakasyon pero hindi ko parin malimutan yung hinawakan ni Chris ang kamay ko. Syempre kikiligin talaga ako long time idol ko siya. Malapit nga akong mahimatay nung nalaman kong siya yung mag tre-train sa akin.

"Chris. Tapos niyo na po ba yung song?" tanong ko.

"Tapos na pero hihintayin muna natin si Nikka." sabi niya.

Si Nikka yung magaling daw na choreo.

"Chris pwede sabay tayo lunch mamaya may sasabihin lang ako." sabi ko.

Hala!!  Ano tong sinasabi ko ngayon. Sabihin mo lang talaga Ella na gusto mong makasama si Idol crush mo.

"Sabihin mo na ngayon. Niyaya ko kasi si Jasmine mamaya tapos dideretso na kami practice." sabi niya.

Awtssss...  Rejected.

"Ay sayang! Sa susunod ko nalang sabihin."

Yung masosolo ko si crush.

Baka sabihin niyong two timer ako. Si Christian Idol crush ko siya. Si Ryan naman..... Mahal ko..... Oo aaminin ko mahal ko parin siya.

-----------------

CHRISTIAN VILLANUEVA

"May sasabay satin?" tanong ko kay Jasmine.  Through call.

"Kulit niya po kasi eh gusto niya daw kayong ma-meet ng personal. Sorry talaga Chris." sabi niya.

"Ok lang uy! Para namang pinagdadamot ko kagwapuhan ko." sabi ko sabay smile.

She giggles. At alam kong nakangiti na siya ngayon.

"Sige na nga see you there." sabi niya.

Inend na niya ang call at hinintay ko sila sa restaurant.

Nagvibrate ang phone ko.

From: Ella

Hi Christian Villanueva. Matutuloy ba yung paglaro niyo?

To: Ella

Yes Ella Ramirez. Tuloy na tuloy.

Nakapili na ako ng players na pwede maglaro.

Ako, si Kian, si Donard, si Miko, si Ley, at si Seth.

Magagaling sila. Kasi ako si Kian si Miko at Ley ay naging varsity nuon.

Si Seth at Donard nag try-out naman daw sila pero hindi nakasali. Pero magaling parin naman sila. Kahit iba't ibang school ang pinasok namin.

Maya maya lang ay dumating na sila Jasmine na may kasamang lalake.

Sinenyasan ko sila kaya lumapit sila.

"Hi." sabi ko.

"Hello po ako po si Shan Lim." sabi ng lalakeng kasama niya.

Two HeartsWhere stories live. Discover now