CHRISTIAN VILLANUEVA
Nagising ako at pumunta sa kwarto ko para e check kung natutulog pa si Ella. Pero laking gulat ko ng makita siya na wala dun. 6 pa ng umaga eh.
"La umalis na po ba si Ella?" tanong ko kay lola.
"Kanina pa hijo ano ka bang klaseng boyfriend. Pababayaan mo lang ang girlfriend mo?" sabi niya.
Naku! Pati pa ba naman si lola. Hindi ba nila maintindihan ang salitang friend.
Friend. Friend. Friend lang kamiiiii.
"Kaibigan ko lang po siya la. Sige po alis nako." sabi ko.
"Teka kain ka muna." sabi niya.
"Mamaya na po salamat." sabi ko.
Sumakay nako sa sasakyan ko at nagmaneho papuntang K Music.
----------------------
"Ella!! Hintay." sigaw ko habang tumatakbo.Hinarap ko siya sa akin. Napayuko siya. Nakikita ko yung namumulang pisngi niya. Kaya itinaas ko yung mukha niya.
"Ok ka lang?" tanong ko.
"O-ok lang po." sabi niya.
Inalis niya yung kamay ko at tinalikuran ako. 8 na ng umaga. Nandito kami sa K Music. Palabas na sana siya kaso naabutan ko siya kaya bumalik siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
Hindi siya umimik. Pero naglalakad parin siya. Kaya hinabol ko siya ulit. Pero ngayon hinawakan ko yung kamay niya.
Kaya napalingon siya. Tinaas ko yung kamay namin na hawak hawak ko parin.
"Sabay tayo." sabi ko.
Shit! Ano tong naiisip ko!! Puta ang bakla ko!
Inalis niya kamay niya at tumakbo papalabas sa door. Napa buntong hininga nalang ako.
"Rejected ba?"
Nagulat ako kaya lumingon ako ng nakita ko si Seth na naka smile.
"Hindi noh!" pag depensa ko.
"Pero gusto mo siya?" tanong niya.
Ano bang klaseng tanong yang malamang sa malamang hindi!
"No." sabi ko.
"Eh? Bakit parang concern na concern ka sa kanya?" tanong niya.
"Naawa lang ako sa kalagayan niya ngayon alam mo yon. Sabagay wala karin namang alam." sabi ko.
Takang taka yung mukha niya ngayon. Umalis na ko at inilagay ang kamay ko sa bulsa.
------------------------
JASMINE RIVERA
8 na sa umaga ng nakarating ako sa K Music building para magpractice.
Sa hindi kalayuan nakita ko si Christian at Ella.
Hinawakan ni Chris ang kamay ni Ella at itinaas ito. At mukhang may sinabi siya. Pero inialis ni Ella ang kamay niya at tumakbo.
Hay...
Nakakaselos naman....
Siguro nga sila na talaga. Maganda naman si Ella eh tsaka gwapo rin si Christian. Bagay naman sila.

YOU ARE READING
Two Hearts
De TodoNaranasan mo na bang magmahal ng dalawang tao? Sino pipiliin mo? At sa story nato sino kaya pipiliin ni Christian? Puso'y nalilito, nasasaktan, at naduduwag. Normal sa isang tao na magmahal dahil may puso naman tayo. Pero ang magmahal ng dalawang t...