Hmmm, 6:00AM palang ah, bat ang ingay ingay sa kabilang kwarto, alam ko walang nakatira doon, mukang magkakaroon ako ng bagong kapit bahay, naiisip ko habang parang naalimpungatan sa naririnig kong pag lalapag nila ng gamit galing sa kabila,
"......."
"Haaaa!! 9:00AM inalarm ko pa naman tong relo para mapanuod ko yung paborito kong anime badtrip tuwing linggo lang yun e, tss mukang nawalan ng battery tong alarm clock haay di bali na nga! tss! hmm bigla kong naalala na may lumipat na pala kanina, ikaw anu bang una mong ggwin pag may bagong lipat syempre titignan mo kung anung klaseng tao sila ? so lumabas ako ng kwarto at tumingin muna sa baba ng apartment 2nd floor kasi ito bali apat na kwarto dalawa sa baba at dalawa sa taas, ng silipin ko ang bintana ng katabi kong kwarto, hmm mukang walang tao ah,
"Kuya! kilala nyo po ba yung bagong lipat dito!", sigaw ko sa nakatira sa baba
"Hindi eh pero tinulungan ko siyang mag ayos ng gamit niya kanina dyan" sabi niya sakin habang nag wawalis ng mga dahong nagkalat sa harapan ng pinto niya
"ah ganun po ba!!" makabalik na nga lang sa pag tulog,
Ako nga pala si Pitt Jericho Rivera, tama ka ako nga lang mag-isa ang nakatira dito sa apartment na inuupahan ko 15 years old palang ako, 5,6 d katangkaran, nasa dubai kasi sila papa at mama may flower shop sila doon, balak nga nila akong i sama pero sabi ko dito nlng muna ko, 2 weeks palang ng sumunod si mama kay papa, alam mo na gusto ko rin maransan ang mag isa,
"........"
Habang nanunuod ako ng T.V may kumatatok sa pinto, parang nagmamadali siya anu kayang problema niya, ng naglalakad ako napalingon ako sa baba ng bintana napansin kong may ... "huwaaaat ! bakit may underwear dito" kinuha ko ito , "hmm mukang pambabae to ah" teka panu nga ba napunta to dito,
"Eto na wait lang bubuksan ko na!" sigaw ko, ng binuksan ko ang pinto medyo na shock ako at napahigpit ang hawak ko sa underwear na napulot ko, alam mo kung bakit? isang maputing babae ang nakita ko, tingen ko same age kami, matangkad siya para sa isang babae, 5,7 siguro, mahaba ang buhok, mapungay ang mata, at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang pink na t-shirt at short na hindi lalagpas sa tuhod,
"...A.a, bakit miss?" sabi ko sa kanya, hindi siya nag salita at napantingen siya sa hawak kong underwear , napatingen din ako sa hawak kong underwear at agad kong tinago ito sa likod ko . .
"Pede ko bang makuha yang hawak mo?" mahinahon na sabi niya sakin, pero tingen ko medyo nahihiya siya. Hindi kagad ako nakapag salita medyo na tatakot kasi ako feeling ko kasi yung titig niya sakin alam mona ..
"Hoy pede ko bang makuha yang underwear ko!!" inagaw niya sakin ito at binigay ko naman
"tsss! d ko akalain na ganito ang magging kapit bahay ko" sabi niya sakin, tumalikod kagad siya at umalis,
"Ha! ako pa?! eh ikaw nga tong nagpasok niyan sa kwarto ko" bulong ko, pero d ko akalain na naring niya pala yun,
"Ano!!?" sabi niya sakin habang papasok na sana siya sa kwarto niya, "Hmmmf!!" kala mo naman pogi ka!" pahabol niya bago siya tuluyang pumasok,
Pumasok narin ako sa kwarto ko pag pasok niya , tss mukang hindi maganda ang first impression ko sa kanya, balak ko sana e maging mabait na kapit bahay, or tanungin muna ang pangalan niya pero tsss haaay... !! ay oo nga pala monday na bukas at may pasok na, 1st year high school palang ako inabot na kasi ako ng bagong program sa school, haay medyo mahaba habang taon pa bago ko maka pag tapos..
KINABUKASAN...
".........."
11:00AM na pala kailangan ko ng mag madali,napatingen ako sa katabi kong kwarto "hmmm mukang wala siya ngayun ah" ,pero 12PM pa talaga ang pasok ko 15mins ko rin nilalakad ang school medyo malapit lang kasi dito samin,
BINABASA MO ANG
My Teenage Unexpected Girlfriend
Teen FictionThis story revolves around Pitt Jericho a 1st year high school student who's the only one live in apartment near there school and aspires to pursue a normal career after graduate.Then he meet Mea Eve a good looking with black long hair girl who move...