Chapter 3

10K 252 6
                                    

❤️Girlfriend❤️

Joey's POV

Hanggang 9:30 lang ako ngayon sa coffee shop kaya maaga na sa akin itong 10pm na uwi..


Malayo palang ay napansin ko na yung naglilipat kina Nanay Nene. Nabanggit na niya sa amin nung kailan na aalis na nga daw siya papuntang America.


Binuksan ko ang gate at ipinasok yung motor.Nagtanggal na rin ako ng helemt bago ko isara yung gate.


Nang isasara ko na ito, isang pamilyar na mukha ang nakita kong nakatingin sa akin..

Huh? Namamalikmata ba ako o siya talaga to?


Tinapik tapik ko pa ang pisngi ko. Grabe naman kasi, siya nanaman!


Para makasiguro ay lumabas ako para lapitan ito...


Parang nagulat naman iyo ng makitang palapit ako sa kanya.


"Ikaw nga!" sabi ko.


"Ha? Ah... eh.. oo nga, ako nga....ako ulit." medyo nahihiyang sabi nito.


"Sorry, akala ko kasi namamalikmata lang ako na ikaw ulit yun nakita ko." sabi ko dito.


"ah... ganun ba, kaya pala tinapik tapik mo pa yung pisngi mo, totoo ako, hindi mumu.. " sabi nito at nginitian ako.

Saglit akong natigilan..... maganda pala ito kapag nakangiti.

Wait, Napansin ko talaga yun?

Ok mukha na kong tanga.

"Kayo pala yung bagong lipat diyan kina Nanay Nene?" sabi ko nalang sabay iwas ng tingin, dahil medyo natagalan ako sa pagtitig dito.


"Oo, Tita siya ng Tita Lena ko." tipid na sagot nito.


"Ah, ok... oo nga pala, dahil magkapitbahay na tayo, ako nga pala si Joey" Pakilala ko dito, sabay lahad ng kamay.


"Keila" nakangiting sabi nito at inabot ang kamay ko.


Huh? Ano yun? Bakit para akong nakuryente?

Binitawan ko ang kamay nito at nagpaalam na....

"Sige Keila, see you when I see you.. hahaha!" biro ko dito.

"Cge Joey, nice meeting you.. for the nth time." sabi nito at sabay pa kaming natawa.

Pagkapasok ko sa bahay... napaisip ako...

Bakit parang ang saya ko pa?Eh mula pa kanina puros disgrasya nalang ang inabot ko sa kanya? Bakit parang ang gaan pa ng loob ko sa kanya? Ang weird ha!?

"Nandiyan ka na pala!" si Rina, pababa sa hagdan.

"Kakadating lang, nakaalis na pala sila Nanay Nene." sabi ko dito.

"Oo, kanina din, pano mo nalaman? Kain tayo" sabi nito at naghain.

Isa ito sa mga. minahal ko kay Rina, sobrang maasikaso siya.

"Nakita ko kasi na may naglilipat na sa bahay niya." at tinulungan ko itong maghain. " Bakit di ka pa kumain kanina para nakapagpahinga ka na." sabi ko dito.

" eh, alam mo naman na mas gusto ko kasabay ka diba?" at yumapos pa ito sa aking braso.

Juicecolored, bakit ba napaka clingy nitong babae na toh.


Accidentally Yours ❤️(GxG) ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon