Chapter 2

12.3K 261 21
                                        

❤️Keila❤️


Kei's POV

Hanggang ngayon gulong gulo pa rin ang isip ko sa mga nangyari...


Bakit nagawa ni Lexi sa akin yon? anong nagawa ko? Anong mali sa akin? Lahat naman ginawa ko.... Hindi pa ba ako sapat sa kanya. Hindi na ba niya ako mahal kaya ganun kadali nalang na nahulog siya sa tukso!?

Napakaraming tanong ang nasa isipan ko... pero wala akong lakas ng loob itanong lahat sa kanya dahil natatakot ako sa posibleng isagot niya.

Kaya hanggat kaya ko siyang iwasan, ginagawa ko..

fuck! Pero, ganun ganun nalang ba yon? 2years yun, 2 years ng buhay ko ang sinayang ko sa kanya.


Beep! Beep!

Shucks! Ano ba tong nangyayari sa akin... kanina pa ko nadidisgrasaya dahil kay Lexi!


"Tsk! Ms. magpapakamatay ka ba?Wag mo naman akong idamay" sabi nitong may ari ng motor.

"Look, im so sorry, its just.." Humarap ako dito.

Parehas kaming natigilan..


My Gosh, siya nanaman... nakakahiya na..

Itinabi nito ang motor at tinanggal ang kanyang helmet



"So.... it's you again." sabi nito sabay smirk.

"Yeah.... it's me again... look, im really sorry," sabi ko dito.


"Puros ka nalang sorry, paano kung nadisgrasaya ka ng tuluyan may magagawa ba yang sorry mo?" nakacross arm pang sabi nito.


Hindi ako makapagsalita dahil alam ko namang kasalanan ko.

"Look Ms. If may pinagdadaanan ka man... ok lang yan, lilipas din yan.. pero wag mo naman kalimutan ingatan yun sarili mo." sabi nito at sumakay na ng motor at nagsuot ng helmet. "Cge, ingat ka!" at umalis na ito.


Nakaalis na ito pero nakatingin pa rin ako sa direksyon na dinaanan nito.

Para akong biglang natauhan sa sinabi niya...


Tama nga siya, sa ngayon nasasaktan pa ko, pero lilipas din ito.... tama... lilipas din... pero hindi ko nga lang alam kung kailan.

********

Paguwi ko sa bahay ay nakita kong nagiimpake sila Tita Lena at mga pinsan kong sina ate Liza at si Tanya..... ang babaeng kontrabida sa buhay ko mula pa ng makipisan ako sa kanila nang mamatay ang tatay ko sa isang car accident sa Saudi, driver kasi ang tatay ko doon, 2 taon palang ang nakalipas.


Wala naman akong alam tungkol sa nanay ko, dahil bata palang daw ako ng maghiwalay ito at ang tatay ko, wala na rin silang balita kung nasaan na ito... 20 years na rin naman ang nakalipas... dahil 20 years. old na ko ngayon.

Ako nga pala si Keila Mariz Salcedo... or Kei, Varsity player ako ng volleyball sa aming university kaya wala akong problema sa pagaaral ko, may naiwan din malaking pera ang tatay ko kay Tita Lena na siyang pinangtutustos sa iba kong pangangailangan.


Mabait ang Tita Lena at ang Tito Pilo pati ang ate Liza, ewan ko na nga lang kung saan nagmana si Tanya.

"Oh, Kei, nandiyan ka na pala, magimpake ka na at lilipat tayo ngayon doon sa bahay ng tiya Nene ko, aalis na kasi siya papuntang Amerika, sayang naman ang bahay niya kung walang titira atsaka ako kasi ang mangangasiwa na ng mga apartment niya doon." mahabang litanya nito.

Accidentally Yours ❤️(GxG) ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon