Chapter 2.5: The last day of MTV shoot

466 21 0
                                    

//*****************************//

(Nadine's POV)

Yieeeeee!!! Natupad na din ang pangarap kong makaselfie ang baby Daniel ko! OH-EM-GEEEEEE! Kailangang makita ni yham ito! ^_^ Asan na ba siya? Kanina lang nakatayo siya sa gilid ng puno.

"Ate Cha! Nakita niyo po ba yung kasama ko?" Si ate cha ang isa sa assistant warddrobe ng production. "Yung extra na si James?"

"Aa! Nagbihis na siya kani-kanina lang. Eto nga yung damit niya." Hawak na nga niya ng damit na suot ni Yham kanina. 

"Alam niyo po ba kung saan siya nagpunta after?" 

"Hindi ko alam ee. Pero yung way niya ay parang papunta siya sa parking." Sa parking? Anong gagawin niya doon? Bakit hindi niya man lang ako hinintay? "Naku Nadine, magpatuyo ka na para makapagbihis ka na."

"Thank you Ate cha." 

"Walang anuman. Last day ng ng taping. Kahit 2 days lang tayo magkakasama.. nag-enjoy ako kausap ka." Siya kasi ang nag-aasikaso ng damit namin. Siya din ang nagreretouch ng make-up ko kapag nasa shoot. "Ai! Oo nga pala. Hinahanap ka ni Madam Joey."

"Salamat po talaga. Sige po mauna na po ako."

Nagpatuyo na ako ng buhok at nagbihis na ng damit. Hinanap ko na din si Madam  Joey.

"Madam Joey."

"Uy! Nadine, Kanina ko pa kayo hinahanap. Eto ang TF nyong dalawa." Iniabot sa akin ang dalawang sobre. "Salamat ng madami naku mas maganda pa palang kayo ang kinuha ko kasi tuwang tuwa si direk sa inyong dalawang extra."

"Salamat din po." Ngumiti ako. Akala ko kahapon masungit itong si Madam Joey... Mabait pala siya.

"Walang anuman. So, See you again next time... Sana makatrabaho ulit namin kayo." Kinamayan niya ako. "Lalo na yung kaibigan mo. Sabihin mo sa kanya willing akong i-manage siya kung balak niyang mag-artista. Napakalaki ng potential niya sa showbiz o sa modelling."

"Talaga po?! Sige po. Sasabihin ko po sa kanya. Maraming salamat po talaga." Nakakatuwa naman. May balak pa siyang kuning artista si Yham.

"Osya.. Osya... Mauuna na ako at may commitment pa ako sa ibang lugar. Salamat din."

Hindi na talaga bumalik sa location si Yham. Ano kayang problema niya? Baka iniwan niya na din ako. Natatakot pa naman akong magbyaheng mag-isa pa-uwi. Mukhang wala naman akong choice. Naglakad na ako papunta sa exit ng park.

"Kotse ni Yham yun huh.... at nasa loob siya?" Pinuntahan ko siya at sumakay sa kotse niya. "Yham bakit hindi mo na ako hinintay?"

Hindi niya ako sinagot. Binuksan niya lang ang makina ng sasakyan at lumabas na kami ng park.

"Yham. May problema ba?" Hinawakan ko ang kamay niya na nasa transmition. Tiningnan niya ito.. pero iniiwas din niya ang kamay.

Wala akong maisip na ibang dahilan para magalit sa akin si yham. Baka may malalim lang siyang iniisip kaya hindi niya ako magawang kausapin. Baka tinotopak na naman ang Bestfriend ko.. Mabuting wag ko nalang siyang kausapin... Paminsan-minsan talaga tinatamaan ng mood swing itong si yham.. tinalo pa ako kapag dinadatnan ako ng buwanang dalaw ko. >:)

Inihatid na niya ako dito sa bahay. Pero mukhang wala siyang balak pumasok muna sa bahay. Ayaw pa din niya akong tingnan.

"Uhmmm. Sige Yhamm.. Salamat sa paghatid mo sa akin dito sa bahay..." Iniabot ko sa kanya ang TF niya. Kinuha niya... pero hindi niya talaga ako kinakausap. "Tssssss... alam mo talo mo pa ako kapag nireregla ako... Sungit!" Dumila ako sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan. Nakita kong napangiti siya.... pero onti lang.

Pumasok na ako sa bahay... At si yhams naman umalis na. 

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Sumilip si mommy sa labas ng bahay. "Nag-away ba kayo ni James?"

"Hindi po mommy... simusumpong lang po si yham kaya siguro ganun siya. Aakyat na po ako ng kwarto. Bukas ko nalang po ikkwento yung nangyari sa shooting mommy" Paakyat na ako ng hagdanan.

"Naku kayong dalawa talaga... Para pa rin kayong mga bata." Sana'y na si mommy sa tampuhan namin ni James. Pero never pa kaming nag-aaway. Kasi lagi naman kaming nagkakaayos ni yham... lagi niya kasi akong sinusuyo... Hindi naman niya kasi ako matitiis. ^_^

Bago ako matulog, naisipan kong itext muna si yham.

Yham, kahit di mo ako pinapansin kanina... gusto ko lang sabihin na sobrang Thank You kasi kundi dahil sayo hindi ako magkakaroon ng chance makasama ang crush kong si Daniel. Mwuah :*

P.S. Sana bukas ok ka na. Maglagay ka ng pads.. yung may wings para hindi na uminit yang ulo mo. <3 Kinukuha ka palang model ng Modess baka trip mong kunin... :p

Hula ko... napapangiti na ngayon si yhams sa message ko sa kanya ^_^

//*****************************//

Copyright 2014 

©msniickii

 *Dont forget to Follow and Vote <3*

TIA ♥ ♥ ♥

Like the official FB page: https://www.facebook.com/PBMFYham.Official

(3 words hard to say) Please be Mine = Forever [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon