Chapter 25 // "Cheater"..?

217 7 0
                                    

-Andria's POV-

"The number you dialed is not available, Please try your call later.. *Toooth*"

Ilang beses ko na syang tinatawagan pero not available. Tsk, galit kaya sya? Hanggang ngayon hindi ko parin sya nakakausap. Hindi kasi sya pumasok kanina tapos hindi ko pa sya ma-contact..

"Ano? Sinagot na ba yung tawag mo?" Tanong sa akin ni Karen, umiling lang ako bilang sagot.. Bigla nalang syang lumapit kay Kuya at nagulat ako nang bigla nya tong batukan.

"Kasalanan to eh! Asa ka namang mapagselos mo si Jessie!"

"Aray ko! Nag sorry na nga ako kay Andria eh!" Sabi ni Kuya habang hinihimas yung ulo nya..

"Tsss! Umuwi ka na ngang states!"

"Hehe, Ayoko nga!"

Sinubukan ko narin tawagan si Ian pero di naman daw nya kasama. Baliw yun ah! Hindi manlang ako hinayaang magpaliwanag! Tinry kong mag online, baka sakalaing naka OL si Jade.. Unfortunately, naka Offline sya. Pero nabasa ko yung post nya..

"Cheater."

Hindi ko alam kung anong reaction ang dapat kong i-react.

So, iniisip nya talagang pinagtataksilan ko sya? Kung sabagay, hindi ko rin naman sya masisisi.. Sigurado akong galit nga sya.. Binasa ko yung mga comments dun sa pi-nost ni Jade..

"Break na ba kayo?"

"HOOOO! LET'S CELEBRATE!! BREAK NA SILA!!"

"Ako nalang ang gawin mong GF! I will never cheat on you! Hindi gaya ng iba dyan, panget na nga.. Nakukuha pang manloko!"

WTF. Biglang humipit ang pagkakahawak ko sa Cellphone.. Para akong maiiyak sa sobrang inis!! Hindi ko naman niloloko si Jade eh! Ano bang alam nila?! Nakakaasar! Paano ko sasabihin kay Jade na pinsan ko si Kuya Dayne kung di nya sinasagot yung mga tawag ko! Paano ako magpapaliwanag kung hindi sya nagpapakita sa akin?!

**

It's tuesday, as usal may pasok.. Tinatamad akong pumasok pero hindi ako pwedeng umabsent ng walang excuse. And besides, may quiz kami ngayon sa math..

"Pakibigay nalang sa teacher, ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon eh." Sabi ni Karen matapos iabot sa akin yung excuse letter..

"Sige, magpahinga ka nalang. Tatawagan ko si Ian para bantayan ka." Tumango nalang sya then nahiga na sa kama..

Nga pala, tabi kami ni Karen matulog sa kwarto ko since nandito si Kuya Dayne.. Dun kasi sya natutulog sa kwarto ni Karen..

Umalis na din naman ako ng bahay at naglakad papuntang school.. Mukhang magiging loner ako ngayong araw.. Wala si Karen eh, may trangkaso. Si Jade kaya papasok? Galit pa kaya sya? Two days na kaming hindi nagkikita.. I admit, namimiss ko na sya.

"Oh, The ugly cheater is here!" Papasok na sana ako ng room nang bigla akong harangin ng tatlong babae.. Hindi ko sila pinansin at umiwas nalang ako.. Wala ako sa mood makipag-away ngayon. Hay, ang bilis naman ata kumalat ng issue tungkol sa amin ni Jade? tss.

"Girl, have you heard the news? May nakakita sa kanya sa mall na may kasamang ibang lalaki!"

"Omg! Really? If I know, Girlfriend sya ni Jade diba? Ang Landi naman nya! Pineperahan nya lang siguro si Jade!"

Papasok na ako ng room nang marinig kong pinaguuusapan ako ng dalawang babae.. Bigla nalang nag pantig yung tenga ko sa mga narinig ko. Matatanggap ko pa sanang sabihan nila akong Hampaslupa at mahirap! Pero yung sasabihan nila akong manloloko at pinaperahan lang si Jade? Gyera toh!

I Fell Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon