The one with the phone call

39 2 3
                                    


To: Kuya Al

Kuya, I'll be heading first. I'll take an uber nalang. Please don't tell dad, I really need to go to school this early and I don't want to wake you up.



I hit the send button as I hop inside the uber driver's car. I am currently riding a Blue Hyundai Eon, ngumiti naman yung driver at binati ako ng good morning, I forced myself to greet him back, ayoko ng kahit anong issue na pangit ang ugali ko.

Minutes later, nakarating na rin ako sa Shinrin, nagbayad na ako sa driver at naglakad patungo sa SC office.

I have so much to do this day. We need to come up with a concrete plan for the upcoming Nutrition Month program ng school this July. My team are still contemplating if we should follow the old program style or mag dagdag kami ng new programs, like a cooking contest for 3rd years and 4th years.

The next one on the list na pinoproblema ko was the ever consistent MIA Vice President, hindi ko alam kung papaano talaga nanalo 'to. I mean ever since campaign period, never ko siyang nakita tapos nanalo pa siya. That's really weird. Feeling ko because of connections, kaya siya nanalo.

All I know was his name, lagi kasing nakalagay sa mga documents na kailangan naming pirmahan, My name first dahil nga president ako and below my name was his na.

Avrroy Dominick Tuazon

Napailing na lang ako bago ko inilabas yung laptop ko at gumawa na ng plan para ipropose mamaya habang SC meeting.

"Ate Aly, Good morning!" bati sa akin ni Fria. Ang student council secretary. Isa din kasi siya sa maagang pumasok para magkatulong dito sa SC office. Ngumiti ako sa kanya bago ko siya binati pabalik. Nagtungo na siya sa table niya at inilabas na din niya ang laptop niya.

"Are you done with your plan?" Tanong ko sa kanya at ngumiti ito sa akin bago tumango. Since wala pa nga itong si Avrroy, si Fria ang pansamantalang gumagawa ng task nitong MIA kong VP.

"Yes ate! Natapos ko na po." sagot niya habang iniharap niya sa akin ang kanyang laptop. Nice! Naimpress naman ako.

"Okay, that's great! Good Job, Fria." ngumiti ako sa kanya bago ko sinara ang laptop ko. I'm done with the presentation na rin at kailangan ko ng lumabas para kumain ng breakfast. Sobrang aga kong umalis ng bahay nalimutan ko ng kumain ng breakfast.

Palabas na ako ng SC office ng bilang nag vibrate ang phone ko.


From: Kuya Al

May magagawa pa ba ako? Nakaalis ka na. Don't do it next time. Ako malalagot kay Dad niyan e.


Magrereply na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Ms. Del Fuego? Can you come inside my office? I need to discuss with you about this important matter." it was our principal Ms. Dominguez. Ang aga naman pumasok nito, medyo nagulat pa ako sa biglang pagsalita niya.

"Alright po." tumango ako at sumunod sa kanya papasok ng office niya.

"Have a seat, Ms. Del Fuego." tumango akong muli at naupo sa upuan malapit sa table niya.

"Alright, so how was it going with the Nutrition Month program?" panimulang tanong niya bago siya umupo sa kanyang swivel chair.

"We're finalizing for the plan and by tomorrow's meeting hoping na maipasa na po yung program proposal po." ngumiti ako sa kanya at tumango naman ito.

"Alright, Good job. I'll be waiting for that program proposal." sabi niya while she's tapping her fingers on the table.

"I need to ask you a favor, Ms. Del Fuego." she added.

The Good Girl's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon