Chapter 5

409 22 2
                                    

//*****************************//

(Nadine's POV)

Ang aga kong nagising. Kailangang hindi ako maabutan ni yham. Wala kasi akong balak pumasok ng school. I need this whole day to prepare everything para sa birthday ni yhams bukas.

"Oh iha, gising ka na? ang aga mo naman." Naabutan ko si Tito at Tita sa dining.

"Good Morning po Tito. Good Morning po Tita." Umupo ako sa dining para mag-breakfast.

"Good Morning din." Nakangiti sa akin si tita. "Daddy. Sinabi ko na kay Nadine yung plano para sa birthday ni James tommorow."

"That's Good. So, Ano na bang plano niyo?" Mukhang tapos ng kumain si tito.

"I'll handle everything tito. Don't worry po." Binilisan ko na din ang pagkain. "Tito, pwede po ba akong makisabay sa inyo?" 

"Oh, hindi ba papasok si James ngayon?" Nagtataka si tito kasi alam niyang magkasabay kami palagi ni Yhams papasok.

"Ako po ang hindi papasok sa school ngayon tito. I need to prepare everything this day po."

"Naku iha. Are you sure?" Hinawakan ni tita ang kamay ko. "I'm sorry kung sayo ko inasa ang birthday bukas ni James."

"No worries po tita. Gusto ko din naman po itong gagawin ko." Tumayo na ako. "Sige po tita. Mauna na po kami ni tito."

"Iha, charge everything here." Iniabot sa akin ni tita ang card niya. 

"Ok po tita. Salamat po." humalik na ko kay tita at sumunod na kay tito.

Sumakay na kami ni tito sa kotse niya. 

"San ka ba pupunta iha?" ini-start na ni tito ang makina.

"Sa school po muna. Kasi alam ko pong hahanapin ako ni James dun. May kailangan lang po akong gawin."

"Sige, idadaan na kita doon."

"Salamat po tito."

---------------------------------

Nandito na ako ngayon sa Norvale, agad kong pinuntahan sila Theresa at Camille. Buti nalang nakita ko agad sila sa bench at hindi pa nakakaakyat ng room. Dito kasi kami palagi naghihintayan tuwing umaga, para sabay-sabay na kaming pumunta sa room.

"Nads, bakit hindi ka naka-unifrom?" Bungad sa akin ni Camille.

"Napadaan lang ako." Nakipagbeso-beso ako sa kanila. "Girls favor, kapag hinanap ako ni James sa inyo.. sabihin nyo absent ako, may sakit, umuwi ng bahay namin. PLEASE!!!!"

"Anong pumasok sa isip mo at mag-aabsent ka?" 

"At bakit parang pinagtataguan mo si James ngayon? LQ kayo no?" nangintriga pa itong si Theresa.

"Naku, Hindi." Nagtawanan kami. "I need to prepare a surprise party for James tomorrow. Birthday niya kasi."

"Aaa!! Oo nga pala!" Mukhang nawala sa isip ng dalawang ito. "Malamang invited kami dyan?"

"Oo naman! I'll text you the details later. Ok?" Lagi namang silang invited sa birthday ni yhams simula nung maging classmate ko sila nung first year.

(3 words hard to say) Please be Mine = Forever [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon