I

21 3 0
                                    

"M-ma."

Matalim ang tingin sa amin ni Mama partikular sa magka-hawak naming kamay.

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakahawak ng kamay namin ni Kent, hawak niya ng mahigpit ang kamay ko, parang walang balak bitawan kaya tumayo ako ng biglaan.

"Ma, si Kent po pala, co-actor ko po. Kasali rin po siya sa play na sinasabi ko." Thank God I didn't stutter.

Nakataas ang kilay ni Mama, hindi inaalis ang tingin kay Kent na nakikipagtitigan din.

Tumagal ng ilang segundo ang titigan nila hanggang si Mama ang unang sumuko.

"Siguraduhin mo lang Enna, hindi kita pinapapasok sa school para lumandi." napayuko ako kasi tama siya. She sent me to school to study and not to...

"Tara. Umalis na tayo, hinihintay tayo ng Papa mo sa kotse."

Walang sabi-sabi ay hinatak ako ni Mama palayo kay Kent, hindi man lang ako nakapag-paalam.

---

"Why did you do that?"

His voice is void of any emotion.

I continued walking back and forth.

"Akala ko ba naiintindihan mo ako Kent? Yung sitwasyon ko? Nung nag-umpisa tayo pinaliwanag ko naman sayo ah. Pero ano 'to? Gusto mo ba akong mapahamak?"

He look devastated. Nalilito.

" I can fight for us! Kaya kitang ipaglaban. Damn. Kaya kong harapin ang magulang mo, mapasa-akin ka lang ng legal. Naiintindihan mo rin ba ako Queen?" He hold me by the shoulders while looking straight at my eyes.

Humugot ako ng malalim na hininga. "One month Kent. One month. Gra-graduate na ako. Let me graduate first then saka tayo ulit mag-usap tungkol sa pagtatapat kina Mama." Malungkot pa rin ang mata niya pero tumango siya, and he lower his head to kiss me fully on the lips which I accept with the same intensity.

One month had passed and everything has changed.


---

One last chapter then epilogue na. 😍

Until We Meet Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon