P

54 4 0
                                    

Nahulog ang isang piraso nang kulay pink na sobre pagkabukas ko ng locker ko, it's from him again.

"Uy, yung secret admirer niya nagpaparamdam ulit," Pang-aasar sa akin ni Elsie habang may pasundot-sundot pa sa tagilirang nalalaman.

"Ano ba Elsie, mahulog yung mga libro ko." saway ko dito.

"Aminin mo munang kinikilig ka!"

"Hindi ako aamin kasi hindi naman talaga." pabiro ko siyang inirapan bago sinara ang locker ko at nagmartsa paalis.

I had been receiving gifts from this anonymous admirer, ngayon lang ulit siya nagpadala sa akin ng sulat... and it's making me excited and nervous at the same time.

Magpapakilala na ba siya? Are we going to meet? Saan? Kailan?

Bakit pupunta ka ba? Papayagan ka ba ng magulang mo ha, Renna?

Hearing my own thoughts, I popped the bubbles I'm making earlier... the happy mood turned gloomy, the light turned to dark.

Oo nga naman, ano naman ngayon kung makikipagkita na siya? Hindi rin naman ako makakapunta. Hindi lang pingot ang aabutin ko kapag nalaman nilang nakikipag-date ako na wala pa sa tamang edad.

I'm on my fourth year in Accountancy, four months from now pwede na akong kumuha ng board, ano ba ang tamang edad para sa kanila?

Kapag menopause na ba ako at hindi na kayang manganak?
Kapag uugod-ugod na ako at hindi na kayang makapamasyal?
O baka kapag isang araw na lang at mapapatunayan na naming 'till death do us apart?

Konserbatibo pa sa konserbatibo ang mga magulang ko; bawal ang ganyan, ang ganito. Hindi pwede yan, hindi pwedeng ganito.

Sobra pa sa batas-militar ang paghihigpit nila sa akin. Isa sa mga bagay na ipinag-papasalamat ko ay wala akong kapatid dahil sa ganon ay ako lang ang makakaranas nito at ang mga sakit na ka-akibat nito.

Until We Meet Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon