B

25 2 0
                                    

Malalim ang hangin na binuga ko,  nanlalambot ang tuhod ko at parang gusto ko na ring umatras at bumalik sa condo ko at mamaluktot sa ibabaw ng kama ko.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at binasa ulit ang message ni Elsie, ang nag-iisa kong kaibigan nung college,umaasang mapapalakas nito ang aking loob.

Hi Renna. I organized a reunion party for our batch. Magtatampo talaga ako sayo kapag hindi ka pumunta. See you later!! 😘

Isinilid ko ulit ito sa bag ko. Tinuwid ang suot na fitted na palda at coat, galing pa akong opisina at walang panahon para makapagpalit pa at tutal hindi rin naman ako magtatagal. Balak kong magpakita lang at umuwi na.

Isa. Dalawa. Tatlong buga pa bago ako dire-diretsong pumasok sa isang silid na punong-puno ng mga makukulay na ilaw at mga taong sumasayaw.

Ilang beses akong naki-pagbalyahan, nakipagtulakan, nakipag-sikuhan at bulyawan bago ko narating ang lugar kung nasaan ang mga dati kong kaklase.

Pag-apak ko palang sa silid ay parang switch na 'tong nakapagpa-tahimik sa mga kong kaklase.

All eyes was on me. Some are glaring, throwing daggers at my direction. Some are shocked to see me, some have no reactions.

Yes. I was a star, ilang buwan din akong usap-usapan sa campus, and that is because of...

"Queen."

him

Until We Meet Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon