Bakit kapag kasama ko 'tong taong 'to, ang bagal bagal ng oras? Mag-a alas dose na pero wala ata 'tong balak umuwi.
"Bilisan mo ngang kumain diyan!" sigaw ko sa kaniya. Nasa gilid kami ng kalsada ngayon habang kinakain namin ang tig-isang cone ng ice cream.
"Teka naman kasi! Yung ice cream ko, ang bilis matunaw!" sigaw niya sa 'kin pabalik habang nakatayo siya sa tapat ng tindahan at dinidilaan ang bawat gilid ng cone. Natunaw na sila. Napa-iling nalang ako dahil sa ka-kyutan ni Toni. Parang bata.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad nang may maramdaman akong parang may sumusunod sa akin. Kaya napalingon ako bigla at nakitang si Toni--dinidilaan pa rin ang ice cream. Hinahabol ang bumababang tunaw na ice cream sa cone.
"Hindi na ba natapos 'yang kadidila mo d'yan? Kagatan mo na kasi 'yung ice cream hanggang sa edge ng cone para hindi na tumulo!
"Oh? Okay." Sabi niya sabay kagat ng makaling parte ng ice cream saka sumigaw. "Ahhh! Shet! Ngipin ko! Aray-aray!" saka niya nilunok ang ice cream sa bibig at sumigaw muli. "Ahh! Brain freeze! Shet! Shet! Aahh! Assshhhh! Ngipin at utak ko!" Habang hinihimas ang sentido niya at ang bagang niya. Habang ako, sobrang lakas ng tawa.
Natunaw na rin ang ice cream ko pero hinayaan ko nalang. Gusto ko lang maranasang maging masaya ulit. Yung sayang hindi pinilit na gawin mo, kun 'di sadya. Kusa mong naramdaman.
"Tuwang-tuwa ka ata masyado diyan?" bigla niyang sabi nang mahimasmasan na siya sa delubyong nangyari sa kaniya at ako, tawa pa rin nang tawa.
Nakatingin lang siya ng mataman sa 'kin at nang makaramdam ako ng ilang dahil sa pagtitig niya, napatigil ako sa pagtawa at itinapon nalang sa may basurahan ang ice cream ko dahil kumalat na ang natunaw na ice cream sa kamay ko.
"Ikaw kasi, eh! ba't mo sinunod yung sinabi ko? para kang bata," sabi ko. "Pa-punas, ha?" habang pinupunas ang kamay ko sa laylayan ng shirt niya.
"Ba't ako?" tanong niya.
"Ewan ko." saka nagsimulang maglakad. Matapos kong pinasan ang malagkit kong kamay. "'Di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kaniya atsaka tumingin sa relo ko, "Ano'ng oras na, oh. May pasok pa tayo bukas."
"Ayoko pang umuwi. Ang saya kaya dito." kaswal niyang sagot habang nakatingin sa itaas habang naglalakad.
"Bakit? wala kayong kuryente?" umiling siya. Kaya ang ginawa ko, patalikod na naglalakad, "tubig?" umiling siya ulit. "Pagkain?" tumigil siya sa paglalakad at napatigil din ako. "O wifi?" huli kong tanong. Nakatitig lang siya sa 'kin habang ako, naka-harap sa kaniya.
"Hindi nga kasi," sagot niya at nagsimula ulit siyang maglakad. Sumunod naman ako sa likod niya.
"Eh, ano nga kasi?" pahabol kong tanong.
"Wala ka kasi do'n," napatigil ako. Ako? wala do'n? saan?
"Huh? ba't-ako?" sabi ko saka siya napatigil sa paglalakad at nilingon ako.
"Eh kasi, nandito ka," saka siya lumapit sa 'kin.
Mahirap pa lang pigilan ang pag-hinga. Sobrang hirap. Yung tipong gusto mo nang tumakbo pauwi para makahinga ka lang? Kasi sobrang liit ng space para hingahan mo? Sobrang liit.
Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Nang mahigpit. Sobrang higpit na hindi ko na kinakaya. Habang ang baba niya ay nakapatong sa bunbunan ko. Inilihis ko ang ulo ko sa kaliwa dahilan para matapat ang tainga ko sa dibdib niya.
Bakit niya ako niyayakap? Yakapin ko ba siya pabalik? Pero kasi maglagkit 'yung kamay ko tapos ba't ang bilis ng tibok ng puso ni- "Ayaw mo ba?" bigla niyang sabi.
Sa puntong 'to, ayoko nang magsalita dahil sa kaba at dahil sa alam kong- "na-ng alin?" nauutal ako.
"Ng yakap ko?" hindi. Oo. Hindi gano'n. Ewan? Di 'ko sure. Pero hindi ko siya kayang sagutin ng matino.
"Silence means? yes?" tanong niya ulit. Hindi pa rin ako sumagot.
Sobrang daming paru-paro ang nararamdaman ko sa tiyan ko ngayon. Teka, may halong paru-paro ba yung ice cream ko kanina? Ba't meron na sa tiyan ko? Hala, alis-al-
Naramdaman kong lumuluwag ang yakap niya sa 'kin. Pero ayokong matapos 'to.
"Teka," hinila ko t-shirt niya papalapit sa 'kin para yakapin na ikinagulat niya. Saka ko isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap naman niya ako pabalik pero hindi katulad ng nauna, mas mahigpit ang ngayon.
Ganito pala sa feeling na yakapin. At may mayakap.
Tumawa siya. "Akala ko-"
"Sshh." tumawa siya ulit.
Lord, sana 'wag na 'to matapos.
--
BINABASA MO ANG
HOLD ME CLOSER
General FictionThey say if you love someone, let him go. If he comes back, he's yours. Pero pano kung... hindi na bumalik? Maghihintay ka pa ba? -- Kwento Ni JhingBautista's "Scraps of Thoughts' Story #9" continuation. *renamed characters*