Chapter 11 // He save me.

303 11 0
                                    

-Andria's POV-

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Tsk! medyo masakit pa din ang ulo ko. Pagdilat ko, nakita ko si jade na nakaupo sa tabi ng kama.

"Uhh, j-jade?" tumingin sya sakin at labis kong ikinagulat ang sumunod nyang ginawa.

"Rian! Okay ka na ba?! May masakit ba sayo?!" tanong nya sa akin habang nakayakap. Oo, niyakap nya ako. Hindi ba dapat, itulak ko sya palayo o kaya sigawan dahil bigla nalang nya akong niyakap? Pero bakit hinahayaan ko lang syang yakapin ako? *lub-dub* *lub-dub* yung heartbeat ko, bakit ang lakas? Dahil lang ba toh sa pagkalunod ko kanina?

"O-okay na ako." agad naman nyang tinanggal ang pagkakayakap nya at umiwas ng tingin sakin.

"S-sorry, nag-alala lang ako." Wait. Nag-alala sya sakin? Bakit ganto yung nararamdaman ko? I felt happy nung sinabi nya yun. Yun bang parang lahat ng inis ko sa kanya, Nawala.

"A-ah, hinde. Okay lang." Parehas kami ngayong hindi mapakali. Walang nagsasalita, Nakakailang nga eh.

Nabasag lang ang katahimikan nang dumating si karen. "Waaaah! rian! Mabuti gising kana! Akala ko may nangyari na sayong masama eh!" Bakas sa mukha nya na nag-aalala sya.

"Ano ka ba naman! Hindi pa ako mamamatay noh!" Pagbibiro ko.

"Baliw kaa! Ano? Okay ka na ba?"

"Oo, medyo masakit lang ng konti yung ulo ko."

"U-uhh, sige karen,rian. Una na ako ha?" Pagpapaalam ni jade ng hindi kami tinitingnan. Diretso lang syang lumabas ng clinic.

"Anyare dun?"-karen.

"Ewan. Baka natatae lang."

"Haha, baka nga! Ay nga pala! Si cindy, kick-out na. Buti nga sa kanya." Bigla kong naalala yung ginawa sakin nila cindy, srsly?! hinayaan lang talaga nila akong makitang nalulunod? Dapat lang na ma kick-out sya. She deserves that, muntik na nya akong mapatay.

"And this! Look at this!" May pinakita sya sa aking picture dun sa cellphone nya, meron doong dalawang babae na naglilinis ng banyo. Yung dalawang babaeng kasama ni cindy kanina.

"Ang gandang janitor diba? haha. Hindi sila na kick-out, nagmakaawa sila kay ian. Sabi naman kasi nila, napag-utusan lang daw sila ni cindy. Kaya umisip nalang si ian ng pwedeng maging punishment nila, sabi ko na paglinisin sila ng banyo in 1 month. Nung una nga, nagrereklamo pa yung dalawa eh! Pero sabi ni ian kapag di nila ginawa yun, makikick-out din sila! HAHA, tsaka yung si cindy! ewan ko lang kung di pa sya magtanda." kumunot yung kilay ko.

"Anong ginawa mo kay cindy?" Medyo kinabahan ako bigla, kasi naman, naalala ko yung ginawa ni karen dati dun sa kalaro namin nung mga bata pa kami. Inagawan ako ng laruan ng isa naming kalaro kaya iyak ako ng iyak nun, tapos nakita ni karen na umiiyak ako kaya hinampas nya ng malakas yung kalaro namin gamit ng laruan nya. Atsaka nya kinuha yung laruan ko dun at ibinigay sakin para tumigil na ako sa pag-iyak. Dumugo pa nga yung noo ng kalaro namin nun eh! Kaya naisip ko, baka kung ano nang ginawa nya kay cindy. May pagka maldita din kasi yan si karen, pero di naman sa lahat ng oras. Lumalabas lang yun kapag may ipinagtatanggol sya o kaya naman nagagalit sya.

She gave me an evil smile while saying "Pina-rape ko sya sa sampung lalaki." with her very scary tone.

"WHAT?!" Sobrang nagulat ako sa sinabi nya. Di nya parin dapat ginawa yun! pano kung makulong sya?!

"HAHA, Just kidding! Wag kang kabahan! Pinaliguan ko lang naman sya ng spaggheti at binigyan sya ng mga malulutong na sampal." Haay, kala ko naman totoo na. Buti nalang. =___=

"You're crazy, kinabahan ako." hinampas ko sya ng mahina sa balikat. "Mga malulutong na sampal? so, you mean-- two slaps?"

"No, actually it's three. She deserves my slaps!" see? Yan ang bestfriend ko! Mukha syang mabait pero kapag nagalit, nakakatakot.

I Fell Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon