Good Morning

70 2 3
                                    

Haay monday nanaman , nang pumasok ako ng gate, di ko alam kung tama ba ang nakikita ko

"hmm si Aycah ba yun?"

lumapit ako para malaman ko . pero di ko na napansin kung nasaan na siya natakpan kasi siya ng ibang mga istudyante, bigla namang may tumakip sa mata ko tapos sabi nya

"hulaan mo kung sino ako?" napaisip ako pero narecognize ko naman yung boses kaya ang hula ko ay si Mina iyon,

"Mina alam kong ikaw yan kaya alisin mo na yang kamay mo" sabi ko habang naka poker face

"hahahah tara na sa room at baka ma late pa tayo!" sabi ni Mina

Pag pasok namin sa room dumating din kagad ang unang subject namin ang science mga 1 hour din siyang nagturo hindi naman nakakaboring dahil isa din ito sa mga paborito kong subject, ng matapos ang 1st subject napatingen ako kay Mea napansin kong pangiti ngiti siya. "Hmmm anu kayang nakakatawa at tumatawa tong si Mea".

"......"

Pag pasok nung pangalawang teacher napansin ko na may kasama siyang babae.. teka kilala ko to ah , napatingen ako kay Mea at lalong lumakas ang tawa niya, nung una eh akala ko bibisita lang si Aycah kay Mea, medyo napa poker face ako ng ipakilala siya ng teacher sa harap dahil nagtataka ako kung anung nangyayari.

"O sige Aycah ipakilala mo na ang sarili mo wag kang mahiya ah" sabi ng teacher at parang tuwang tuwa siya kay aycah, dahil pi-napat head pa siya ng teacher.

"Hi  mga ate at kuya! ako nga po pala si Micah Eve, tawagin nyo nalang po akong aycah simula sa araw na ito magiging new classmate nyo na ako!" , pakilala ni Aycah. charming din ang dating niya at tingen ko magiging ka close niya lahat ng classmate namin.

"Aycah dito kana sa tabi ko" sabi ng isang classmate namin

"Aycah dito ka nalang! " sabi pa ng isa

Pero dumare-daretso lang si Aycah palapit kay Mea at pinakiusapan niya yung lalaking naka upo sa harap ni Mea, pumayag naman ito na lumipat,

"Oh bat naka tingen ka hmmf!" sabi ni Aycah

"Wala wala, Ilang taon ka naba talaga?!" tanung ko,

"HAHAHAHA! don't worry pitt papaliwanag ko sayu mamaya" sabi ni Mea

"Ate hayaan mo siya! " sabi ni Aycah habang naka Pout

"Haaaay. masyado kayong mahiwaga yung mga classmate naman natin parang walang paki-alam or di talaga nila napapansin" sabi ko

"....."

Natapos ang klase ng wala man lang nag tanong na classmate namin kung anu ang edad ni Aycah mukang nalason na ata ang mga utak nila ng charm ni Aycah,

"Pitt may kasabay kaba umuwi?" tanung ni Mina

"Ah ako wala," sagot ko, hanggang ngayon kasi,  di na sumasabay si Mea saakin sa pag uwi at pag pasok.

"A-ah ganun ba sabay na tayo Pitt"

"Sure ! "

Habang naglalakad kami, naabutan namin sila Mea at Aycah sa daan at parang inaalalayan ni Mea si Aycah, kaya lumapit ako at tinanung kung bakit at anung ng yari.

"Mea may problema ba?"

"Aycah ayos kalang?" tanung ni Mina

"Panu kasi itong si Aycah kakatakbo natapilok" sabi ni Mea

"Huhuhu Ate ang sakit ng paa ko!" sabi ni Aycah, at umupo sa gilid

"Aycah gusto mo pasan ka muna sakin?" alok ko

My Teenage Unexpected GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon