Chapter 1

942 32 0
                                    

//*****************************//

"Yham!!! Yham!!!! Yham!!!" Grabe naman makatili ang babaeng ito. Kahit nasa labas pa lang siya ng bahay umaabot dito sa kwarto ko ang boses niya. Mabuting takpan ko na naman ulit ng unan ang tenga ko. 

"Sir, nandito po si mam nadine" Kahit hindi na kumatok o sabihin ng mga maid namin dito sa bahay alam kong papasok at papasok si yhams sa kuwarto ko.

Biglang bumukas ang pintuan.

"Yham! Bilis bilis! magbihis ka!!!! Dalian mo!" Sino ba ang hindi magigising sa pag-alog ng babaeng ito.

"Inaantok pa ko..." Baka sakaling makalusot.com ^_^

Dinaganan niya ako bigla sa likod. "Aaaaaaaaaa~" napakabigat naman ni yham! "Ok! Ok! Tatayo na ako." Wala akong magawa kundi bumangon na lang. "Saan ba tayo pupunta at..... sobrang bihis na bihis ka"

"Kasi yham may taping daw si baby daniel ko diyan sa may malapit na cafe.... sige na please samahan mo na ako" Eto ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang tingnan niya ako sa mata at mag-baby face. Ang cute talaga ng yham ko. <3

"Oo na! Oo na! Baby... Baby... Ako na nga lang kasi ang Baby mo! Di ka naman napapansin niyang Daniel na yan." 

"Ikaw talaga ang hilig hilig mong magbiro" sabay hampas ng unan sa akin.

"Bakit di mo kasi ako seryosohin paminsan-minsan?" Tumalikod ako sa kanya. Pinilit kong sabihin ng mahina para hindi niya marinig.

"Naku! Nagtampo kaagad?" Niyakap niya ako mula sa likod at inihiga niya ang ulo sa likod ko. Bigla niyang pinisil ang bewang ko. (Malamang nakiliti ako)

"Aaaaa! Yhams!" Akala naman niya hindi ako gaganti. Hinawakan ko siya sa bewang at binuhat para makiliti siya. Ito ang pinaka ganti ko sa kanya palagi kapag kinikiliti niya ako. Inihiga ko siya sa kama at hindi tinigilang kilitiin.

"Yham naman ee! Tama na!" Halata kong nanghihina na si Nadine sa ginagawa ko sa kanya. Naiiyak na siya sa sobrang tawa.

"Ok.. Ok... You won again!" Kelan ba ako nanalo sa bestfriend slash kababata ko?

"Hindi mo naman ako matitiis yham." Geez! Her smile... Her Eyes... Her Face... I really can't resist.

"O sige magbibihis na ako." Hinubad ko ang t-shirt dahil maliligo na ako. Nakita ko siyang titig na titig sa akin. "Oh, ano di ka ba muna lalabas? O gusto mong titigan maghapon ang Abs ko?!"

"Kapal mo talaga yham." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Alam mo sawa na ko kakatingin diyan sa katawan mo"

"Wow huh?! Luge ka pa?!" Hindi naman sa pagmamayabang, maipagmamalaki ko naman ang katawan ko. Pinilit ko talagang i-maintain ang katawan ko  by regular exercise... nagbabaka sakali kasi akong baka sa ganitong paraan mapansin na ako ni yham.

"Charot! Sige na macho ka na! Ehem Ehem..." Sana mapansin mo talaga ako. "O siya bilisan mo huh! Hintayin kita sa baba."

"Tssssss..." Ngumiti lang siya sa akin at lumabas ng kwarto.

"Ay nga pala yham! Makikikain ako ng breakfast huh!" Lagi naman siyang kumakain dito sa bahay. Ano pa bang bago doon?

"Nagpaalam ka pa. Kumain ka lang ng kumain diyan. Magpataba ka...." Para walang magkagusto sa iyo... kundi ako lang <3

"Salamuch!" Bumaba na siya sa dining. Etong si yhams talaga... hindi ko matiis. Mahal na mahal ko kasi siya.... since birth ^_^.

Naligo na ako para pagbigyan ang kasiyahan ng bestfriend ko. Ang baby daw niyang si Daniel Padilla... </3

------------------------------------------------

"Yham! Bakit ang traffic!!" Nagmamaktol na si Nadine. Kanina pa kasi kami nasa daan. Pinagda-drive ko siya... as usual. Pero mas ok ng ako ang mag-drive. Kasi once ng nangyari na makabundol siya ng aso... para na siyang na-trauma. Iyak siya ng iyak for 1 week. Hindi ko siya mapatahan. Nung binilhan ko siya ng cd ni Daniel Padilla with matching signiture pa dun lang siya tumigil kakaiyak. 

"Malamang yung DJ mo ba naman ang nagtataping dyan sa kanto." medyo nakakabagot na din maghintay sa gitna ng traffic.

(3 words hard to say) Please be Mine = Forever [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon