Ashton's POV
Flashback
Pauwi na ako sa condo pagkatapos ng monthsary date namin ni Naomi nang mag ring phone ko. Agad ko naman itong sinagot nang makita ko na si dad yung tumatawag.
" Hello Dad? Bat po kayo napa--?" tatanungin ko sana siya kung bakit siya napatawag nang bigla niya akong pinatigil sa pagsasalita.
" Huwag ka muna umuwi sa condo mo at dumiretso ka sa mansion. I'd have something to tell you. It's very important!" pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla akong nakaramdam ng kaba. I don't know why pero parang ayokong umuwi ng mansion. Masama kutob ko.
" Yes dad, I'll be there in 5 minutes. " Tanging tugon ko nalang sakanya at liniko ang sasakyan para mag iba ng direksyon papunta sa mansion.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa mansion. Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko si mom at si dad na naguusap sa dining table.
" Where is the uod brat?" Tanging tanong ko para mapansin nila.
"Oh my sweetie son! Bakit di ka na bumibisita dito? Nakakatampo ka na baby!" parang bata na saad ni mom. Napatawa nalang kami ni dad nang mag pout ito na parang ninakawan ng lollipop. My mom is so cute just like me.
"May inasikaso lang mom" saad ko sakanya. I gave her a sweet kiss sa cheeks para di na magtampo.
" By the way, what do you mean by uod brat? Who's that? " Takang tanong ni mom sa'kin.
" I'm talking about Audrey mom" pagkasabi ko nun, ay bigla niya kong pinalo sa braso.
" Why did you named your twin sister uod brat?! Honey oh! " pagsusumbong pa nito kay dad.
Tiningnan ko si dad na kanina pa naka upo at nagbabasa ng magazines.
" Hayaan mo sila Veronica" tanging nasabi ni dad kay mom.
" By the way dad, ano pala sasabihin mo?" pag iiba ko ng usapan. Bigla naman sila nagka tinginan ni mom ng seryoso.
" What's the problem? " Tanong ko pa ng biglang napayuko si mom.
" Sumunod kayo sa meeting room"
Malamig nitong utos na sinunod naman namin ni mom. When he said sa 'meeting room' importante talaga yan and I'm fucking nervous about that thing. Damn! Ano ba kasi sasabihin nya?!Parang gusto ng mga paa kong umatras palabas ng makapasok na ako sa meeting room. Napakaloob dito ang napalaking mesa sa gitna. Umupo ako sa left side, si mom naman sa right side at sa gitna si dad.
Tiningnan ko si mom at kagaya kanina, agad itong yumuko. Nakakainis na!
"Spill it dad. I don't have enough time." malamig kong saad. Curiosity kills me fvck.
" Bumaba ang rating ng kompanya, we need to get the highest rate and rank para maisakatuparan ang pagbuo natin ng mga bagong buildings nationwide. Nangunguna sa ranking ngayon ang Tan Company. Director Tan is one of my close friend. May isa siyang anak na babae and you'll need to marry her for good. Para makuha ng kompanya ang partnership for business. Sa pamamagitan ng pagpapakasal ninyo, the two companies will collide. Dadalhin ni Ashley ang apelyido mo at dahil sa tulong niya, aangat ulit yung kompanya natin. Kinakailangan ng kanilang kompanya ang ating kompanya para sa bagong projects na isasagawa nila at kinakailangan rin natin sila para umangat ulit tayo. That was the important thing that I want to say to you. Ito lang ang nag-iisang paraan para maisalba ang ating kompanya. Just do it for us and stop being stubborn. Just say yes and marry her okay?" Mahabang paliwanag nito at napa buntong hininga.
BINABASA MO ANG
My Gentle Maniac Husband
RomanceAshley's dream is quite simple, ang makatuluyan ang kaniyang ultimate crush na si Ashton Miguel Cleighton, kilala bilang isa sa tagapagmana ng isang sikat na kompanya sa buong mundo. But unexpected day comes, nagkaroon ng pinakamalaking problema ang...