❤️Joehayna❤️
Joey's POV
Kring! Kring!
Pupungas pungas kong pinatay ang alarm clock, at tinignan ito.
Nanlaki ang aking mata ng makita ko kung anong oras na..
"Putcha! alas 7 na!" sigaw ko sabay bangon at kumaripas ng takbo sa banyo.
Ako nga pala si Joehayna Dela Cruz or Joey for short, 22 years old, isa akong working student, kaya hanggang ngayon ay nagaaral pa rin ako, hindi kasi ako makapagfull load gawa ng trabaho ko bilang isang barista sa isang sikat na coffee shop.
Pangatlo ako sa aming anim na magkakapatid at kaisa isang babae... ay mali pala, dahil yung sumunod pala sa akin ay isang babae na nagtatago sa katawang lalake, hehehe...
Maaga kaming iniwan ng aming ama, kaya magisa kaming itinaguyod ng aming ina. Ng makatapos ng high school ang dalawa kong kuya, sumubok silang mangibang bansa at sinuwerte naman. Kaya natutulungan na nila si nanay at kaming magkakapatid.
Graduating na ako ngayong taon, Communication Major, nang mag 2nd yr ako mas pinili kong pagaralin na ang sarili ko para hindi na rin makabigat kina kuya, dahil yung dalawa ko pang kapatid ay pinagaaral din nila, pero sa probinsya lang namin, para may kasama pa rin ang nanay doon.
Simpleng tao lang naman ako, jeans, shirt at sneakers lang ok na ko. Hindi naman kasi ako yung pagirly type, siguro dahil na rin sa lumaki akong puros lalaki ang kasama.
Nagrerent ako ng apartment kasama ang bestfriend ko na si Rina na kasalukuyan din nagtatrabaho dito sa Manila bilang isang call center agent.
si Rina... ang mahal kong si Rina...
High school palang kami alam ko na na may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya... pero mas pinili ko nalang itago ito dahil sa takot na rin na baka hindi ako matanggap nito.
Oh, siya tama na sa pagpapakilala at malelate na ko sa klase. First day pa man din ngayon.
Gamit ang pinamana ng kuya ko na motor, mabilis akong nakarating sa university na pinapasukan ko.
Pero 5 mins. nalang malelate na ko, kaya lakad takbo ang ginawa ko.... Ng may makasalubong akong kumakaripas ng takbo, bago pa ako makaiwas ay huli na, nagkabanggaan na kami at parehas pa kaming napaupo.
"Takte naman oh!" sabi ko habang nakatingin dito... ang sakit kaya sa pwetan.
Tumayo agad ito at tinapunan lang ako ng tingin tapos nagmamadali ulit itong tumakbo...
"Wow! Nice! Sorry Miss ha!" sigaw ko dito at tumayo na habang pinapagpag ang pantalon.
Napansin ko na may humahabol dito na babae at tinawag siyang "Kei".
Tsk! May marathon ba ngayon? Di yata ako nainform.
Naiiling nalang akong nagmadali papunta sa klase ko.
Buti nalang at wala pang prof.
"Joehayna!"
ok, may tumawag sa akin! At tama bang buong pangalan pa? Kakairita ha!
Nilapitan ko ito...
"Leche ka Beks, ipagsigawan ba ang pangalan ko?" sabi ko dito sa baklang kaklase ko nanaman ngayong taon.. si Nicolas or Nicol daw sa gabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/127702262-288-k553788.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Yours ❤️(GxG) ❤️
ChickLit"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." Sa buhay ng isang tao, kadalasan hindi natin kontrolado ang mga taong nakikilala natin, maari lamang limitahan kung sino ang papasukin mo...