The one with the slushy

63 1 5
                                    



"HOLY SHIT" sigaw ni Aerielle habang naglalakad papalapit sa amin, hawak hawak ang kanyang baso na ice shaved gulaman flavored, my god, best seller 'yan sa canteen dito sa amin sa school.

"So, kailangan sumigaw beshy?" Sambit ni Ginny sa kanya, nagulat kasi kaming dalawa sa biglang pagsigaw nito, mabuti nalang tatlo lang kaming tao rito sa Student Council Office.

"Sorry na, It's all over the place na kasi, that thing with you and Geo kanina." Direktang tingin ni Ae sa akin at mahinahon ng sabi ni Aerielle habang umupo siya sa tabi ko.

Nandito kami sa Meeting Room ng SC office, dito kasi kami madalas kumain tuwing monday, lagi kasing jampacked ang canteen every monday, i don't know why. Ang weird diba?

"So kalat na pala, ang bilis ng balita ha?" sabi ko after I took a sip on Aerielle's drink. Sarap talaga ng freebie na food!

"Edi totoo palang nakipagbreak ka na kay Geo?" sagot ni Ginny pagkatapos kong ipasa sa kanya yung baso ng gulaman ni Ae, she took a sip din bago na niya binalik kay Ae. Well, ganyan kami walang laway conscious sa aming tatlo kahit na ubod ng arte 'yang dalawang 'yan.

"Yup, nakipagbreak na 'ko." Tipid kong sagot habang nagbubukas ng mga folders na kinakailangan ng pirma ko para sa mga upcoming events ng student council. Nakita kong napangisi si Ae sa sinabe ko bago siya nakipag apir kay Ginny.

"Tama na naman ako, sabi sa'yo one month lang itatagal nitong si Geo kay Zea tska max na 'yon!" natatawang sabi ni Ae, pinagpustahan na naman pala nila ako. Lagi silang ganyan everytime na magkakaroon ako ng boyfriend tataningan na nila kung hanggang kailan kami tatagal.

"Gags, akala ko nga 2 months since mukha silang seryoso at nakapagcelebrate pa sila ng Monthsary tska beshy! pinupuntahan pa 'tong si Zea sa bahay nila ni Geo." Pagsasaad ni Ginny.

"Pero aminin niyo, so far sa pitong projects nito ni Alyzea, si Geo San Gabriel na ang pinakamatagal." wow napaisip ako d'on sa sinabe ni Aerielle. Oo nga naman most of them lasted for 2 to 3 weeks lang, itong si Geo lang ang umabot ng one month and 4 days, kaka monthsary nga lang namin bago magpasukan e.

"Alam niyo, wag niyo na ngang pakielaman lovelife ko, kayong dalawa maghanap nalang kaya kayo ng inyo nang di niyo nakikita yung love life ko." may bahid ng pagkainis kong sabi sa kanila habang nakasandal ako sa swivel chair ko.

"As if meron ako." sabay nilang sagot sa sinabe ko.

"As if namang bumalik siya." dagdag ni Ginny.

"Tska as if naman kasing interesting ng lovelife mo 'yung lovelife namin— well bukod kay Ginny, waiting game 'yan kay Paolo e." Nakatikim tuloy ng isang malutong na hampas si Ae mula kay Ginny.

"Ouch! What was that for!?" sigaw ni Ae habang minamasahe yung hampas ni Ginny. Ayan kasi, nalimutan niyang bawal na bawal sabihin ang pangalan na 'yon.

"That asshole's name is forbidden remember?" sambit ni Ginny habang inirapan si Aerielle.

"Alright! Sorry, nalimutan ko, but going back, diba Ginny mas nakakaexcite 'yung lovelife nitong bestfriend natin?" tumango naman si Ginny bilang tugon at nag-apir muli ang dalawa.


Kailan ba titigil 'tong dalawang 'to. ugh.

Bakit ko ba kaibigan 'tong dalawang 'to

Kung di ko lang mahal 'tong dalawa na 'to iniwan ko na 'to e.


"Tska alam mo ba Zea, nakakapagtaka talaga bakit project pa din ang tingin mo sa kanila, lalong lalo na kay Geo. I mean, OH MY GOD THAT'S GEO MATTHEW SAN GABRIEL, the hottest basketball player tapos ginawa mo lang siyang laruan" bulalas ni Ae, nakakunot ang noo nito at napapailing pa habang sinasabi ito.

The Good Girl's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon