Sisig

27 3 1
                                    

Gusto mo na ba siya?

Gusto ko na ba siya?

Gusto, gusto ko ba siya?

Teka nga, gusto niya ba ako?

Aaahh! Ewan! Ang gulo!

"Uy, ba't umiiling-iling ka diyan?" bigla niyang kalabit sa 'kin.

Nasa canteen kami ngayon dahil breaktime. Siya ang pinabili ko ng kakainin namin kasi masama ang pakiramdam ko. Pero kasi-

"Uy!" intag niya sa 'kin.

"Ha?" wala sa sarili kong tanong.

"Sabi ko kumain ka na?"

"Ah-ba't ito binili mo?" malungkot kong tanong sa kaniya. Pa'no ba naman, alam niyang ayaw ko sa sisig pero binili niya pa rin.

Pero ngiti lang ang binigay niya sa 'kin.

"Nang-aasar ka ba, ha?" sa dinami-daming ulam na tinda sa school, sisig pa ang binili niya sa 'kin?!

Akmang tatayo na sana ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko. "Sa'n ka pupunta?" tanong niya habang kumakain. "Babalik na sa room. Nawalan ako ng gana." sabi ko saka ini-alis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Dito ka lang, binibiro ka lang, eh." Hinila niya ako pa-upo habang ako, nakasimangot pa rin.

"Uy, kumain ka na." sabi niya habang sinisiko niya ako sa tagiliran. "Uy, ano, susubuan pa ba kita?" ani Toni na akmang hahawakan na ang kutsara at isusubo niya sa 'kin pero napatigil ang pag-landing ng kutsara sa bibig ko nang biglang may nanukso sa 'min.

Ngiti lang ang isinagot ni Toni habang ako, hawak ang pulsuhan niya na hawakang kutsara.

"Ako na." sabi ko. Hinayaan na lang niya ako at nagpatuloy kami sa pag-kain.

--

Malapit na pala mag-time.

"Toni, 'di ka pa ba tatayo diyan? Malapit na mag-time, o," untag ko sa kaniya. Pa'no kanina pa nakatitig sa 'kin. "Uy!" pinitik ko ang noo niya na nagpagalaw sa kaniya. "Ano ba 'yun?" ani Toni habang hinihimas ang noo. "Ang sakit nu'n, ah?"

"Ba't mo kasi ako tinititigan?! Naga-adik ka na ba?" sigaw ko sa kaniya. Nakaka-gigil, ha?

Nangmahimasmasan na siya, saka siya umayos ng pagkaka-upo at pumalungbaba at tumitig sa 'kin ulit. "Ang ganda mo kasi." sabi niya nang walang kurapan. Titig na titig.

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Inilapat ko ang kanan kong kamay sa mukha niya at inilayo ko ito. Tinulak. "Uy! Ano ba! Tayo nalang tao sa canteen, oh! Balik na tayo sa room!" nang matansya ko na mahuhulog na siya sa upuan, ilalayo ko na sana ang kamay ko ngunit kaniya naman itong hinakawan.

Mga paru-paro na naman.

Binawi ko ang kamay ko at sinabihan siyang bumalik na kami sa room. Tumayo na ako agad para wala nang usap usap. Nauna na akong umalis sa upuan at sumunod naman siya.

--

Valentine's day pala kahapon kaya gano'n si Toni. Teka, 'di naman kami, ah? 'Wag nga kayong ano diyan.

"Ash, si Toni?" tanong sa 'kin ni Jonas habang nagbabasa ako sa upuan ko.

"Ewan, 'di ko alam, eh." Pinasadahan ko nalang siya ng tingin at sinabi iyon saka ako bumalik sa pagbabasa.

Sorry for being rude pero kasi 'pag nagbabasa ako, ayokong iniistorbo ako. Ayokong nawawala sa momentum.

"Ah, okay."

--

So kahapon, ang lakas niya mang trip sa 'kin tapos ngayon, 'di na siya papasok? Aba, magaling.

To Tonyo

Hoy, ano, di ka papasok? May test si Mam Stella. Ano?

--

Uwian na at hindi na talaga pumasok si Toni pati hindi na rin siya nag-reply sa text ko. Bahala siya.

"Ashreen, pwede ka ba mamaya?" bigla sabi ng kaklase kong si Kyle habang nag-aayos ako ng gamit bago umuwi. Maaga kasi kaming pinauwi ni Ma'am Stella kasi may program daw ang mga teachers na imbes 6:30 kami pauwiin, 5:10 pa lang nagpalabas na. Kaya ang saya.

"Uhh, sa'n ba?" Tanong ko nang mailagay ko ang huling notebook sa bag ko. "Sa plaza." sagot niya. "Ano'ng oras ba?"

"5:30. Ano?" 5:30? Eh dadaanan ko pa si Toni sa bahay nila, eh. "Ano ba'ng meron do'n?" tanong ko pabalik.

"May kakanta daw dun eh. Sikat na banda daw sabi ni Collin. Sabihin ko raw sa 'yo kasi paborito mo raw yung banda na 'yon." paliwanag niya. Kami nalang ang tao sa room. Yung mga cleaners, tapos na maglinis.

"Ah, ganu'n ba? Sige. Pero uuwi muna ako tapos hintayin mo nalang ako sa munisipyo. Lowbatt na kasi ako, eh. Pero kapag lagpas na ng 5:30 at 'di pa ako nakabalik, e 'di ayon," sagot ko sa kaniya saka siya tinapik sa balikat at lumabas na ng room.

Lord, pupunta ba ako o pupuntahan ko si Toni? Pero kasi Eraserheads 'yon, eh. :(

--

HOLD ME CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon