Chapter 6

558 33 0
                                        

//*****************************//

I checked the whole room.. pero ako lang ang tao. Ang weird, kung nakidnap na ako dapat nakatali na ang kamay ko at hindi nila ako iiwan dito mag-isa. Dapat sinuntok na nila ako... dapat duguan na ako... pero nakita ko naman ang sarili ko sa salamin... mas cute... mas gwapo... mas macho... pa nga ako sa inaakala ko :)

Hindi ako makapagdesisyon kung lalabas na ba ako. Baka naghihintay lang sa labas ang mga kidnappers ko. Dapat handa ako. Kinuha ko ang walis na nakita ko. Unti-unti kong binuksan ang pintuan. Mukhang walang tao sa labas?

Wala ngang tao! Baka umalis saglit. It's my chance now na makatakas. Agad akong lumabas ng kuwarto.. and for self defense dala-dala ko pa din ang walis.

Ang weird naman ng lugar na to. Bakit walang katao tao? Ang dilim pa! Baka naman nananaginip lang ako... binabangungot... whatta birthday! :( Last day ko na ata ito.. Dapat pinagtapat ko na pala kay yhams ang totoo habang may oras pa... </3 

Nandito ako ngayon sa kalagitnaan ng mga silya at upuan... Natatandaan ko na, dito kami unang nagkita ni yhams ko <3 Nung mga panahong nacute-an ako sa kanya... ang bata pa namin noon.. pero attracted na talaga ako sa kanya. Ibang klase talaga si yhams.. walang katulad.

Inayos ko ang pagkakahawak ko sa walis... para anytime ready akong maipalo iyon sa susugod sa akin.

Maya-maya may humawak sa balikat ko.... Walang sabi-sabi... hinampas ko siya ng walis sa ulo.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Teka bakit babae ang boses! Bumukas bigla ang ilaw.

Oh Shit! Si yhams!!! Nahampas ko sa ulo!! AS IN SOLID TALAGA!

"Nadine!!!"  inalalayan ko agad siya. Nahilo ata sa pagkakahampas ko! "Sorry yhams!"

Lumapit na din ang parents ni Nadine pati na din si Mommy at Daddy!

"Iha! Are you ok?!" Hinawakan agad ni mommy ang ulo ni yhams. 

"Anak!" Hinawakan naman ni tita ang kamay niya. 

Si Tito at Daddy naman sobra ang pag-aalala.

"O-Ok lang po ako." Hinawakan nya ang ulo at halatang hilong-hilo. Tiningnan ako ng masama ni Nadine. "Ikaw James Huh! Ang sakit ng hampas mo! Sa ulo pa talaga?! Hampasin din kaya kita para patas lang?"

Niyakap ko siya.

"Yhams Sorry! Sorry talaga." Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para maging OK si yhams. Its my fault. "Ano ba kasi ang ginagawa mo sa dilim?"

Binatukan niya ako. "Hindi pa ba obvious yhams?" Tumayo siya. "Surprise!!".

Napakamot nalang ako ng ulo. Ang dami palang tao. Nandito ang classmates ko, Si kindaichi at Rex, Si Camille at Theresa, Ang mga relatives namin, Kapitbahay at higit sa lahat ang mga naging classmate ko sa Music Class noong 2nd year summer class ko.

"Kaso mukhang ako pa ang nasurprise sa ginawa mo sa akin yhams!" Dumating ang isang Ice Bag dala ng waiter. "Sayang naman outfit ko kung may bukol akong malaki." Mabuti at bukol lang ang inabot ni yhams at hindi ito dumugo.

Napansin kong pamilyar ang suot ni yhams na damit....

TAMA! It looks like the same dress that she's wearing on the first time na nagkakilala kami... sa lugar na ito. Kung cute siya noon MAS  SOBRANG CUTE SIYA NGAYON! <3

"Sorry talaga yhams!" ~_~ Napansin ko na din ang suot ko. Yeah! This really looks like the same attire na suot ko ng magkakilala kami ni yhams.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(3 words hard to say) Please be Mine = Forever [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon