Chapter 26 // The Past..

266 10 1
                                    

-Andria's POV-

"Babe, uuwi lang ako saglit. Babalik din ako agad."-Ian

"Ok, bilisan mo ha?"-Karen

Sabay halik ni Ian sa pisngi ni Karen,

"Oyst! Kaylangan talaga sa harap ko? Tong mga toh!" Tinawanan lang ako nila Ian at pinitik ako sa noo. Sakit nun ah!

"Magbati na kasi kayo ni Jade!" Then lumabas na sya ng kwarto..

Si Jade? Mamaya pupuntahan ko sa condo nya! Kasama ko si Kuya Dayne! Kutos talaga yun kapag di sya naniwala! Tch. Sana maging maayos na, Namimiss ko na talaga sya..

"IM HERE!!!!" Sigaw ni Kuya pagkapasok na pagkapasok palang ng kwarto na may dalang gamot..

"Aish! Akala ko sa isang taon ka pa dadating eh!"

"Sorry kapatid! Pinagkaguluhan na naman ako ng mga babae kanina sa kalsada habang papauwi ako eh! Ang gwapo ko daw kasi! Kinukuha pa nga yung number ko eh! Tapos alam mo ba--"

"SHUT UP KUYA!! HINDI KO TINATANONG! LUMABAS KA NA NGA! SUMASAKIT LANG LALO ANG ULO KO EH!"

"Hehe, sabi ko nga.. Sige! Pagaling ka ah!"

At Sino pa ba yang dalawang taong yan? Edi yung mgakapatid! Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa eh. Haha, srsly.. Aso't pusa talaga sila.

Palabas na ng kwarto si Kuya Dayne nang bigla nya akong tawagin..

"Andria! Alam mo bang galit na galit sya sa akin kanina? Haha, Walang duda. Mahal na mahal ka nga nya.."

Pagkatapos nyang sabihin yun ay tuluyan na syang lumabas ng kwarto. Sino yung tinitukoy nya? Si Jade kaya? Nagkita sila? Paano? Ang dami kong tanong!!

Sumunod akong lumabas ng kwarto para para linawin kay Kuya yung mga sinabi nya.

"Kuya! Ano ba yung sinasabi mo?"

*TOK TOK*

"Nandyan na sya, Buksan mo na yung pinto." Nginitian nya lang ako then pumasok na sya sa kwarto.. Ok, parang ang weird yata ni Kuya ngayon? Atsaka may bisita ba sya?

*TOK TOK*

Bumaba na ako para pagbuksan yung taong kanina pa kumakatok, habang papalapit ako ng papalapit sa pinto. Hindi ko alam pero sobra akong kinakabahan.

Nabigla ako nang makita ko sya.. Hingal na hingal at pawis na pawis. Nakatitig lang sya sa akin ng ilang segundo, pagkatapos ay niyakap nya ako ng sobrang higpit..

"Rian, Im sorry.. Hindi ako agad naniwala sayo.. Sorry dahil mas pinauna ko pa yung pride ko.. Im sorry.. Im really sorry.."

Ramdam na ramdam ko na sincere sya sa lahat ng mga sinabi nya. Napangiti nalang ako.. Para akong nabunutan ng tinik. Humiwalay ako sa pagkakayap nya.. Atsaka ko sya binatukan!

"Ouchh! Para saan yun?!" sabi nya habang hinihimas yung part sa ulo nyang binatukan ko..

"G*go ka! Bakit hindi ka manlang nag tetext o tumatawag?! Alam mo bang miss na miss na kita?!"

"Sorry na nga eh! Sorry na oh? Akala mo ba ako hindi? Para nga akong mamamatay sa pagkamiss sayo eh!"

Hindi ako nakapag salita agad. Sigurado akong namumula ako ngayon. Bwisit na Jade na toh! Ang hilig bumanat. >//<

I Fell Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon