Ice Cream

29 7 9
                                    

"HOY! ASHREEN PANGILINAN! Bakit hindi ka daw pumasok sa last subject mo?! Naku, patay ka na naman kila Mama nyan pag 'yan nalaman nila!"

Ano ba yan, hanggang dito ba naman, hindi pa rin ako matahi-tahimik? Jusko.

"HOY DIN, LOURDES PANGILINAN! Ang lapit lapit ko lang, oh, ba't kailangang sumigaw, sa TAPAT PA NG TAINGA KO!" Sigaw ko pabalik kay ate. Tae, may kasama pang laway. Iba rin 'to kung makasigaw, e. Nakakainis!

"Eh, bakit ba kasi? E 'di ikaw ang pumasok do'n! Isang absent lang naman, e! Taeng-tae?"

"'Di ba, ga-graduate ka na? Aba! Baka gusto mong magaya dyan sa ate mo, late na grumaduate, tsk tsk, bahala nga kayo dyan." Saka siya umakyat sa kwarto niya.

"Ba't na naman nadamay ako? Ate?!" sabat ni ate Irene. Biglang tumigil sa pag-akyat ng hagdan si ate Laine nang marinig niyang sumagot si ate Irene.

"Gusto ko, eh. Ba't ba? Aangal ka? Maghugas ka na ng pinggan do'n oh, kesa facebook ka nang facebook diyan. Aba, kilos kilos!" Utos niya kay ate Irene.

Napabusangot nalang ng mukha si Ate Irene dahil nag-utos na naman ang dakilang 'boss' namin sa bahay. Wala kasi sila mama, papa at kuya ngayon. Kaya kami ang alipin ni ate Laine sa bahay.

"Ash, ikaw na muna do'n, o." sabi ni ate sabay nguso sa direksyon sa kusina. Potek, ang daming hugasin, ilang araw din ata 'tong naka-tengga sa lababo kasi nga wala sila mama kaya tatamad-tamad kaming tatlo maghugas. Eh hanggang ngayon, tinatamad pa rin kami. May labahan pa, waaaah, buhay naman oh,

Bloop bloop

Biglang tumunog ang phone ko habang nakatingin ako sa kusina at nag-iisip kung ano'ng mahika ang gagamitin ko para kusang gumalaw ang mga pinggan para mahugasan na.

Pero epal na naman 'tong lalakeng 'to at wala atang magawa sa buhay kung 'di mang-bwiset.

Antonio Luna

Good eve, pipol, daming ass. ngayon,
nakakatamad, sino pwedeng
maka-text diyan? D:

~GM

uh, eh kung siya ang paghugasin ko? Hmm..

To: Antonio Luna

Hugasan mo pinggan namin? :)

Reply ko. Kakababa ko pa lang ng phone ko nang tumunog ulit ito. Nag-reply na ang loko.

Antonio Luna

Sus, hugasan daw pinggan nila,
meet the parents na ba agad?
Diba sabi ko liligawan palang kita?
Bat may pa meet the parents na
agad? Isesegway pa sa hugas-pinggan,
crush mo talaga ako, Ashungot! <3 <3

Napasapo nalang ako. Jusko. Ba't ko ba kasi sinabi 'yon? Argh! Na-bwiset na naman ako. Nakaka-stress ka ANTONI—

bling bliiing

"Ash, may bisita ka?" biglang tanong ni Ate habang nafu-frustrate pa ako kay Toni nang may mag-door bell.

"Wala, baka mga bata lan—" bling bliiiiing

"Mga bata?" tanong niya nang mag-door bell ulit. "Buksan mo na," sabi niya ulit sa akin. Ano ba yan! Bisita na naman, 'di pa nga hugas 'yung mga pinggan, may papakainin na naman?!

Napatingin ako sa orasan, alas nwebe na, may bisita pa rin? "Uy, Ash," untag niya sa 'kin. Kaya napatayo nalang ako bigla. Leche kang bisita ka!

Pagkabukas ko ng pinto, anak ka nga naman ng tipaklong, oh. Aba't ngiting ngiti pa ang loko. Bigla na naman kumulo ang dugo ko.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko kay Toni habang naka-busangot ang mukha ko. Pinapakita ko talaga sa kaniya na naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang presensya niya.

"Uhh, ice cream?" sabi niya saka itinaas ang ice cream na nakabalot sa plastic bag na puti.

Isasara ko na sana ang pinto na blangko pa rin ang ekspresyon ko nang itulak niya pabalik ang pinto.

"Ano ba kasi 'yon?!" inis kong sabi.

" 'Di mo man lang ba ako papapasukin?" tanong niya na may halong pagmamakaawa ang boses.

"Hindi." sagot ko at akmang isasara ko na ang pinto nang itulak niya ulit ito pabalik sa 'kin.

"Ashreen naman,"

Lord, alam mong marupok ako pero wag ngayon, 'wag sa taong 'to.

——

HOLD ME CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon