Chapter 13 // Secret Admirer.

278 11 0
                                    

-Andria's POV-

"Dear Andria,

Matagal na kitang gusto. Hindi ko lang masabi sayo ng harapan dahil natotorpe ako, Palagi kitang tinitingnan mula sa malayo. Bawat ngiti mo pa lang, inspirasyon ko na. Sobrang ganda mo sa paningin ko. Pero malapit mo na ring malaman kung sino ako, aaminin ko din sayo kapag nagkaroon na ako ng lakas na loob.

-Your secret admirer."

Kinikilig na binasa ni karen yung letter na para sakin na hindi ko malaman kung kanino nanggagaling.

"Ayiiiiieeee! Ang sweet naman talaga nitong secret admirer mo! Sana ako ren may secret admirer! hehe!" Nakita kong sumimangot si ian sa sinabi ni karen.

"Tss, mas sweet pa ko dyan noh! Biruin mo yun! Sa kalagitnaan ng zip line ako sayo nagtapat! Kung alam ko lang edi sana tinambakan ko na lang ng mga sulat yung locker mo." Binatukan naman sya ni karen, haha! ang cute ng dalawang to! :">

"Asus! nagtampo pa! Syempre naman mas sweet ka pa dto noh! binibiro lang eh! hehe, i love you!^_^" Sabay kiss sa cheeks ni ian. Yeah, it's been two months since naging sila ni ian, and two months ago nung inamin ko sa sarili ko na gusto ko si jade. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam, kahit si karen hindi alam na gusto ko si jade, hindi ko sa kanya sinasabi. Ngayon, hindi ko na alam kung 'like' pa rin ba tong nararamdaman ko sa kanya.... O mas higit pa dun.

"Pero rian, swerte mo ha! may secret admirer kang sweet! Sino kaya toh?" biglang hinila ni jade kay karen yung papel.

"Psh, ang baduy nga eh! Yuck!" sabay hagis ng papel sa sahig.

"Bakit ba kasi hindi nalang sya magpakilala? Mukha ba akong halimaw at kaylangan nya pa ng lakas na loob para harapin ako?" Hindi naman sa hindi ko naa-aapriciate yung mga letters nya, syempre naman tinatago at binabasa ko pa rin yun. Nakakatuwa kasi may tao palang humahanga sa akin. Pero ewan ko, kasi ano.... Alam mo yun? Wala akong nararamdamang kilig? ay ewan! -___-

"So, inamin mo din na gusto mo syang makilala"-ian. Oo, mukha namang mabait sya eh, siguro pwede ko syang maging kaibigan diba? hanggang dun lang kasi kaya kong ibigay sa kanya. Iba kasi yung gusto ko.

"Oo, may gusto kasi akong sabihin sa kanya." Siguro kaylangan ko na ring sabihin sa kanya na sa iba nlang nya ibaling ung feelings nya.

"Ano?! Gusto mo pa yun makita?! Eh pano kung niloloko ka lang nun?! Gusto mo na ba sya ha?!" nagulat ako sa bigla akong sigawan ni jade, halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasigaw nya.

"Ano bang pakialam mo kung gusto kong syang makilala ha?!!" Bigla akong natigilan, kahit ako mismo nagulat sa sinabi ko.

He look at me with he's cold expression.

"Tama ka, Ano bang pakialam ko sayo?" tinalikuran na nya ako at tuluyang lumabas ng office.

Naiwan akong tulala, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ni hindi ako makapagsalita. Naiwan sa utak ko yung mga salitang sinabi nya.

'Ano bang pakialam ko sayo?'

Habang paulit-ulit ang mga salitang yun sa utak ko, Pakiramdam ko tinutusok ang puso ko. Eto na ba yung sagot sa tanong ko? yung lagi kong tanong sa sarili ko kung gusto din ba nya ako kahit 1% lang? Sabi ko na eh! Dapat umpisa pa lang pinigilan ko na yung sarili kong gustuhin sya. Kasalan ko rin eh! kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon!

Nilapitan ako ni karen at pinatong ang kamay nya sa balikat ko.

"Okay ka lang ba?" Hindi, hindi ko kayang sabihing okay lang ako, bakit ganun? Isang sentence lang yung sinabi nya pero sobrang sakit ng pakinggan?

I Fell Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon