Huling Bulalakaw

30 3 3
                                    

Tonyo

Pumunta ka pala? Ang saya mo ngayon, ah?

--

Kakatapos lang ng kanta ng Eraserheads nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Si Toni.

Teka, nandito siya?

Matapos kong basahin ang message niya, nagpalingon-lingon ako sa paligid ng plaza. Na sana, makita ko si Toni nang bigla akong kalabitin ni Kyle, "s ino'ng hinahanap mo?" tanong niya. Masyadong maingay para hindi ko marinig pero hindi ko nalang siya pinansin. Nang kalabitin niya ulit ako saka ko siya pinagtuunan ng pansin. "Ha?" At ibinalik ko ulit ako mata ko sa paligid.

"Sabi ko sino'ng hinahanap mo," ulit niya pero mas malapit sa tainga ko. "Ah, wala." Tinuon ko nalang ang mata ko sa harap ng banda.

Nang makita kong nakatitingin na rin si Kyle sa harap, inilabas ko ang phone at tinext si Toni.

To Tonyo

San ka?

--

Malapit ng matapos ang huling kanta nang nag-vibrate ulit ang phone ko.

Tonyo

Sa pintuan ng puso mo. May space pa ba para sa 'kin?

Napakunot ang noo ko ng wala sa oras dahil sa ka-kornihan niya. Dyusko.

Hindi ko nalang siya nireplayan baka kung ano pa ang masabi ko na hindi naman dapat.

--

10 p.m natapos ang mini concert ng Eraserheads sa plaza namin. Masaya. Kasi nakita ko ulit sila sa pangatlong pagkakataon.

Habang unti-unting lumalabas ang mga tao, sinabihan ko si Kyle na magpahuli kami kasi ayokong makipag-siksikan.

Ayun, nang konti nalang ang mga lumalabas, sinabihan ko si Kyle na umuwi na kami. Nauna na akong maglakad sa kaniya nang hawakan niya ang pulsuhan ko. Napatigil ako at napatingin sa kamay kong hawak niya.

"Thank you," bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti sa akin. Agad kong dahan-dahang bawiin ang kamay ko sa pagkaka-hawak niya. "Thank you rin," saka siya ningitian.

Nang nasa tapat na kami ng school kasi doon ang daan niya pauwian pati ako, sinabi ko sa kaniya na 'wag na niya ako'ng ihatid kasi kaya ko naman ang sarili ko. Mababait naman kasi ang mga tao dito, eh. Pero nagpupumilit siya kaya ang sabi ko, 'wag na. Umuwi na lang siya kasi gabi na rin. Kapag hinatid pa niya ako, gagabihin siya lalo. Pumayag naman siya.

Nang magpaalam na kami sa isa't-isa at medyo nakalayo na si Kyle, nagsimula na akong maglakad nang bigla na lang may sumulpot sa gilid ko. Kaya agad naman akong napatingin sa gulat. Si Toni.

"Hoy! ba't nandito ka?" sigaw ko sa kaniya sabaw hampas sa braso. "Malamang, uuwi. " ani Toni. " Ba't 'di ka pumasok kanina?" tanong ko.

"Nagka-sinat kasi ako kagabi."

Umulan ba kagabi? Hindi naman, ah?

"Ah, eh bakit ka lumabas ngayon? Mabibinat ka niyan, eh!"

"Hindi 'yan."

Hindi na lang ako nakasagot.

Patuloy lang kami sa paglalakad nang magsalita siya.

"Ash," lumingon ako sa kaniya. "Hmm?"

Tumingin naman siya sa 'kin sandali at tumingin muli sa langit. "Alam mo ba, minsan, napapa-isip ako kung-" Sinadya niyang putulin ang sinasabi at tumingin ulit sa 'kin.

"Kung alin?" tanong ko sa kaniya pagkatuon ko.

"Kung bakit sobrang mahal kita," dugtong niya saka tumigil sa paglalakad. Napatigil din ako.

"A-akala ko, joke lang 'yon." utal kong sabi habang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

"Bakit naman ako magjo-joke sa feelings ko sa 'yo?" ngisi niyang sabi at tumayo sa tapat ko't hinawakan ang pareho kong kamay.

"Malay ko sa 'yo. Baka nga trip mo lang ako, eh." bigla akong tumawa pagkasabi at hinahawi ang kamay kong hawak niya ngunit ayaw niyang bitawan. "Ano ba, Toni. Bitawan mo nga ako. Uuwi na ako!" pinipilit ko pa ring bumitaw sa mga hawak niya ngunit titig lang ang kapalit.

Habang nakikipag-sapalaran sa pagkuha ng kamay ko, agad naman niya itong binitawan. Pagka-bitaw, hinilot-hilot ko ang pulsuhan ko sa sakit ng hawak niya.

Nakatitig lang siya sa 'kin. Sa tangkad niya na hanggang baba lang ako sa kaniya. Napatingin ako sa kaniya, walang emosyon na lumalabas sa mukha niya.

"Uh, Toni. Tara na kaya? Uwi na tayo? Ano'ng oras na, oh. Wala ka bang balak umuwi?" tanong ko sa kaniya.

Titig.

"Toni!" yugyog ko sa balikat niya dahil ayaw niyang magsalita! "huy! iwi na kasi tayo-" Hinapit niya ang beywang ko papalapit sa kaniya at ako'y hinalikan.

Halik. Unang kong halik. Bakit humantong sa ganitong kaganapan? Teka, wala naman 'to sa plano, ah?

Hindi ito yung ini-imagine kong first kiss.

Hindi sa ganitong sitwasyon.

Teka nga, hindi 'to pwede, eh. Pero hindi ko mapigilan.

Dahil sa tangkad niya, muntik na akong mapahiga pero dahil hawak niya ang beywang ko, hindi natuloy at mas lalo pa niyang nilapit sa kaniya, kumawit ako sa leeg niya. Hindi nakapikit. Hindi makapaniwala. Walang kumikilos. Ninanamnam ang bawat pagdampi ng labi namin sa isa't isa.

Siya nakapikit, ako nakadilat. Nasa kalagitnaan kami ng kalsada kung saan maaraming pwedeng makakita, wala siyang pakielam nang bigla may dumaan; mabilis na bulalakaw.

"Bulalakaw." Humiwalay ako sa mga labi niya. "Ano?" kunot niyang tanong. "sabi ko may dumaang bulalakaw." sabi ko habang nakahawak pa rin sa leeg niya at siya sa beywang ko.

"Mag-wish ka, dali." sabi ko sa kaniya at bigla akong pumikit. Sa pag-pikit ko, may naramdaman ulit akong labi na dumampi sa 'kin. Saka ako dumalat.

"Sabi ko, mag-wish ka. Hinalikan mo lang ulit ako, eh!" sabi ko sa kaniya sabay hampas sa balikat.

"Bakit pa ako magwi-wish, eh nandito na yung wish ko?"

Sa pagkakataong ito, lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Abnormal talaga 'tong taong 'to.

"Adik. Uwi na nga tayo." saka ako bumitaw sa kaniya.

Natawa na lang kami pareho.

Habang naglalakad, may nararamdaman akong dumadampi sa kaliwa kong kamay. Kinikiskis. Parang. . gustong hawakan ang kamay ko. Natawa ako.

Dahan dahan, nag-slide ang kamay niya, papunta sa kamay ko para hawakan ako.
Nang magsalikop na ang mga kamay namin, bigla siyang nagsalita. "'Wag kang bibitaw, ha? Dito ka lang." halik sa pisngi niya ang ginawa ko bilang sagot.

"Mahal na mahal kita, Ashreen."

Lord, siya na ba?

--

HOLD ME CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon