Habang naglalakad kami papasok ng school. may napansin akong lalaking studyante na naka tago sa poste at pasilip-silip sa dereksyon namin pero hindi ko nalang iyon pinansin.
"Uhm Pitt may problema ba?" tanong ni Mea
"ha?.... hahahaha wala"
napansin ata ni Mea na palingon lingon parin ako sa paligid
"ate Mea parang ang sarap mag icecream ngayun noh?" sabi ni Aycah at mukang nagpaparinig ata sakin
"O siya tara mag icecream!" sabi ko
"Tehehe! kala ko di mo maaalala yung icecream ko ehhh!"
"haaay ikaw talaga Aycah!" sabi ni Mea sabay pingot sa kaliwang tenga ni Aycah
"Aray ! aray ! , siya naman nag sabi ihhh hmmmmf!" angal ni Aycah habang naka pout
"hahahaha! ayos lang Mea may extra money pa naman ako" sabi ko habang nakatingen sa laman ng wallet ko. pero sa totoo lang parang kakapusin na ata ako
"sige hintayin mo nalang ako dito Aycah ako nalang ang bibili"
"Pitt sabay mo na nga rin ako" habol ni Ysa.
Tumawid na nga ako para bumili ng icecream sa kabiling kalsada.
"kuya chocolate at mango icecream nga po"
habang kinukuha ng tindero ang binibili ko. tumingin tingen muna ko sa paligid . "hmmm mukang inaantok lang ata talaga ako. sino naman ang magtyatyagang sumunod sunod saamin"
"ahh. boy ito na yung icecream mo?" sabi ng tindero hindi ko napansin na inaabot napala niya sakin yon.
"A-a pasensya na kuya haha" sabi ko sabay kuha ng icecream.
"....."
"kuya ang tagal mo naman!" sermon ni Aycah
"haha sorry Aycah ah, ang dami kasing bumibili"
"O siya maglakad na tayo anong oras na rin at baka malate pa tayong lahat" sabi ni Ysa
"......."
MEANWHILE . . . . .
"anong balita?" sabi ni Jude sa lalaking kausap nya
"Ito papasok na sila sa school nyo,kuya di ko na sila masusundan alam mo naman iba ang pinapasukan ko" paliwanag ng lalaking kausap ni Jude
"wala ba silang kinikilos na kakaiba?
"wala naman . . . hmmm kuya type na type mo talaga siya ano? pero ang tanong kuya gusto ka rin ba nya?" pabirong sabi nito
"wag ka na ngang maraming tanong at gawin mo nalang pinapagawa ko!"
"Teka kuya bakit kailangan ko ba silang sundan ?"
"kuya ...? kuyaa! haaay binabaan pako! bahala na nga mukang hindi narin naman ako makakapasok ngayun" sigaw nito
"....."
Natapos na nga ang ibang subject at nag break time muna kami. bumaba naman ako para bumili ng makakain nakalimutan ko kasing magbaon.
"Pitt! , Pitt !" sigaw ni Mina na naka upo sa upuan malapit sa isang malaking puno.
"O Mina bakit?"
"ito oh, hati tayo di ko kasi ito maubos hehe" sabi ni Mina at alok ng junkfood na hawak nya.
Tumabi naman ako sa kanya mukang masarap din kasing tumambay sa kinaka-upuan niya
"bat dito ka kumakain Mina?"
BINABASA MO ANG
My Teenage Unexpected Girlfriend
Teen FictionThis story revolves around Pitt Jericho a 1st year high school student who's the only one live in apartment near there school and aspires to pursue a normal career after graduate.Then he meet Mea Eve a good looking with black long hair girl who move...