Chapter 4

463 21 4
                                    

//*****************************//

(Nadine's POV)

TIME CHECK: 12:22 AM

Errr... I can't sleep. Kanina pa ako pagulong gulong sa higaan ko. Iniisip ko kung anong magandang gawin sa birthday ni yhams sa isang araw. Kasi naman yung lalaking yun walang pakielam kahit kailan sa birthday niya. This time I want to make it special. Lagi nalang niya kasi akong sinosopresa... pero hindi ko alam ang gagawin ko. ~_~  

Lumabas ako ng kuwarto para pumunta sa kusina at uminom. 

"Tita? Ano pong ginagawa nyo dito?" Si tita nasa dining area... at mukhang may inaayos siyang mga papel.

"Oh, iha buti gising ka pa. Come join me here. Kung ok lang naman sayo." Pinaupo ako sa tabi ni tita. 

"Bakit po tita? may kailangan po ba kayo sa akin?" Tiningnan ko ang mga papel na inaayos ni Tita... may mga list of names, venue, catering... 

"Well iha. Kaya talaga kita pinapunta dito kasi I want to talk to you...." 

"Tungkol po saan tita?" ipinakita sa akin ni tita ang note niya.

JAMES SURPRISE BIRTHDAY CELEBRATION

Napatingin ako kay tita at ngumiti. 

"Iha, I want you to help me to prepare this surprise celebration for James." Ang galing naman ng idea ni Tita. Bakit hindi ko naisip to?

"Talaga po tita?! Go na go po ako diyan!" Eto na siguro ang sagot sa iniisip ko kanina. Something special for yhams birthday.

"Definitely! I already discussed about this to your Tito. And he's fine with my idea. But wala akong kaalam-alam sa mga dapat ayusin to make it even more special for him." Good news talaga.

"Bakit po tita?" Pareho kami ng iniisip  ni tita. Kaya kami ang mas magkasundo kesa sa kanila ni James.

"Iha. I may be his mother and I know what is best for him. But my only weakness is... Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ng anak ko. I  admitting that I don't know everything about my son. Napakaweird din kasi niyang bestfriend mo."

Si tita din pala... napapansin din ang pagka-weirdo ni yhams.

I held tita's hand. 

"Don't worry tita. I'll take care for everything." Bigla na lang madaming idea ang pumasok sa isip ko.

"Oh, by the way iha. Ininvite ko pala yung mga naging classmate ni James sa recital workshop noong nasa high school pa siya."

Naalala ko bigla ang 'EX daw' ni yhams. Si Daniela Fortaliza... anak ng isang pulitiko. Naging magkaklase sila ni yhams sa summer class music school noong nasa 2nd year high school palang sila. Si yhams ang tumutugtog sa Piano.. samantalang Violin naman si Daniela. Hindi man nila ako kaklase sa music school (never naman sa aking nahilig ang music)... nakakarating pa din sa akin ang mga pagfiflirt niya sa bestfriend ko. Ipinagkalat pa niya na sila na daw ni yhams kahit hindi naman totoo... that time gusto ko na siyang sugurin at ng masabunutan ng matinde.. kaso pinigilan ako ni James. Ano na kayang balita sa kanya ngayon.

Inihatid ko na si tita sa kwarto nila ni tito. At ako naman.... kailangan ko ng magpahinga... madami pa akong dapat gawin bukas para sa surprise namin ni tita kay James.

--------------------------------------

(James POV)

"Mommy, si Nadine po? Malalate na kasi kami" Patapos na akong kumain pero hindi pa din bumababa ng kuwatro si yhams. "Yaya Camil, can you check Nads sa room niya? Pakisabi malalate na kami. Thanks."

(3 words hard to say) Please be Mine = Forever [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon