Chapter 8 // I Like You. <3

281 9 0
                                    

Chapter 8

-Karen's POV-

"Lalala~ hm hm hm." nakita ko si rian na hinihiwalay-hiwalay ang kanyang mga damit sa mga puti at de color.

"Naks naman! Mukhang maganda yata gising mo ngayon at may pakanta-kanta kapa dyan." ngumiti lang sya sa akin ng napaka lapad.

"Ang ganda kasi ng napanaginipan ko!:)"

"Wow naman, Ano o sino ba napanaginipan mo?"

"Si jade. :)" automatic na nanlaki ang mga mata ko, ibig bang sabihin...

"Kyaaah! narealize mo na bang gusto mo sya??!" ayiiieee! sabi na nga ba eh, boto nman ako kay jade. Mabait din naman yun! sadyang hobby lang nya ang asarin si rian. :''>

"NO, napanaginipan kong binubuhusan ko sya ng kumukulong tubig at ipinapakain sa mga gutom na pating! grabeh! sana gabi-gabi ganun nalang palagi ang paniginip ko!:D" Unti-unting nag fade ang smile sa mukha ko at napalitan ng simangot. Tss! kala ko ba naman. -_____-

"Ang brutal mo!"

"Haha! Bakit anong bang ine-expect mo? haha." Ewan ko dito sa babaeng to, napaka-brutal pag dating kay jade. =,=

"Oo nga pala, nakabihis ka ata? san punta mo?" tanung nya.

"Natural nakabihis ako, magtaka ka kung nakahubad ako!" i said sarcastically, Hinagisan nya ako ng damit.

"Heh! Pilosopo mo!"

"Hehe, pupunta akong mall! sama ka? Iwan mo na yang mga labahan mo dyan! Ipa-laundry nlang natin yan." kase naman! sobrang dami nyang labahan. -.-

"Hindi na! ikaw nalang, sge na! aalis kapa diba?"

"Tss, ayaw mo ba talaga sumama?" di kasi mapilit eh.

"Hm, next time nlang siguro." Then, lumabas na ako ng bahay. Gusto kong pumuntang mall. Wala lang, feel ko lang mamasyal ngayon. Boring sa bahay eh! Hindi pa sumama si rian, wala tuloy akong kasama. -,-

Pumara na ako ng taxi at sumakay na.

*Ring.Ring.Ring*

narinig kong nag ring ang cellphone ko, tss. Si mama lang pala. --__--

"Baket ma?"

(Anong baket ka dyan? Wala kang galang ah! Baka gusto mong umuwi dito ng di-oras! Kamusta na kayo?)

"Tss, Okay naman."

(Hoy ikaw bata ka ah! Kapag nalaman ko lang na nagwawaldas ka dyan ng pera. Ibabalik kita dto! Ayus-ayusin mo lang pag-aaral mo dyan!)

"Thankyou sa concern ma. Ikamusta mo nalang ako kay papa. Bye."

(Teka--) *Toooth*

In-end ko na yung call, ganda namin magkamustahan noh? -,-

Hindi kasi ako close kay mama, mas malapit ako kay papa. Para kasi kay mama, wala na nakong nagawang tama sa kanya. Masyado syang mahigpit sa akin. Gusto nya, sya lagi ang nasusunod. Magkaibang-magkaiba kay papa. Lahat ng gusto ko ibinibigay ni papa hanggat kaya nya. Kung mayaman ba kami? Hindi ko masasabing mayaman, sabihin nlang nating average, May business kami sa states pero hindi naman gaanong kalakihan. ohwell, inaamin kong maluho akong tao. Sila Lolo at Lola mayaman talaga, Sa side ng papa ko. Pero dahil may konting alitan sila ni mama, hindi tumatanggap si mama ng kahit anong galing kila lolo. Ma-pride kasing tao yang si mama. =____=

I Fell Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon