New Beggining

31 5 4
                                    

"Mommy, ano na pong kasunod?" maamong sabi ni Chastine sa 'kin habang pinipindot ang tiyan ko. Nakahiga kasi siya ngayon sa kama niya at ako naman, nakasandal sa head board habang kinukwentuhan ko siya.

It's been 10 years simula nang hindi na kami nagkita ni Toni after his accident. . . 6 months of our relationship back then. Pagkatapos nu'n, bigla na lang siyang nawala. Sabi ng tita niya, kung saan siya nakatira noon, kinuha daw siya ng nanay niya pa-ibang bansa. Hindi daw nila alam.

Syempre, hindi sasabihin ng intrimitida niyang tiyahin sa 'kin kasi ayaw niya sa 'kin para kay Toni.

"Mommy, I'm getting sleepy." sabi ni Chastine habang kinukusot ang mata niya.

"Ok baby, let's sleep na, ha?" sagot ko kay Chastine nang biglang bumukas ang pinto. Si Danniel.

"Aww, matutulog na yung baby ko?" sabi niya habang naglalakad papunta sa 'min.

"Daddy!" bigla namang tumayo sa pagkakahiga si Chastine at yumakap sa ama. "Mommy told me a story, Daddy," ani Chastine.

"What story?" kunot noong tanong sa 'kin ni Danniel. Habang ako, nag-iisip ng ida-dahilan. Ayaw niya kasing nagku-kwento ako kay Chastine ng mga kung ano-ano.

"'Yun na naman ba?" Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga tingin niya. "Sorry." na lang ang nasabi ko.

"Mommy, why are you saying sorry to Daddy?" tanong ni Chastine. "Kasi, hindi ka pa pinapatulog ng Mommy mo." biglang sagot ni Dan at kiniliti nang kiniliti si Chas.

"Go to our bedroom, mag-uusap tayo." pahabol niyang sabi tsaka binuhat si Chas papuntang kusina. Papainumin daw niya ng gatas.

Ito na naman tayo.

Pagkalabas nila, inayos ko muna ang higaan ng Chas at saka lumabas ng kwarto niya.

--

"Bakit 'yon na naman ang kinuwento mo kay Chastine?" tanong niya habang kumukuha ng damit sa cabinet. Halata sa kilos niya na galit siya o naiinis.

"Kinuha niya kasi ulit yung libro sa drawer ko, eh. Kinulit niya ako na ikuwento sa kaniya ulit 'yon," pagpapaliwanag ko.

"Bakit ba kasi balik ka nang balik ng librong 'yon sa drawer mo? Itago mo kaya sa mataas o kaya sa hindi makikita ni Chastine? Mag-isip ka naman, Ash," saka siya humiga ng nakatalikod sa kama namin. Habang ako, tulala. Gustong umiiyak.

Sa pitong taon naming magkasama ni Dan. Ngayon lang ulit ito nangyari. Pangatlong beses na. Hindi ko kasi alam kung pa'no itago 'yong libro. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matago-tago sa ibang lugar. Siguro kasi, may parte pa rin sa 'kin na gusto kong balik-balikan ang kwentong nabuo namin ni Toni. Kung paano kami nagkakilala hanggang sa kung paano kami dapat magtatapos. Sa kasalan ba o sa -

"Hindi ka pa matulog? Maaga pa tayo bukas." bigla niyang sabi. Hindi ako sumagot. Mayamaya, umupo siya bigla at niyakap ako. "Sorry na, Mommy. 'Di na mauulit. Sorry kung nasigawan kita. Tulog na tayo," sambit niya ata hinalikan ako. Tumulo ang luha. Hindi ko alam kung bakit. Naalala ko yung pangyayari na dapat, si Toni ang kasama ko. Kasama ang pamilyang bubuoin namin. Sa isang bahay malapit sa dagat.

Humiwalay ako sa kaniya. Saka humiga. Patalikod sa kaniya.

"'My, galit ka pa?" humiga na rin siya and he snake his hands on my stomach down to my thigh. 'My, gusto na daw maging ate ni Chas." nagulat ako kaya napatingin agad ako sa kaniya.

"Daddy? 'Di ba napagusapan na natin 'to?" mahinang sabi ko. Natawa naman siya. "Im just joking, Mommy. See? You smiled." Adik pala 'to, eh. Sinong hindi matataranta sa sinabi niya?

"Matulog ka na nga, 'Dy." At tumalikod ulit ako sa kaniya. Naramdaman kong bumalik siya sa pwesto niya kaya nakahinga na ulit ako ng maluwag pero hindi pa pala.

"Seryoso ako do'n, Mommy." Bigla niyang sambit. Napakunot naman ang noo ko kaya umikot ako para makita siya. Huli na ang lahat dahil nasa itaas ko na siya.

"Daddy! Ano ba?" Sigaw ko ngunit sinakop na niya ang labi ko. Natawa na lang ako. And we made love that night.

Wakas

HOLD ME CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon