❤️ 8 seconds ❤️
Joey's POV
Friday ngayon at wala akong pasok sa coffee shop, kaya naisipan kong tumambay muna dito sa school kasama sila Beks at ibang thesis group mates namin, para na rin pagusapan ang posibleng maging topic namin.
"Himala Joehayna, at natambay ka dito ngayon?" sabi ni Nicolas.
"Leche ka Kulas! isa pang tawag sa akin niyan, bugbog ka na talaga!" sabi ko dito.
"Ew! Kulas?! Pwede ba Beks, its Nicol." malanding sabi pa nito.
"Pwede rin ba Beks, its Joey!" at ginaya ko ang pagsasalita nito.
Kaya nagtawanan pati mga kasama namin.
"Joey, birthday ko tom. ha! Sama ka" yaya ni Ara, classmate ko na ito mula pa 2nd year at isang cheerleader.
"Saan ba and anong oras? May pasok kasi ako tom. eh." tanong ko dito.
" Sa Vbar, sa may BGC, gabi pa naman yun, may practice pa naman kami eh., kahit humabol ka lang." sabi nito. "Sama mo na rin si Rina if walang pasok."
Hmmm.. pwede, sana walang pasok si Rina...
"Ikaw ba Beks, pupunta ka ba?" tanong ko kay Nicolas.
"Nemen, nandun yata ang mga varsity noh! daming boylet, right Ara?!" sabi nito.
"True! basketball and volleyball varsities nandun siyempre." pagsangayon ni Ara.
"Oh my Gosh! Nandun si papa Philip!" tili ni Beks.
Binatukan ko nga ito... "Nyeta ka ang landi mo talaga!"
"Che! May sapi ka nanaman ng mga reyna ng mga amazona!" sabi nito at hinimas yung parteng binatukan ko.
"Kesa naman syo! Sinapian ng reyna ng kalandian!" sabi ko dito.
at nagtawanan na naman.
Ganito na kami nito kapag magkasama... laging nagaasaran.
Nang mapatingin ako sa may gawi ng gym, nakita kong palabas si Keila.
"Teka lang Beks ha!" paalam ko dito.
"San punta!?" tanong nito.
Hindi ko na ito pinansin at tumakbo na ko papunta kay Keila.
Nagulat pa ito ng makita ako...
"uy, Joey!" sabi nito.
"Hi!" bati ko dito.
Ngumiti naman ito. "San ang punta mo?" tanong sa akin nito.
"Hmmm... wala naman, nakita lang kita kaya nilapitan kita.. nakatambay kasi kami nung mga kagroupmates ko dun." at itinuro ko yung pwesto namin.
"Ah... akala ko may pupuntahan ka talaga eh." sabi nito.
"Ikaw? Wala ka bang klase?" tanong ko.
"Tapos na, ngpaalam lang ako kay coach na kukunin ko na yung mga gamit ko sa dorm." sabi nito.
" Ah... gusto mo tulungan na kita, wala namn akong trabaho ngayon eh." offer ko dito. Ewan ko ba bakit gusto ko siyang makasama.
BINABASA MO ANG
Accidentally Yours ❤️(GxG) ❤️
ChickLit"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." Sa buhay ng isang tao, kadalasan hindi natin kontrolado ang mga taong nakikilala natin, maari lamang limitahan kung sino ang papasukin mo...