Finally nakarating din kami sa park matapos ang halos 1hour na byahe.
"Wow! Ang ganda naman dito" sabi ni Jenn habang hinahatak hatak ang parte ng damit ni kyle at tingen ko amazed na amazed siya
"Hehehe ako pa! dadalhin ko ba kayu sa pangit na lugar!" pag mamalaki ni kyle saamin habang naka cross hand
Nang tignan ko si Mea napansin ko na pinagmamasdan niya ang paligid at napatingen siya sakin, ngumiti naman siya, kaya ngumiti din ako sa kanya
"Pitt, ang ganda dito no, gusto ko sanang sumakay dun " sabi ni Mea habang tinuturo niya yung roller coaster,
ngumiti lang ako at di ko siya sinagot, iniisip ko palang kasi na sumakay dun nasusuka na ako takot kasi ako sa matataas na lugar, tumingin ako sa paligid, madaming ngang rides, madaming mabibiling pagkain, madaming tao, at sakto lang ang panahon,
"tara na guys alam ko na ang unang sasakyan ntin dun tayu sa roller coaster" sabi ni kyle
"A-a kayu muna bibili lang ako ng makakain nagugutom na kasi ako" sabi ni Jenn habang dahandahan pupuntan sa tindahan.
"bakit Jenn natatakot kaba?" tanung ni kyle, at wala akong tiwala sa ngiti niya,
"A-a ako? hmmf bakit ako matatakot!, ok challenge accepted!" sabi ni jenn habang pa tango tango pa, hmm tingen ko parehas kami ni jenn na hindi makakatagal dito
"Ok sige, dito muna kami ni Mea at sumakay na kayung dalawa diba Mea?" sabi ko
"Ha? sasakay din tayu muka kasing masaya!" yaya ni Mea, at hinatak na niya ako papuntang roller coaster, haaaay kaya ko to feeling ko ito na ang pinaka malaking pag subok sa buhay ko
"....."
Ng naka sakay na kami sa roller coaster, tumingin ako sa likod at nandun sila jenn at kyle napansin ko na nakapikit lang si jenn at todo kapit sa hawakan, habang si kyle naman eh tuwang tuwa, ng umandar na ito tumingin ako kay Mea at hinawakan niya ang kamay ko at simugaw siya
"Waaaaa ang saya !! diba pitt!!!" malakas na sigaw niya pero hindi ko masyado marinig dahil sa sigaw ng iba
"Oo nga !!" sigaw ko, at inangat ko ang kamay namin, di ko mapigilan ang saya, feeling ko nasa ulap ako hindi naman pala ganung nakakatakot ito!!!!
"....."
Ng natapos ang ride namin sa roller coaster naghanap kagad ako ng uupuan, at parang ganun din si jenn, umupo kagad kaming dalawa, haaay hindi nga ako natakot pero bumaliktad parin ang sikmura ko,
"Hehehe Ano Pitt kaya mo paba? tanung ni jenn, feeling ko fake lang yung ngiti niya at mukang siya ang mas hindi ok saamin, namumutla na kasi siya
"Tingen ko kailangan ko ng maiinom" sabi ko habang humihinga ng malalim
"HAHAHAHAHAHAHA! anu suko naba kayung dalawa nag uumpisa palang tayu!" sabi ni kyle, nasa likod naman niya si Mea na parang wala lang sa kanya yung pag sakay namin sa roller coaster,
"A-ano! kayang kaya ko pa ewan ko lang tong si pitt!" sabi ni Jenn na biglang tumayo sa pagkakaupo
"HAHAHAHA ok dun naman tayu sa hunted house" sabi ni kyle, lumapit naman sakin si Mea
"Pitt, tara mukang masaya dun," sabi ni Mea habang hinahagod ang likod ko, haay mukang lahat ata sa babaeng to masaya, hunted house mukang masaya daw, hindi ata siya yung tipong kakapit sayo pag natatakot na, wala naman akong nagawa at pumasok na nga kami sa hunted house
"Wow mukang nakakatakot dito ah" sabi ni kyle habang nakahawak sa ulo ni jenn at wala parin akong tiwala sa ngiti niya,
"bitiwan mo nga ko! tara at pumasok na tayo" sabi ni jenn
BINABASA MO ANG
My Teenage Unexpected Girlfriend
Genç KurguThis story revolves around Pitt Jericho a 1st year high school student who's the only one live in apartment near there school and aspires to pursue a normal career after graduate.Then he meet Mea Eve a good looking with black long hair girl who move...