"The meeting room is ready, Ate Aly." sambit ni Fria sa akin, ngumiti ako habang inayos ko yung folder na naglalaman ng mga files na kailangan naming matapos ngayon.Napahinto ako sa pag-aayos nang bigla kong makita ang paglipad ng isang papel sa may sahig, nanlaki ang mata ko nang makita ko ang sketch na ginawa ni Ae noon. Dali-dali kong pinulot yung nahulog na sketch dahil baka makita ni Fria, magtanong pa 'yon.
"kumpleto ba tayo?" bago ako pumasok ng meeting room, pagpasok na pagpasok ko palang naghiyawan na agad sila. Halos 11 na katao kami ngayon rito sa loob ng meeting room, kasama na d'yan si Ma'am Sandra na masayang nanunuod sa kanila sa gilid. Ang onti namin diba?
Tinignan ko silang lahat na hindi mawala pa din ang ngiti sa kanilang mga mukha.
"Ang saya natin ha" sambit ko sa kanila habang nakangiti
"Ate Aly, sino bang hindi matutuwa, sabi mo ililibre mo kami." Sagot ni Ace, ang aming Treasurer, natawa rin ako sa sinagot nila.
"Sino nagsabi na libre ko?" Pabiro kong sagot sa kanila habang inisa isa ko ang tingin sa kanila. Dahan dahan kong inilapag ang mga files na hawak ko at miski ang MacBook ko na kasalukuyan kong binubuksan habang inaantay ko ang pag-aayos ni Enzo ng Projector ay pinasadahan ko ng tingin ang mga nasa loob ng meeting room.
Isang itim na mahabang meeting table at white board ang makikita sa loob ng meeting room ng SC officers. 7 seater on both sides, para maaccomodate talaga ang lahat ng officers at kung may guest man. Lahat sila ay nasa kanilang pwesto simula nung unang meeting day namin. Kasalukuyan akong nakaharap sa kanila at nasa likod ko ang white board, ang mga nasa kanang bahagi ko ngayon na ay ang upuan ni Fria, kasunod ay ang assistant secretary nitong si Enzo, sunod naman ay ang treasurer na si Ace, ang tapos magkakasunod na ang tatlong representative ng 1st to 3rd year, na sina Hera, Althea at Joaquin at ang isang bakanteng upuan na nasa may gilid ko lang ay ang aking upuan.
Ang opposite ng kinauupuan ni Fria ay para sa Auditor na si Francine na katabi ang boyfriend nitong si Quer na aming 4th Representative, yung natirang dalawang dalawang upuan sa dulo ay para sa mga guest at ang madalas na bakanteng upuan noon ay may laman na ngayon, ito naman ay opposite ng aking upuan, ito ang upuan ng vice president. Napangiti ako nang makita kong hindi na bakante ang upuan na iyon.
Ito na siguro si Avrroy, ang aming dating MIA Vice President.
"I'm glad nakarating ka." ngumiti ako sa kanya, at bakas sa mata nito ang pagkagulat sa ginawa at sinabe ko.
Palaisipan pa rin talaga sa akin kung paano siya binoto ng SCH population, madalas raw siyang wala sa campaign period miski sa Meeting de Avance na ginanap noon last day namin para mangampanya. May naririnig akong mga sabi sabi na na-injure raw ito noong summer sa dahil sa hiking na nangyare nung nag trekking sila kasama raw ng kuya niya at nung campaign period daw ay hindi ito nakakadalo dahil sa basketball practice nila. Oo nga pala, hindi ko nasabi sa inyo na itong si Avrroy ay kasama sa Basketball Team ng SCH.
"Okay, Let's start now our meeting." pagbaling ko ng atensyon ko sa mga kasama ko at opisyal nang sinimulan ang meeting na finally kumpleto na kami!
Tumagal ng 2 hours ang meeting namin which focuses on the discussion para sa upcoming Nutrition Month. Nagdecide kaming paghaluin ang ibang ideas ni Fria, which by the way was soooo good! Naimpress talaga ako sa gawa niya and ang huling pinagusapan namin ay ang pagfinalize ng committee na mag-aasikaso para sa Nutrition Month.
Since ako raw ang president, automatically ako na ang program head ng Nutrition Month. Si Avrroy naman ang na-assign sa Stage Committee na bahala para sa design and props ng stage at ang naassign sa pag-asikaso ng mga giveaways sa mga students ay si Fria.

BINABASA MO ANG
The Good Girl's Project
Teen FictionProject, ito ang tingin ni Alyzea sa lahat ng lalakeng mapapaikot niya sa palad niya. Ngunit paano kung biglang isang araw ang inaakala niyang project ay maging totohanan na pala?