Love's Hate

67 6 2
                                    

Argh! 'Di tuloy ako makapag-concentrate dahil do'n sa lalakeng 'yon! Nakakabanas! ako? liligawan no'n?! Amen!

"Miss Pangilinan. Tulala ka na naman. Please answer number 3." Bigla tuloy akong tinawag ni ma'am dahil sa tulala na naman ako. Isang linggo na ang nakalipas simula nang na Guidance kami pero fresh na fresh pa rin sa utak ko yung mga sinabi niya do'n sa ilalim ng puno. Argh! Dahil kay Toni kaya nagkanda malas-malas ako ngayon eh! Pa'no ba naman? Sino'ng hindi matutulala o mabibigla dahil sa biglang pagsabi niya ng. .

"Basta liligawan kita, ha! Sagutin mo 'ko."

Aba, ang demanding. Nakakagigil!

"Ms. Pangilanan. Tatayo ka ba para sagutan ang nasa board or magtiti-tigan na lang tayo rito?" napatingin agad ako sa palagid. Sa mga kaklase ko kung nakatingin ba sila sa 'kin o hindi— "MS. PANGILINAN!" napa-sigaw na si ma'am sa galit. Lagot na. Pag ganiyan na ang tono ni ma'am, matakot ka na. terror prof namin to sa major subject namin, e.

Makatayo na nga at nang matapos na 'tong gyerang 'to!

--

"Ashungot!" Ito na naman po tayo.

"Ashungot teka!" Wala bang araw na hindi kami magkikita?! Lord naman, e. 'Di ba malakas ako sa Iyo?

"Uy, Ashungot. Ba't 'di ka namamansin? Ha?" bigla niyang sabi saka ako inakbayan at pinisil-pisil ang ilong ko.

"Utang na loob, Antonio! Pwede bang tigil-tigilan mo ako kahit ngayong araw lang?" Sigaw ko sa kaniya nang tanggalin ko ang pag kaka-akbay niya sa 'kin saka naglakad nang mabil—" Uy, si Joseph. Yung crush kong archite—ay, ba't may pag-akbay, teh? 

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa mga nakikita ko.

"Uy, Ash, ay's ka lang?" Kalabit sa 'kin ni Toni nang makalapit siya sa 'kin.

"Sa tingin mo ba okay ako, Toni?" Blangkong sagot ko kay Toni habang nakatingin pa rin sa papalayong Joseph at sa babaeng inakbayan niya kanina.

"Libre kita? Ice cream, burger, o pizza?" Alok niya sa 'kin nang may maramdaman akong may tumutulong luha sa kaliwang mata ko.

"Wala akong gana. 'Ge. Pasok na 'ko." sabi ko sabay lakad papalayo sa kaniya.

"Teka!" Bigla niyang sabi nang hawakan niya ang kaliwa kong kamay. Pinunasan ko muna ang luhang kumawala sa mata ko bago ko siya nilingon. Blangkong ekspresyon pa rin ang ibinigay ko sa kaniya saka ngumiti. Pero hindi totoo. Nakuha naman niya siguro ang gusto kong iparating sa mga ngiting 'yon, 'di ba?

Oo nga, nakuha niya kasi binitawan niya nang dahan-dahan ang kamay ko saka ako naglakad. Hindi papunta sa building kung saan ako papasok ulit kun'di sa lumang building na hindi na ginagamit dahil sa ipapa-renovate daw ito sa susunod na taon.

Iiyak mo lang lahat, Ash. Iyak mo lang. Gagaan din ang pakiramdam mo, sabi ko sa sarili ko. Woooh! Ano ba 'yan!  Nakakasawa nang umiyak, eh! Wala na bang katapusan 'to?

Hindi naman naging kami ni Joseph pero masyado akong affected dahil sa may—sa may—wala na, bumigay na naman ako. Ayoko na. Uuwi na ak—shet, may klase pa pala ako 'di ko pwedeng absenan 'yon. Eh kaklase ko siya sa subject na 'yun, eh! Eh kung i-drop ko nalang? Argh! Hindi naman pwede kasi magagalit si Ate Laine. Juskopo!

Biglang tumunog ang phone ko habang nag-iisip ako ng plano kung papasok ba ako do'n kay Mr. Dela Biral.

Un-registered number.

"Hello?" sagot ko. Hindi naman siya nag-hello pabalik.

"Hello? sino 'to?" sabi ko ulit pero wala.

Ingay lang ng mga tao ang naririnig ko. Ibababa ko na sana nang bigla itong sumagot. Mabilis ang pagkakasabi niya pero klaro sa 'kin ang boses nito. Alam na alam ko ang bawat tono nang pagbigkas niya sa mga letra, eh!

"Pumasok ka na. Nandito na si Sir."

sasagot pa sana ako kaso bigla niyang ibinaba. Bigla akong kinabahan. Mabilis na tibok ng puso. Parang gustong kumawala sa ribcage ko.

Lord, ano'ng gagawin ko?

——

HOLD ME CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon