"So, kamusta ka Zandrine?" bungad ni Ginny habang naglalakad ito papasok ng classroom namin, nakatawa pa ang bruha. Sinasabi ko na nga bang mang-aasar na naman 'to dapat talaga hindi ko na talaga kinuwento.
"Ano na namang ginagawa mo Ginny?" nakabusangot na tingin ko sa kanya. Sabay natawa na naman ito at hinampas pa ako.
"Aray ha! Ikaw na nga tong nangaasar ikaw pa mananakit, my gosh ha." sagot ko habang hinihimas yung braso kong hinampas niya, mabuti sana kung ang gaan ng kamay e hindi naman.
"So kamusta ka nga kasi, epal nito nagtatanong ako." sagot nito habang umupo sa tabi ko, hinatak pa nga niya yung monoblock chair ng katabi ko at tumabi talaga sa gilid ko.
"Anong kamusta ba gusto mo?" agad kong sagot, di ko maintindihan ano bang kamusta ang gusto nito.
"Kung kamusta na ako, ito nangangarag na malapit—" naputol kong sabi dahil bigla siyang nagsalita.
"Tange! Di yan gaga! Yung inyo ni Dominick" napaawang ang bibig ko sa tinuran niya.
"Gago, walang kami" natatawang sagot sa kanya. Duh, wala naman talaga. Naging "gentleman" slash mapilit lang talaga kahapon dahil wala atang ginawa 'yon kahapon kundi pilitin akong sumakay sa kotse at kumain ng binili niyang pagkain. May pagbuhat pa siyang kemerut.
"Andito na pala si Zandrine!" sigaw naman ni Aerielle habang papasok rin siya ng classroom at ginawa din niya ang ginawa ni Ginny kanina dahil dali-dali niyang kinuha ang upuan sa kabilang gilid ko at tumabi sa akin.
"Wow thanks talaga guys, the best kayo." sarkastikong sabi ko sa kanila bago ko sila inirapan dalawa at siyempre tinawanan na naman nila ako. my gahd.
"Bakit ka ba kasi tinatawag na Zandrine n'on? Kami nga 'tong ilang taon mo ng kaibigan di ka namin matawag sa Zandrine" ngumiti si Ginny sa akin na alam mong may iba pang pinapahiwatig.
"Hindi ko naman siya pinayagan" sagot ko at di maiwasan na ngumuso, natawa namang muli ang dalawa kong kaibigan.
Hindi ko naman siya pinayagan talaga, nagpumilit at nagfeeling yang asungot na yan na tawagin ako e.
"Alam mo girl, ang misteryoso din niyang si Avrroy, in fairness." biglang sabi ni Aerielle, napatingin tuloy ako sa kanya, well may punto naman siya. Madaming hiwaga talaga yung bumabalot d'yan sa lalake na 'yan.
Una, nanalo siya as Vice president ng SC nang hindi umaattend ng kampanya man lang.
Pangalawa, yung ilang taon na ako dito ni minsan hindi ko man lang narinig ang pangalan niya o kung sino man siya.
Pangatlo, bakit gustong gusto niya akong tinatawag na Zandrine!!! Nakakairita pa din, wala pang tumatawag sa akin na Zandrine kahit mga magulang at kapatid ko di ako tinatawag na Zandrine.
Panglima—
"Good morning, St. Lander." napabalikwas ako ng lingon bigla sa harap nang marinig ko ang maligayang bati ng aming class adviser na si Ma'am Guevarra. Di ko maiwasan mapalingon sa dalawang babae sa tabi ko kanina at nakitang nakabalik na pala sila sa sarili nilang upuan.
"Good morning, Ma'am!" bati naming lahat pabalik sa kanya, ngumiti ito na tila ba excited o talaga bang masaya siya, masayahin naman talaga si Ma'am Guevarra ngunit iba ang saya nito ngayon.
"Lahat ba kayo ay nakapagreview?" panimulang tanong nito sa amin na siyang naging dahilan ng pagsinghanap ng lahat, mayroon na namang inihandang surprise quiz si Ma'am, ang subject niya.... Calculus.
May all of our grades rest in peace...
******
Lunch Time. Laking papasalamat kong kumain na ako kaninang recess dahil bukod sa jam-packed na naman ang canteen ay may kailangan pa akong ipaskil sa bulletin board para sa mga event na maaring salihan sa araw ng celebration ng Nutrition Month.
BINABASA MO ANG
The Good Girl's Project
Teen FictionProject, ito ang tingin ni Alyzea sa lahat ng lalakeng mapapaikot niya sa palad niya. Ngunit paano kung biglang isang araw ang inaakala niyang project ay maging totohanan na pala?